CHAPTER 6

335 13 0
                                    

??? POV

Mula sa 'di kalayuan ay aking natatanaw ang pagkayakap ni Karen kay Ivhan.

Hindi ko maiwasang mag-init ang aking loob at magalit. Nagtagis ang aking bagang habang yukom-yukom ko ang aking kamao.

Napaka kapal talaga ng mukha ng babaeng yan. Lakas makayakap! Akala niya, pag-aari niya si Ivhan? Tss...akin siya at hindi sa'yo! Assistant ka lang, ex-girlfriend ako! Mas may karapatan ako kesa sa'yo.

Sige hahayaan kitang lingkis-lingkisin siya pero pag dumating na ang panahon na kailangan ko nang lumantad, humanda kang babae ka! Gagawin 'kong impyerno ang buhay mo.

Akin si Ivhan Alcarez, akin!

CZAYRA'S POV

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa tuluyan na akong nakalayo sa gym na iyon. Tumungo ako sa pinakamalapit na bench at doon hingal na hingal na naupo.

Mabuti na lang at hindi na ako sinundan ni Ivhan hanggang dito. Halos manginig ang mga paa ko kanina nang makita ko siyang papalapit sa akin kaya naman walang ano-ano na tumakbo ako kaya naiwan ko si Charlyn dun pero nandito na pala siya.

Malumanay na naglalakad na animo'y nasa buwan.

Ako'y kaniyang tinabihan habang bakas sa  mukha ang pag-aalala.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya at tumango naman ako habang habo-habol pa rin ang aking hininga. "Mabuti na lang at tumakbo ka. Pero buti na lang din at hindi ka nadapa."

Bigla akong natawa. "Haha hindi naman ako lampa."

"Haha bakit may sinabi ba ako?"

"Haha wala naman." Nawala ang ngiti sa aking labi. "Pero Cha..." takot na tumingin ako sa kaniya. "Natatakot na'ko kay Ivhan."

Hinawakan niya ang aking kamay at iyo'y pinisil. "'Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa Ivhan na yun, kayang-kaya ko siya." Sabi niya sa may paniguradong tono.

"Hindi niyo siya kaya."

Bigla kaming napatingin sa aming likuran ng may magsalita.

Halos manlaki ang aming mga mata sa aming nakita lalong-lalo na ako.

"Isa siyang Alcarez. Isa sa mga matataas na estudyante dito. Hindi niyo siya kayang kalabanin o banggain na lang basta." Pagtutuloy niya pero ni-isa dun ay wala akong naintindihan dahil nakatitig lamang ako sa kaniyang mukha.

Magsasalita na sana ako pero biglang may babaeng lumapit sa kaniya sabay hawak sa  braso niya.

"Babe, sino sila?" Tanong nito.

"Ewan. Let's go?" Tumango yung babae at saka naghawak ng kamay habang naglalakad  palayo sa amin.

Naluha na lamang ako sa aking mga nakita. Lalo pa nung maalala ko na sinabi niya ang salitang ewan. Pakiramdam ko'y nabiyak ang aking puso. Lalo pa at tiningnan niya lamang ako na parang hindi kakilala.

Bakit hindi mo ako naaalala?

Agad namang hinaplos ni Charlyn ang aking likod at pilit akong pinapatahan habang patuloy ang paghingi ng pasensya.

"Patawad Czayra, patawad. Hindi ko alam na ganito ang kahihinatnan mo dito. Imbis na makalimot ka ay lalo ka pang mangungulila sa ex mo." Niyakap niya ako habang hinahaplos naman ang aking buhok. "Patawad, hindi ko alam na dito din pala siya nag-aaral."

...

Nawalan na ako ng gana maggala sa buong university kaya nagbalik na lamang ako sa aking dorm lalo pa at labis akong nasaktan kanina.

Nagtungo ako sa aking kwarto at saka naupo sa gilid ng aking kama.

Nagbalik ang mga nangyari kanina.

"Babe, sino sila?"

"Ewan. Let's go?"

Ang sakit. Sobrang sakit.

---FLASHBACK---

Halos hindi mapawi sa aking labi ang ngiti habang inuugoy niya ako sa duyang yari sa kahoy at bakal ang nagsisilbing tali.

Inuugoy niya ako habang may ngiti sa labi. Ngiti na kahit kailan ay hindi ko pagsasawaan at malilimutan.

"Tama naaaa haha. Itigil mo..." sabi ko habang ang isang kamay ay nakahawak sa aking ulo dahil ako ay nakakaramdam na ng hilo sa lakas ng pag-ugoy niya.

Inihinto naman niya ako at dahan-dahang nilapitan.

Hinawakan ang aking kamay habang nakatitig sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng kilig kaya naman hindi ko maiwasang mamula at tumungo sa hiya.

Napansin niya iyon kaya naman nagpakawala siya ng isang tawa.

"Ayiehh kinikilig siya!" Sigaw niya na agad 'kong tinutulan.

"Kinikilig ka diyan! 'Di noh!" Pagtanggi ko na ikinatawa niya ng malakas.

"Hindi pala ha." Sabi niya sabay walang tigil na pinagkikiliti ako sa aking tagiliran.

Tumawa ako ng tumawa hanggang sa namuo na ang luha sa aking mga mata dulot ng sobrang saya na aking nadarama.

"Tama na paki-usap." Sabi ko habang patuloy sa pagtawa na hindi ko maihinto kanina pa.

Ramdam ko ang pagkangalay ng aking panga katatatawa.

Tumigil naman siya habang utas pa rin katatawa kaya naman pinanlisikan ko siya ng mata at saka pinagkikiliti ang kaniyang leeg.

Nagpaltukan ito na animo'y manok na binubuhusan ng mainit na tubig.

Nabalot kami ng tawanan at halakhak.

---END OF FLASHBACK---

Hanggang sa...

---FLASHBACK---

"Diba mahal mo ako? Bakit mo ako iiwan?" Nangingiyak 'kong sabi habang nakahawak sa kaniyang kamay.

"Oo mahal kita Czayra." Napangiti ako. "Pero mas mahal ko si Alexa." Dagdag pa niya na ikinaguho ng mundo ko.

Ramdam ko ang bawat pagkirot ng puso ko kasabay ng bawat pagpatak ng luha ko.

Masakit pa sa 'di lang masakit. Sobra-sobra ang sakit. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang bigkasin niya na mas mahal niya ang babaeng pinagseselosan ko noon pa. Si Alexa, ang babaeng karibal ko sa puso niya. Ang babaeng sabi niya na kahit kailan ay hinding-hindi niya ipagpapalit sa akin. Pero ngayon...

Wala na. Ngayon, hawak na siya ng babaeng labis 'kong pinagseselosan.

---END OF FLASHBACK---

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon