CHAPTER 21

283 13 0
                                    

CZAYRA'S POV

Habang nasa gym ako. Hindi ko maiwasang mapaiyak sa mga nangyari.

Hindi ko alam na ganun pala si Arjhay. Akala ko pa naman maiintindihan niya pero hindi. Mas pinakikinggan niya yung sarili niya.

Akala ko makakaya ko siyang mahalin pero hindi pala. Paano ko mamahalin ang isang tao na hindi naman ako naiintindihan? Walang mangyayari sa buhay namin kundi puro away lang.

Napilitan lang naman akong maging boyfriend siya kasi gusto 'kong makalimutan ang feelings ko para kay Ivhan. Pero hindi...mali ang lahat.

"Czayra, umiiyak ka ba?"

Napatingin ako sa nagsalita habang siya ay papalapit sa akin.

"Bakit ka umiiyak? Anon--" I hugged him. "What happened?"

"Ivhan, akala ko mahal ako ni Arjhay pero  hindi pala."

"Ano bang nangyari?"

Nangingiyak-ngiyak na inilahad ko ang lahat ng nangyari hanggang sa naluha ako.

"Akala ko mahal niya ako."

"Mahal ka niya Czayra."

"Kung mahal niya ako, bakit hindi niya ako pinakinggan? Hindi niya kasi ako naiintindihan. Wala siyang alam sa amin ni Gabriel. Kababata ko si Gabriel na hindi ko nakita at nakasama sa matagal na panahon. Mas nauna ko yung minahal kesa sa kaniya. Dapat kasi hinayaan niya akong magpaliwanag para naipaintindi ko sa kaniya ang lahat!"

Hindi na siya nagsalita pa bagkus ay niyakap na lamang ako at hinaplos-haplos ang likod ko.

"Tahan na." Sabi niya. "May ibibigay ako sa'yo."

Bigla akong natigilan at nahinto sa pag-iyak ng marinig ang kaniyang sinambit.

Inabot niya sa akin ang isang box na nakabalot sa asul na pabalat.

"Open it."

Napangiti ako kasi I feel so special kapag may nagbibigay ng gift sa'kin.

Dahan-dahan ko iyong binuksan at gumuhit sa aking labi ang tuwa ng makita ko ang laman nito.

Salamin.

Dahil sa  tuwa na aking nadarama ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na siya'y yakapin  at magpasalamat.

"Thank you Ivhan."

"You're welcome." Kumalas na kami sa yakap at nagngitian sa isa't-isa. "Smile ka lang lagi. Lalo kang gumaganda."

Ivhan...

Biglang namuo ang luha sa aking mga mata dahil sa tuwa.

"Oh iiyak ka na naman."

Napatawa ako pero bigla akong natigilan ng makita ko si Arjhay na lasing na lasing habang naglalakad.

Agad na itinago naman ako ni Ivhan sa likod niya ng sa gayon ay hindi ako makita ni Arjhay pero hindi pa rin kami nakaligtas. Nakita niya pa rin ako kaya napapikit na lang ako sa takot.

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon