CHAPTER 11

282 14 0
                                    

Nagising ako mula sa aking pagkakahimbing nang maramdaman ko ang liwanag na nagmumula sa labas.

Aking iminulat ang aking mga mata at napagtantong umaga na pala.

Ako ay dahan-dahang umupo at saka isinandal ang aking likod sa headboard ng kama ko. Ramdam ko ang pagbaba ng kumot sa aking bewang lalo pa at wala akong damit pang ibabaw. Shirtless kumbaga.

Ako ay napahikab tapos biglang sumulpot sa aking isipan ang mga sinabi ni Jake sa akin kagabi.

"Tss...ang sabihin mo, tinamaan ka."

Bwisit na babae yan!

*phone rings...

Bigla akong natigilan ng iyon ay aking marinig.

Aking inabot ang aking cellphone sa kalapit na mesa at nabuo ang pagtataka sa aking loob ng makita na from unknown number ang tawag.

Kapagkuwan ay akin din itong sinagot kasi baka importante.

"Miss me Ivhan?" Tanong ng babaeng nasa kabilang linya na ikinakunot ng aking noo.

"Who are you?" Pagbabalik ko ng tanong tapos bigla akong nakarinig ng mahinang tawa mula sa kaniya.

"The girl you love the most."

Lalo akong naguluhan. "Huh?"

"Bye Ivhan, see you soon."

*call ended...

Napakamot na lang ako sa aking ulo.

Isa pa 'tong babaeng 'to! Sino ba yun?!  Bwisit na yan! Umagang-umaga, sira  na agad araw ko!

...

Ngayon ay naglalakad ako pa-canteen para mag breakfast. Wala naman kasi akong cook para ipagluto ako.

Pero bigla akong nahinto sa paglalakad ng may makita akong nag-uumpukan sa 'di kalayuan at naririnig ko pa ang mga  sigawan mula roon.

Nabuo ang pag ka-curious sa aking loob kaya naman akin iyong tinungo at tiningnan ang mga nangyayari.

Pero biglang bumakas sa aking mukha ang pagkagulat ng makita ko na si Czayra pala ang taong pinagtutumpukan nila habang hawak-hawak pa ang salamin nito na pilit inilalayo sa kaniya.

"Ibalik niyo sa'kin ang salamin ko!" Sigaw ni Czayra habang kakapa-kapa sa kaniyang paligid.

Nakaramdam ako ng galit at mas lalo iyong nadagdagan ng makita ko na hinawakan nung isang lalaki ang legs ni Czayra.

Walang ano-ano na sinita ko ito na naging dahilan para mapatingin silang lahat sa akin.

"Hoy! Layuan niyo nga si Czayra!" Galit 'kong sabi na naging dahilan para magsikaripas sila ng takbo palayo sa akin.

Aking pinulot ang salaming nalaglag sa pagkakatakbo nung lalaking may hawak kanina. Akin siyang nilapitan at saka iniabot iyon sa kaniya.

Pero ako ay nagulat ng biglang manlaki ang mga mata niya ng ako ay kaniyang makita.

"Lumayo ka sa'kin!" Sigaw nito.

Sinubukan ko siyang hawakan upang pakalmahin pero biglang may humawak sa aking balikat na ikinatigil ko.

Akin itong nilingon at bumungad sa akin  ang mga nanlilisik na mata ni Arjhay.

"Ivhan, ano na naman 'to?" Tanong niya na ikinakunot ng aking noo.

"Wala akong ginagawa." Seryoso 'kong sagot na ikinasama lalo ng kaniyang tingin sa akin.

"Anong wala? Sisigaw ba 'to kung wala kang ginawa?!" Pagtataas niya ng boses na hindi ko nagustuhan.

"Ang yabang mo ah! Baka nakakalimutan mo, mas matanda ako sa'yo!"

"Alam ko naman yun at hindi ko yun nakakalimutan."

"Yun naman pala e, bakit mo ako tinataasan ng boses?!"

"Hindi sa ganun." Pagdadahilan niya na ikinakulo ng aking dugo.

"Anong sabi mo? Hindi sa ganun?! Hoy Arjhay, hindi ako tanga!" Nagtatagis na bagang na  sigaw ko

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na siya'y suntukin sa may pisngi. Napaupo naman ito sa semento dulot ng aking kamao at dali-daling inalalayan siya ni Czayra makatayo.

"Czayra, tumakbo ka na. Kaya ko na 'to." Sabi pa nito na ikinangisi ko.

"Hindi Arjhay! Hindi kita iiwan mag-isa dito." Sabi pa ni Czayra.

And drama naman ng dalawang 'to. Nakakabwisit.

"Sige na, pakiusap. Sundin mo na lang ang sinabi ko."

Nilingon naman ako ni Czayra ng may luha sa mga mata sabay takbo palayo sa aming kinaroroonan.

Nilapitan ako ni Arjhay ng nanlilisik ang mga  mata.

"Ano ba kasing ginawa mo kay Czayra ha?!" Sigaw nito na ikinagalit ko.

Ayoko ng sinisigawan ako. Tang*namo!

Akin siyang kinuwelyuhan at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. "Wala nga akong ginagawa!" Sigaw ko sa mukha niya.

"Alam ko naman na 'di mo aaminin kung ano mang ginawa mo kay Czayra e. Magtataka pa ba ako?" Sabi niya sabay singhal. "Isa kang manyak na walang-ibang alam kundi ang mambastos ng mga babae!" Nagtagis ang aking bagang at humigpit ang hawak sa kaniyang kwelyo. "Ikinahihiya ka namin. Hindi ka nababagay maging Alcarez--"

"Anong sabi mo?!"

"Ang sabi ko, ikinahih--"

Hindi na siya natuloy pa sa  kaniyang sasabihin ng akin siyang suntukin sa may panga. Napaupo siyang muli at mabilis na tumayo at ako'y hinarap upang kalabanin.

Susuntukin niya na sana ako pero bigla akong umilag kaya naman sa leeg ko ito tumama.

Walang ano-ano na gumanti ako hanggang sa halos magkapatayan na kaming dalawa.

GABRIEL'S POV

Ngayon ay nagmamadaling tumatakbo kami ng aking mga tauhan ng makarating sa amin ang balita na nag-aaway daw sina Ivhan at Arjhay.

Dali-dali kaming nagtungo roon upang sila'y awatin. Bawal kasi iyon sa batas namin bilang matataas na Alvanians. Isa silang mga Alcarez, kamag-anak ng mga De Alva gaya ko.

Pero bigla akong nahinto sa pagtakbo ng may makita akong babae na tumatakbo habang humihikbi. May kalayuan man siya sa akin ay nakikita ko ang mga butil ng luha sa kaniyang mukha. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.

Czayra...

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon