CHAPTER 15

271 12 0
                                    

KINABUKASAN

CZAYRA'S POV

Magkahalong mangha at tuwa ang naramdaman ko habang kinukwento ko kay Charlyn ang lahat ng mga sinabi ni Ivhan kagabi. Masaya kasi ako na humingi siya sa'kin ng tawad at nagsisisi na siya.

"Mabuti naman kung ganun." Walang buhay na sabi niya. "Pero mag-iingat ka pa rin sa kaniya."

Napakunot ang aking noo. "Bakit naman?"

"Hindi naman sa nagdududa ako pero...mabuti na yung nag-iingat." Pagpapaliwanag niya na ikinalinaw ng tanong sa isip ko.

Maya-maya pa lamang ay biglang dumating sa aming harapan si Arjhay na nakatodo ngiti pa na  animo'y walang nangyari kahapon.

"Amm Czayra maiwan ko muna kayo ha. May kukunin lang ako sa library." Pagpapaalam ni Charlyn sabay lakad pero akin siyang pinigilan upang samahan pero 'wag na daw. Kaya niya na daw yun. Kaya...hinayaan ko na lang.

Naiwan naman kami ni Arjhay dito na nakangiti pa rin.

Napatawa na lang ako sa kaniyang inasta. Ang weird niya kasi.

"Czayra may sasabihin pala ako sa'yo." Nakangiti niyang sabi tapos naalala ko na meron din pala akong sasabihin sa kaniya.

"Ako din meron." Sabi ko na lalong ikinangiti niya. "Pero sige, ikaw muna." Pag paparaya ko.

"Gusto 'kong malaman mo na ito na ang huling araw ng pagga-guide ko sa'yo." Napawi ang kaninang malapad na ngiti sa aking labi. "Kabisado mo na naman ang bawat sulok ng university diba?" Nakangiti niyang sabi na ikanalungkot ng aking loob.

"Iiwan mo na ako?" Malungkot 'kong sabi tapos bigla niya akong hinawakan sa balikat.

"Anong iiwan ka diyan!" Napahagalpak siya ng tawa na ikinataas ng kilay ko. "Hindi naman kita iiwan, titigil lang ang pagga-guide ko sa'yo at hindi ang pagkakaibigan natin."

Napangiti ako sa kaniyang sinabi kaya naman 'di ko na napigilan pa ang sarili ko na siya'y yakapin.

Aaminin ko...natakot ako kanina nang sabihin niya na titigil na siya sa pagga-guide sa'kin akala ko kasi iiwan niya na ako. Hindi naman sa pagiging OA pero...natakot talaga ako. Napakalaking tulong niya kasi nung dumating siya sa buhay ko. Pag siya'y kasama ko, nakakalimutan ko si Gab at ang mga ginawa sa akin noon ni Ivhan. Ayaw kong mawala siya sa  buhay ko dahil naging kaibigan ko na rin siya gaya ni Charlyn.

Kumalas siya sa yakap at ako'y hinarap.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong niya.

"Wala, kalimutan mo na yun." Nakangiti 'kong sagot.

"Kung ganun e...halika sa Canteen. Ililibre kita."

IVHAN'S POV

Ngayon ay nandito ako sa   canteen, kumakain kasama si Alexa.

Pilit niya akong sinusubuan pero tinatanggihan ko.

"Ivhan oh, nganga ka na please." Nakangiti niyang sabi na animo'y naglalambing.

Umiling ako. "Ayoko, ikaw na lang ang kumain." Pagtanggi ko na ikinanguso niya.

Naalala ko tuloy ang nakaraan naming dalawa. Napakasaya namin noon. Siya kasi ang una at huling babaeng sineryoso ko at minahal ko ng totoo. Nagulat nga ako kagabi e. Bigla ba naman niya akong niyakap. Akala ko tuloy si Karen na.

"Kailan ka pa dito?" Curious 'kong tanong tapos sumipsip siya sa kaniyang juice at saka ako hinarap.

"Matagal na ako dito. From the day you came here."

Napakunot ang noo ko. "Huh?"

"Oo, sinundan kasi kita. Kaya mula noon hanggang ngayon, alam ko ang bawat galaw mo. I've been watching you all this time." Napaiwas siya ng tingin at saka nagpatuloy. "And I knew that...you're happy with Karen." Lumungkot ang kaniyang mukha pero kalaunan ay agad ding ngumiti at muling tumingin sa akin. "At gaya ng sabi ko, alam ko ang bawat galaw at nangyayari sa buhay mo. Bakit hindi na lang ako ang gawin mong bagong assistant gayong wala ka nun ngayon?" Pagbibiro niya na alam 'kong may kahulugan.

Kilala ko siya. Hindi yan magsasabi ng mga salita ng walang kabuluhan. Alam ko na ang biro niyang iyon ay hindi biro at totoo talaga. She mean it.

"Kamusta na nga pala ang lovelife mo?" Pag-iiba ko ng usapan.

Ayaw ko kasing marinig ang mga salita niyang makakasakit sa aking loob.

"Wala ako nun." Tatawa-tawa niyang sagot. "Paharot-harot lang diyan sa tabi-tabi." Dagdag niya pa habang nakapilit ngiti. Tumawa na lang ako ng peke para naman hindi siya mailang. "Wala pa kasi akong nakikita na gaya mo." Pagtutuloy niya na ikinakirot ng dibdib ko.

Natigilan ako kaya naman hindi ko na nagawa pang magsalita.

"Ako nga pala yung laging nagtetext at tumatawag sa'yo."

Napatawa ako.

Siya pala yun.

Napatawa naman siya sa aking inasta. Tapos bigla siyang may itinuro sa aking likod kaya naman akin iyong nilingon.

Pero bigla akong natigilan ng makita kung sino ang kaniyang mga itinuro.

Si Czayra at Arjhay na masayang nag-uusap habang kumakain.

"Ang sweet nila noh." Sabi niya na halata sa tono ang pagkainggit. "Pero diba mas sweet tayo diyan dati?" Sabi niya na naging dahilan para ako'y mapalingon sa kaniya. "Bakit...hindi natin ibalik?"

Nakaramdam ako ng kirot sa aking loob pero mas kumirot iyon ng makita ko ang mga mata niyang nagniningning sa luha.

Ang kahinaan ko.

"Alexa, hindi na ako ang dating Ivhan na minahal mo." Malungkot 'kong sambit tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Alam ko...at handa akong ibalik ka sa dating ikaw."

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon