CHAPTER 20

273 12 0
                                    

Nagising ako mula sa pagkakahimbing ng maramdaman ko ang sikat ng araw sa aking balat.

Dahan-dahan 'kong iminulat ang aking mga mata at ako ay nabigla sa aking nakita. Lumingon-lingon ako sa paligid.

Nandito pa rin pala kami sa rooftop.

Nilingon ko naman si Gab na kasalukuyang nakahilig sa aking balikat. Mahimbing ang tulog.

Nakaramdam ako ng pag-aalala na baka mangalay 'to lalo pa at siguro...kagabi pa siyang ganito ang tayo.

Akin siyang inihiga sa aking hita upang magsilbing unan.

Grabe ang bigat niya ha. Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami.

---FLASHBACK---

Kitang-kita ko ang ngiti sa labi ni Gab habang nakahiga sa aking hita at nakatingin sa kalangitan.

"May dumaang shooting star oh!" Biglaang sigaw niya habang nakaturo sa kalangitan. "Make a wish Czayra."

Ngumiti ako at pumikit.

Sana kahit anong mangyari...hindi niya ako makalimutan.

Sa pagmulat ng aking mga mata ay nasilayan 'kong muli ang matamis na ngiti sa labi niya.

"Anong winish mo?"

"Secret!"

Napanguso siya at pinagkikiliti ako. Kiniliti ako hanggang sa tuluyan ko ng nasabi sa kaniya ang winish ko.

"Pangako yan Czayra, pangako."

---END OF FLASHBACK---

Napaluha ako.

Dahan-dahan 'kong iniangat ang kamay ko at dahan-dahang inihaplos iyon sa kaniyang buhok.

Sana maibalik pa natin ang dati, Gab.

ARJHAY'S POV

Umaga na pero wala pa rin akong tigil sa paghahanap sa girlfriend ko. Mula kasi nung nawala siya kagabi ay nabuo na ang pag-aalala sa  aking loob. Baka kasi kung anong nangyari na sa kaniya at wala ako sa tabi niya para protektahan siya.

Nilibot ko na ang halos kalahati nitong university pero 'di ko pa rin nakikita maski anino niya.

Czayra where are you? I'm so worried.

Maya-maya pa lamang habang ako ay nagpapahinga dito sa isang bench ay biglang may isang lalaking alvanian ang lumapit sa akin.

"Mr. Arjhay, nabalitaan ko po na hinahanap niyo raw po si Ms. Czayra?" Napatingin ako sa kaniya. "Subukan niyo pong puntahan siya sa may rooftop. Dun po kasi kalimitang natatagpuan ang mga taong nawawala."

Dali-dali akong nagtungo roon at mabilis na tinakbo ang lahat.

Mabilis na hinakbang paitaas  ang hagdan at ako ay nabigla sa aking nadatnan.

Nabuo ang galit sa aking loob ng makita ko na may kasama siya at nakahiga pa sa hita niya.

Nagtatagis na bagang na nilapitan ko sila at mabilis na hinila si Czayra kaya naman napatama ang ulo ni Gabriel sa semento na naging dahilan ng kaniyang paggising.

At wala akong pake dun!

Hahakbang na sana ako habang hawak-hawak sa braso si Czayra pero bigla kaming nahinto ng magsalita si Gabriel.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw nito.

"Hoy! Nakahiga ka sa hita ng girlfriend ko! At alam 'kong alam mo na girfriend ko siya!" Galit na sabi ko sabay lingon kay Czayra pero bigla itong nag-iwas ng tingin sa akin.

Nakaramdam ako ng galit kaya naman hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na kaladkadin siya papunta sa dorm ko. Wala na akong pakialam kung masaktan siya basta ang gusto ko lang ay magtanda sa utak niya na pag-aari ko na siya.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw niya.

"Ano yun Czayra? Ano yung nakita ko?!" Nanggigil sa galit na sigaw ko.

"Wala."

"Wala? Nakahiga sa hita mo? Wala?!"

"Wala kang alam, Arjhay. Hindi mo alam."

Napatawa ako ng mahina. "At ako pa ang walang alam? Sige sabihin mo, ano ba ang hindi ko alam?" Hindi siya nakaimik. "See? Nagpapalusot ka pa! Hindi mo naman kaya! Czayra alam mo? Kahapon lang naging tayo pero nagtataksil ka na agad sa'kin--"

"'Wag mo 'kong sigawan!"

"Alam mo ba ang naramdaman ko nung nakita ko kayo?! Ang sakit Czayra! Ang sakit-sakit! Tapos sabi mo, 'wag kitang sigawan? Czayra nagseselos ako e! Nagseselos ako! Buong gabi at magdamag kitang hinanap tapos yun yung madadatnan ko?"

"Hayaan mo akong magpaliwanag--"

"Ano pa bang pagpapaliwanag ang gagawin mo?! Huli ka na Czayra! Huling-huli na kita e!"

"Pagsalita--"

"'Di na Czayra! Kahit ano pang paliwanag ang gawin mo, hindi na'ko maniniwala sa'yo!"

"Sige! Ayaw mong makinig sa'kin? Sige. Hahayaan kita. 'Di mo kasi ako naiintindihan Arjhay, ayaw mo akong pakinggan." Umiling siya. "Akala ko pa naman iba ka. Akala ko, mabait ka na handang makinig sa mga paliwanag. Pero hindi pala. Mabuti pa... maghiwalay na lang tayo."

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon