CHAPTER 1

541 13 0
                                    

Ako nga pala si Ivhan Alcarez. Isa sa mga matataas na estudyante sa aming university.

Oo mataas, tinitingala ako e hehe.

Isa ako sa mga estudyanteng nasa mataas na posisyon. Btw, I'm at the second place with Mr. Gabby D. Monreal. Pangalawa kami sa pinakamakapangyarihan.

Haha urong ka noh? Duwag!

So yun nga, magmula nung maging girlfriend ni Jake si Patricia...bihira ko na siyang makasama. Hindi naman siya pinagbabawalan ni Pat e, ayaw niya  lang talagang sumama kasi nga baka daw magkasala siya sa Girlfriend niya.

Hays, isa siyang De Alva pero under ng Girlfriend niya. Hays, hina.

Sabi kasi ni Pat, wala daw akong ibang alam kundi mambae at pumunta sa bar. Pero 'di ko rin naman masisisi si Jake kasi desisyon niya yun at dun siya masaya kaya edi wow na lang ako. Kaibigan ko rin naman siya kaya susuportahan ko na lang ang pasya niya.

Ang bait ko sa part na yun.

Edi ayun nga, bihira ko na lang siya makasama hanggang sa dumating sa university yung pinsan niya si Gabby Monreal.

Minsan ko lang din siya makasama kasi 'di kami masyado mag ka-vibes. Hindi kasi yun chickboy e. Pagka badboy niya lang ang natulad sa'kin. Bully yun e at dun ko siya madalas nakakasama sa pambubully ng mga babaeng lampa at panget haha.

Pero muli na naman akong nag-isa ng mahanap niya na si Jhessa, yung babaeng matagal niya ng hinahanap. Hinahanap niya nang hindi namamalayan na nasa paligid lang pala niya at laging nakakasama. Ang lupet nga ng love story nila e. Malupet pa sa malupet, oh diba hanep? Hahaha!

Kaya ngayon...parang mag-isa na lang ako sa buhay ko. Mag-isang pumupunta sa bar. Mag-isang nambababe pero okay na din atleast solo ko sila haha.

Habang naglalakad ako papunta sa klase ko ay may nakita akong babaeng pinagbabato ng mga papel ng isang grupo ng mga lalaki habang hawak-hawak pa ang isang salamin sa mata na pag-aari yata nung babae.

Akin itong tiningnan mula sa aking tayo at imbis na maawa ako ay sumilay pa ang ngiti sa aking labi. Naangkin ng kaniyang kutis ang aking pansin.

Napakakinis...

Napakakinis at maganda siya ha. Napaisip ako, kung tutulungan ko siya....baka pagbigyan niya ako sa nanaisin ko sa kaniya. Haha ayos!

Lalapitan ko na sana ito pero biglang sumulpot sa harapan ko si Karen na parang galit. Noo kasi e nakakunot.

"Kailangan natin mag-usap." Sabi nito na na ipinagtaka ko.

"Tungkol saan?" Tanong ko.

"Sa kagabi!" Inis niyang sigaw.

"Oh anong meron?" Pagmamasungit ko.

"Wala ka bang naaalala ha?" Hindi ako umimik. "Para ipaalala ko sa'yo, nakipaghalikan ka lang naman sa babaeng nakilala mo sa bar kagabi! Nakipaghalikan ka habang ang sabi mo sa'kin nasa dorm ka!" Nanlalaking matang sabi niya na ikinangisi ko. "Can't believe na nakipaghalikan ka sa cheap na yun!"

"Cheap ba talaga? O selos ka lang?" Pang-aasar ko na ikinairap niya.

"Oo, nagseselos ako!"

Napatawa ako. "Edi wow." Tipid na sabi ko sabay talikod at saka  naglakad palayo.

Nawalan na'ko ng gana umattend ng klase.

Dire-diretso akong nagtungo dito sa gym at saka umupo sa may stage. Pinagmasdan ang mga estudyanteng dumadaan at naghahanap ng matitipuhan.

Hays, wala bang maganda diyan? Puro panget e!

Napabuntong hininga na lang ako saka humiga sa kinauupuan ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang umidlip pero bago pa man ay biglang may babaeng nakasalamin ang lumapit sa akin na ikinadiri ko.

Eww, nerd.

Inis ko itong tiningnan. Ayaw ko kasi sa mga gaya niya. Masyadong kadiri.

"Kayo po ba si Mr. Ivhan Alcarez?" Tanong nito na ikinataas ng kilay ko.

Kailangan nito? At bakit alam niya ang pangalan ko?

Inis na tumayo na lamang ako at naglakad palayo.

Wala akong panahon sa gaya niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero ako ay napalundag sa gulat ng ako ay lumingon sa  aking likuran ay akin itong nakita.

Sinundan ako.

"Ano bang kailangan mo?!" Inis na tanong ko.

"Ilibot nito daw po ako sa buong university." Nakatungong sagot nito na ikinalaki ng mata ko.

"What?!" Sigaw ko na ikinagulat niya. "Sinong may sabi sa'yo?!"

"Y-yun po ang nakalagay sa letter na ipinadala sa akin ng mga De Alva."

Inis na naglakad ako palayo at nagtungo sa isang bench malapit sa dorm ko.

Aking sinubukang tawagan si Jake para malinawan kung totoo bang ako ay inatasan dun sa babaeng yun. Hindi ito makontak na ikinainis ko lalo.

Sinubukan ko naman si Icy at buti na lang sumagot ito sa aking tawag.

"Ivhan, napatawag ka?" Tanong nito na nasa kabilang linya.

"Icy, totoo ba na naatasan akong maglibot ng isang babaeng nerd sa buong university?!" Tanong ko sa may mataas na  tono.

"Yup"

Nanlaki ang mata ko. "Paano nangyari yun?!"

"Sabi kasi ni Gabby, habang nasa meeting daw kayo ay bigla ka na lang nakatulog. Kaya ayun, wala kang alam."

Nanlambot ako. "Pero Icy, ayoko."

"Wala tayong magagawa. Si Dad ang nag-utos niyan kaya kailangan mo yang gawin sa ayaw at sa gusto mo."

"Hays sige bye."

I end the call.

Napahawak ako sa ulo ko at sinabunutan ang sarili ko.

With that nerd? Yak!

"Okay pa sana kung chixx e." Inis 'kong bulong sa aking sarili. "Sino ba kasi yang babaeng yan at kailangan pang iguide?! Sa tinagal-tagal ko dito, ngayon lang at siya lang ang estudyanteng pinaguide at sa akin pa?!"

Napasabunot akong muli.

Bwisit na babae yan!
Paano ako manchichixx ngayon kung kasama ko siya buong araw?!

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon