CHAPTER 3

406 12 0
                                    

CZAYRA'S POV

Habang ako ay nasa kalagitnaan ng paghahanap ng masusuot na blouse at palda ay hindi ko mapigilang mainis.

Yung Ivhan kasi na yun, akala niya kung sino siya. Gusto ko siyang labanan pero wala akong lakas ng loob tsaka ano bang laban ko sa  gaya niya.

Napabuntong hininga na lang ako at saka nagpatuloy sa paghahanap ng maiisuot.

Nandito pa kasi sa sala yung mga uniform ko na ipinadala sa akin ng mga officials kagabi. Hindi ko pa siya nalalagay sa closet ko. Inantok na kasi ako kagabi pagdating ko kaya yung mga gamit ko lang sa maleta yung nailipat ko.

Pagkahubad ko ng marumi 'kong blouse at palda ay isinuot ko naman ang panibagong blouse na hawak ko.

Dito na'ko nagbihis kasi nai-lock ko naman yung pinto. Wala namang makakakita.

Isusuot ko na sana yung palda pero bigla itong nahulog sa  sahig. Ako ay umukod at iyo'y inabot pero bigla akong natigilan ng biglang lumiwanag ang aking likuran.

Akin itong nilingon at laking gulat ko ng makita ko si Mr. Ivhan na titig na titig sa bandang baba ng likod ko.

Nakaramdam ako ng sobrang hiya kaya naman dali-dali akong nagtungo sa kwarto ko at doon sinisi ang aking sarili.

Jusko! Akala ko talaga naka lock yung pinto pero hindi pala. Ang tanga-tanga ko naman e! Bakit ba hindi ko dinoble check?! Pota naman self oh! 'Di ka nag-iisip.

*knock knock

Bigla akong nagulat ng may kumatok sa pintuan. Nanlaki ang aking mata at nanatiling nakatitig roon.

"Buksan mo." Boses yun ni Mr. Ivhan.

Nakaramdam ako ng takot.

"May iaabot ako sa'yo." Pagtutuloy nito na ikinahinga ko ng maluwag.

Dahan-dahan 'kong tinungo ang pinto at siya'y pinagbuksan. Ngunit ulo lamang ang aking isinilip sa kaniya kasi wala akong suot pang-ibaba kundi ang panty ko.

Inabot niya sa akin ang paldang inaabot ko kanina na nalaglag sa sahig. Nahihiyang inabot ko iyon at dali-daling isinara ang pinto at saka iyon isinuot.

...

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mailang sa aming sitwasyon. Ayokong umimik kasi baka lalo lang siyang mainis at magalit sa'kin. At isa pa, nahihiya ako. Wala ako sa lugar para makipag-usap sa kaniya.

Maya-maya pa lang sa 'di kalayuan ay may babae akong nakita na parang pamilyar sa aking paningin. Akin siyang sinundan ng tingin habang patuloy pa rin sa paglalakad.

Kapagkuwan ay tuluyan ko na siyang namukhaan. Dali-dali ko siyang nilapitan at walang ano-ano na niyakap.

Bumakas sa mukha niya ang pagkagulat sa aking ginawa pero kalaunan ay natuwa din at muli akong niyakap. Masaya kaming nagbatian at muling nagyakap.

"Myghad Czayra! Kamusta ka na?" Masayang tanong nito na ikinangiti ko.

"Okay naman ako. Halika, doon tayo sa dorm ko. Dun tayo mag-usap." Pag-aaya ko na halata sa tono ang pagkasabik na makakwentuhan siya.

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon