CHAPTER 23

277 14 0
                                    

GABRIEL'S POV

"Ivhan, salamat ha sinamahan mo ako ngayon." Sabi ko sabay inom ng alak sa aking baso.

"Wala yun. Lagi mo rin naman akong sinsamahan pag kailangan ko ng kasama. Bakit nga pala nag-iinom tayo? May problema ka ba ngayon?"

"Wala. 'Di ko lang akalain na ang Czayra na kinukwento mo at Czayra na kinukwento ko sa'yo ay iisa." Napatawa ako. "Iisa ang babaeng minahal natin. Kahit si Arjhay, mahal rin siya."

"Maganda kasi si Czayra. Sobrang bait pa."

Siyang tunay.

"Mahal mo pa ba rin siya?" Napatingin ako sa kaniya. "Gab?"

"Mahal na mahal." Namuo ang luha sa aking mata pero agad ko iyong pinunasan dahil ayokong umiyak sa harap ng kahit na sino. "At alam ko na mahal mo rin siya." Humarap ako sa kaniya. "Ivhan, 'wag mong pababayaan si Czayra ha. 'Wag na 'wag mong paluluhain bagkus ay igalang mo."

"B-bakit ganiyan ka magsalita, Gab?"

Napakamot ako sa aking batok at tumawa ng mahina. "Ivhan, pinauubaya ko na siya sa'yo."

"Bakit? Kilala kita Gab. Hindi ka susuko at kung may kakumpitensya ka man sa isang bagay ay 'di ka nagpapatalo pero bakit ngayon? Basta mo lang ibibigay sa'kin si Czayra? Gayong noon pa lang mahal mo na siya?"

"Ivhan, wala ng halaga kung ipaglaban ko pa ang pagmamahal ko para sa kaniya. Manalo man ako, wala na ring silbi." Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat. "Ivhan, may taning na ang buhay ko."

Gumuhit ang pagkagulat sa kaniyang mukha. "Ano?"

"Bata pa lang ako, tinaningan na ang buhay ko. May leukemia ako. Ang galing nga kasi tumagal pa ako e. Akala ko nga magaling na ako pero muli akong tinaningan nitong mga nakaraang araw lang. Nagpacheck up ako tapos ayun. May konting araw na lang ako. Siguro nga pinahaba ang buhay ko para kahit sa  huling pagkakataon ay makita ko si Czayra...at maipaubaya siya sa iba."

"Gab--"

"Ivhan, mahalin mo siya at alagaan. 'Wag mo na lang ding banggitin sa kaniya ang sakit ko. Ayaw 'kong mag-alala siya. Gawin mo ang lahat para makalimutan niya ako. Alam 'kong mahal ka niya dahil sa'yo niya ibinigay ang ring na pinakaiingatan niya."

"Sigurado ka na ba diyan, Gab?"

"Oo sigurado na. Aalis na  rin ako bukas. Pinayagan na rin ako ni Tito. Siya nga pala. Abutin mo ito." Iniabot ko ang suot 'kong bracelet.

"Para saan yan?"

"Bigay yan sa'kin ni Czayra noon. May ibibilin ako sa'yo." Lumapit ako sa kaniya at ibinulong ang aking bilin.

...

Pagkaalis ni Ivhan sa aking dorm ay saka ko iniiyak ang lahat  ang mga luhang kanina pang nagwawala sa aking mga mata ay tuluyan ko ng pinakawalan.

Masakit man para sa'kin, ipauubaya na kita sa iba.

Sa tingin ko...mas mabuti na  yun kesa mahalin pa kita gayong malapit na  rin akong mawala.

Siyam na taong gulang palang ako, tinaningan na ang buhay ko pero iyon ay nalampasan at nalabanan ko pero ngayon...muli itong nagbalik at natatakot ako na baka 'di ko na kayanin. Muling tinaningan ang aking buhay.

Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami. Pinakatatago ko yung sikreto pero nung nalaman yun ng parents ni Czayra ay itinaboy nila ako. Sasaktan ko lang daw si Czayra pag dumating na ang pahanon ng aking paglisan at dahil dun...narealize ko na tama sila. Kaya napag desisyunan ko na sabihin na mas mahal ko si Alexa kesa naman aminin ko ang sakit ko sa kaniya.

At nung makalipas ang ilang araw. Nakipaghiwalay na ako kay Alexa kasi narealize ko na mas mabuti ng magpakagago kesa naman magmahal ng taong 'di ko naman mahal.

KINABUKASAN

IVHAN'S POV

Ngayon nandito ako sa gym iniisip ang mga sinabi sa akin ni Gab kagabi.

Grabe, hindi ko halos mapaniwalaan na may taning na pala ang buhay niya. All this time, hindi ko inakala na ang tulad niya ay may tinatagong napakalaking sikreto.

Matapang siya pero sa kabila nun ay ang takot niya na mawala sa mundong ito. Natatakot siya na maiwan si Czayra na nag-iisa kaya ngayon naiintindihan ko na kung bakit niya sinabi ang mga bagay na iyon.

Maya-maya pa lamang ay biglang dumating si Czayra at ako'y tinabihan sa upuan.

Akin siyang binigyan ng ngiti at ganun din ang ipinalit niya sa akin.

"Kamusta na ang mata mo?" Tanong ko.

"Okay na. Hindi na masakit."

"That's good."

"Amm Ivhan, nakita mo ba si Gabriel?" Bigla akong natigilan sa kaniyang tanong pero kalaunan ay umiling na lang ako. "Ivhan, napapansin mo ba? Parang ang weird ni Gabriel this past few days."

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Kasi kahapon...sabi niya, kung mahal ko daw siya ay 'wag ko siyang mahalin. Ewan ko ba pero...ang sakit lang kasi para sa'kin e. Mahal ko siya pero sinabi niya sa'kin na 'wag ko siyang mahalin. Hindi ko maintindihan. Bakit? Bakit ganun? Bakit...parang pakiramdam ko, itinataboy niya ako."

Nakaramdam ako ng awa sa  kaniyang inasta.

Gusto ko mang sabihin sa'yo ang dahilan, hindi maaari. May tamang panahon para dun.

Mula sa 'di kalayuan ay aking natanaw si Gabriel na may dalang maleta. Ngayon na ang takdang araw ng pag-alis niya sa university.

Aking niyakap si Czayra upang hindi nito makita ang paglisan ni Gab. Dahil alam 'kong pagnakita niya ito ay tiyak na pipigilan niya ito at ayaw yun mangyari ni Gab.

Binigyan ako ng isang ngiti ni Gab bago tuluyang tumalikod sa  amin.

Gagawin ko ang bilin mo Gab. Alang-alang sa pagkakaibigan natin at sa pagmamahal ko sa  babaeng 'to.

Pangako yan.

AFTER ONE WEEK

Isang linggo na ang nakalilipas mula nung umalis si Gabriel sa university. Patuloy ko pa ring ginagawa ang bilin niya na pasayahin, alagaan at mahalin si Czayra. Masaya ako dahil unti-unti ko iyong nagagawa sa bawat araw.

Unti-unti na ring nakakalimot si Czayra at masaya ako para dun. Minsan na lang din siya malungkot pero minsan, hindi pa rin niya maiwasang maluha. Nandito naman ako para damayan at pakinggan ang mga kwento niya para makatulong para mabawasan ang bigat ng damdamin niya.

Nagawa ko na rin ang isa sa pinakamahalagang bilin ni Gab sa akin, ang maging boyfriend ni Czayra.

Masaya ako kasi hinayaan niya akong pumasok sa buhay niya bilang kaniyang kasintahan.

Ngayon nandito kami ni Czayra sa may bench dito malapit sa gym, nag de-date.

Gusto ko kasi maipadama sa kaniya ang tunay na pagmamahal na nararapat sa kaniya. Mahal ko siya hindi dahil bilin ni Gab. Mahal ko siya dahil mahal ko siya. Siguro nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil dun sa bilin ni Gab sa akin.

Sa ngayon, wala na akong mahihiling pa. Masaya na ako na nakikita siyang masaya sa piling ko. Minsan oo, nagiging malungkot siya kasi naaalala niya si Gab pero okay lang yun sa'kin kasi naiintindihan ko naman siya. Hindi madaling makalimot sa taong naging parte ng buhay mo at minsan na ring bumuo rito.

Masayang magkahawak kami ng kamay. Nakahilig ang aming ulo sa isa't-isa. Ang sarap lang isipin kasi kay tagal 'kong hinintay 'to. Mapasa'kin siya pero hanggang kailan kaya ito?

Maya-maya pa lamang  ay bigla na lamang sumulpot sa aming harap si Gabby na hingal na hingal dahil sa pagtakbo.

"Ivhan, Ivhan...si kuya!"

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon