KINABUKASAN
CZAYRA'S POV
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang party na 'di ko alam kung para saan pero sabi sa'kin ni Charlyn ay may estudyanteng nakapagsabi daw sa kaniya na taon-taon raw ay may ganitong kaganapan sa university. Ang araw na ito raw ay puno ng kasiyahan at umaasa ako na totoo iyon dahil pakiramdam ko'y kabaligtaran iyon sa akin.
Wala pa rin namang ipinagbago sa mga kasuotan namin. Sabi kasi ng mga officials ay mas mabuti nang itong mga school uniform namin ang aming isuot dahil ordinaryong pagsasaya lang daw naman ito kaya 'di na kailangan ng mga enggrandeng kasuotan gaya ng gown.
"Ang swerte-swerte mo talaga!" Boses yun ni Charlyn na sobrang saya para sa'kin. "Biruin mo yun? Uupo ka dun." Sabi niya sabay turo sa mga nagkikintabang upuan sa entablado. "Kasama ng mga matataas!" Manghang pagtutuloy niya na iiling-iling pa.
Akmang magsasalita na ako pero bigla namang inagaw ng emcee ang lahat ng aming atensyon.
Bigla namang sumulpot sa aking tabi si Arjhay na kay lapad ng ngiti.
"You ready?" Tanong niya at masayang tumango naman ako.
He is my boyfriend now. Narealize ko kasi na tama si Ivhan na siguro nga 'di kami para sa isa't-isa. Siguro nga si Arjhay yung para sa'kin kaya heto...sinusubukan ko ring mahalin siya. Baka sakali ay mapaibig rin ako sa kaniya.
"Good evening to each and everyone!" Nagpalakpakan ang lahat. "Now let us call all the high students and officials of our university. Please welcome! The first, the highest position and all we praise for their kindness and power..the De Alva family." Nagpalakpakan muli ang lahat.
Isa-isang umakyat sa entablado ang mga matataas.
"The Father and the Mother of our university:
Mr. Isaac De Alva with his wife..Mrs. Amanda Alcarez De Alva."
"The one only son. The prince of our university:
Mr. Jake Alcarez De Alva with her girlfriend...Ms. Patricia Delim."
"The three daughters. The triplets. Th princesses of our university:
Ms. Icy Rhayne Alcarez De Alva with her boyfriend..Mr. Mico Demala.
Ms. Ivy Rhayne Alcarez De Alva with her boyfriend..Mr. Jerome Camo.
Ms. Izy Rhayne Alcarez De Alva with her boyfriend..Mr. Franco Maran."
"And now...let us call all the alvanians in the second position:
Mr. Ivhan Alcarez with his girlfriend..Ms. Alexa Kim.
Mr. Arjhay Alcarez with his girlfriend..Ms. Czayra Saleco.
Mr. Gabby De Alva Monreal with his girlfriend..Ms. Jhessa Cuanco.
Mr. Gabriel De Alva Monreal."
Halos matapilok ako sa pag-akyat ng marinig ko ang pangalang binanggit ng emcee. Kaya naman pagkaupo ko ay agad ko itong nilingon.
Halos hindi ako makapaniwala sa aking nakita.
Totoo ba 'tong nakita ko? B-bakit...dalawang Gabriel ang nakikita ko?
"Czayra...you okay?" Alalang tanong ni Arjhay sa akin.
Tumango naman ako. "Arjhay maaari bang magtanong?" He nod. "Sino ang dalawang lalaking yun?" Itinuro ko ang dalawang Gabriel.
"Ahh...yung sa may kanan si Gabriel at yung sa may kaliwa, si Gabby. Magkamukhang-magkamukha sila noh? Magkapatid sila. Para nga silang kambal e."
Parang nga. Maaaring isa sa kanila ay nakasalamuha ko na nung mga unang araw ko rito pero 'di ko alam kung sino sa kanila.
"Why are you crying?" Tanong niya at saka ko lang nalaman na may luha pala sa aking pisngi.
Agad ko iyong pinunasan at madaling nagpaalam sa kaniya na ako'y mag c-cr muna.
Pagkapasok ko sa cr ay bigla na lang sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha.
Anong nangyayari?
...
"Hindi niyo siya kaya. Isa siyang Alcarez. Isa sa mga matataas na estudyante dito. Hindi niyo siya kayang kalabanin o banggain na lang basta."
"Babe, sino sila?"
"Ewan. Let's go?"
...
..."Naaalala mo ba ako?"
"Sino ka?"
"Alalahanin mo ako, pakiusap."
...
Maaaring yung Gabby ang palaging nakikita ko at hindi sa Gabriel.
Hindi ko alam na may kapatid siya na kamukhang-kamukha niya at hindi ko rin alam na De Alva pala ang middle name niya.
Masyado na akong nagtatagal dito, baka hinahanap na ako ni Arjhay.
Dali-dali akong lumabas ng banyo tapos biglang nakasalubong ko ang babaeng mahigpit 'kong pinagseselosan noon.
Alexa...
"Czayra?" Medyo gulat na tanong niya nung ako ay kaniyang makita. Hindi ako umimik. "Well...dito ka na din pala nag-aaral."
"Ikaw yung girlfriend ni Ivhan, hindi ba?"
Ngumiti siya ng malapad. "Ow! Kilala mo na pala ang boyfriend ko." Tumango-tango na lang ako at tangkang aalis na pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Czayra sandali. Gusto ko lang sanang kamustahin kayo ni Gabriel. For sure, ikaw ang isinama niya ngayon. Ilang taon na kayo?"
Napakunot ang aking noo. "Huh?"
"Siguro, ang saya-saya niyo na noh?" Masayang tanong pa niya pero nanatili akong walang emosyon.
"Alexa, mula nung napunta siya sa'yo...hindi na siya naging akin muli."
Bumakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha. "Huh? Paano nangyari yun? One week after maging kami, nakipaghiwalay siya sa'kin dahil babalikan ka daw niya."
Bigla akong natigilan.
Ano? Hiniwalayan niya si Alexa para balikan ako? Bakit hindi siya bumalik?
Hindi ko na kinaya pa ang lahat ng aking nalaman kaya walang ano-ano na tumakbo ako palabas habang patuloy ang pagtulo ng aking luha dahil sa pagkagulo sa lahat ng nangyayari.
Pero bigla aking nahinto ng makabangga ko ang lalaking dahilan ng lahat.
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 2: It's You
De TodoIvhan Alcarez is a playboy. He play along with the girls he met. Pinaglalaruan niya ang mga babaeng matipuhan niya. Gagawin niya ang lahat, makuha lang ang gusto niya dahil ayon sa kaniya, isa siyang Alcarez at walang makakapigil sa kaniya. He can d...