CHAPTER 12

272 9 0
                                    

IVHAN'S POV

Ngayon ay nandito ako sa clinic, ginagamot ng nurse ang aking mga pasa na dulot nung away namin ni Arjhay kanina.

Nagtatagis pa rin ang aking bagang at nakayukom pa rin ang aking kamao. Dumadaloy pa rin sa dugo ko ang galit na naramdaman ko kanina.

Napakawalang modo mo Arjhay! Mas matanda ako sa'yo dapat iginagalang mo ako!

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong sa akin ni Icy na kasalukuyang nakasandal sa may gilid ng pintuan.

Halata sa kaniyang mukha ang pagkadismaya sa aking ginawa.

Naiinis na ikinuwento ko na lang sa kaniya ang lahat.

"Dahil sa isang babae? Sinuntok mo na si Arjhay?!" Nanlalaking mata na tanong niya.

"Kakainis e."

"Kahit na. Pinsan natin yun uy!"

Pinsan niya yung mukha niya.

"Wala akong pake! Siya kasi, wala naman talaga akong ginawa kay Czayra kanina. Tinulungan ko pa nga yung babaeng yun e!" Giit ko.

"Yun na yun?" Taas kilay niyang tanong sa akin at naiinis na tinanguhan ko siya.

"Oo"

"Ang sabihin mo...gusto mong magpasikat sa Czayra na yun."

"Magpasikat?" Napatawa ako ng mahina. Kalaunan ay bumalik rin sa pagkainis. "At bakit ko naman gagawin yun? Ha?!"

"Kasi nga inlove ka."

Napakunot ang aking noo. "Pati ba naman ikaw?"

Umayos siya ng tayo. "Bakit? Sino pa bang nagsabi?"

"Kuya mo." Tipid 'kong sagot na ikinahagalpak niya ng tawa.

"See? Kilala ka namin Ivhan. 'Di mo kami malilinlang." Tatawa-tawa niyang sabi na ikinailing ko. "Inlove ka na sa babaeng yun at yun ang totoo."

CHARLYN'S POV

Habang hinahaplos-haplos ko ang likuran ni Czayra upang siya'y patahanin ay tuloy ang pagkukwento niya sa akin ng mga pangyayaring naganap kanina.

Bigla na lang kasi siyang dumating dito sa dorm ko. Nagulat nga ako e.

"Bakit ka sumigaw? Minanyak ka ba ulit?" Alala 'kong tanong tapos umiling siya. "Oh e bakit ka sumigaw?"

Napatungo siya. "Natakot lang kasi ako na baka pagtangkaan niya ulit ako."

Lumamlam ang aking mukha at saka hinawakan ang kaniyang kamay.

"Naiintindihan kita pero...tingnan mo ang ginawa mo. Nagkagulo ang magpinsan dahil sa'yo."

Pero bigla akong natigilan ng sumilip ako sandali sa may bintana ay nakita ko si Gab na naglalakad kasama yung mga lalaking may nakasulat na SKALVA sa jacket.

Nanlaki ang aking mga mata at nakaramdam ako ng kaba ng akin iyong nakita kaya naman agad ko iyong isinara at agad na bumaling kay Czayra na naguguluhan sa aking ikinilos.

"Cha cha, okay ka lang?" Alalang tanong niya sa akin kaya naman ngumiti na lamang ako upang mapanatag ang kaniyang loob at 'di niya ako alalahanin.

"O-oo, o-okay lang ako."

Naalala 'kong muli ang aking nakita.

Skalva? Ano yun at anong ibig sabihin nun? Tsaka bakit nasa unahan siya?

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Gab yung nakita ko, si Gabriel.

Nilingon ko si Czayra na kasalukuyang nagce cellpone sa aking tabi.

Hindi 'to dapat malaman ni Czayra. Kailangang ilayo ko siya sa kaniya kung mag krus man ang kanilang landas.

Ilalayo kita sa kaniya Czayra. Hindi ko hahayaang lokohin ka niya ulit.

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon