CHAPTER 9

298 12 0
                                    

Habang naglalakad ako kasama 'tong si Karen ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inis.

Kanina pa kasi 'tong lingkis ng lingkis. Kanina ko pa din siyang sinasaway pero 'di siya nakikinig. Pinagbigyan ko na siya kanina pero 'di pa rin yata nakokontento.

Iba din 'to e.

"Karen pag 'di ka tumigil, tatamaan ka sa'kin." Pagbabanta ko na ikinanguso niya.

"Ivhan naman ih. Kanina lang nakangiti ka tapos paglabas natin sa dorm mo, ang init-init na ng ulo mo." Sabi pa niya na ikinainis ko lalo.

Dada pa ng dada. Kakabingi.

"Ang ingay mo." Inis 'kong sabi sabay tulak sa kaniya palayo pero mas lalo pa akong nag-init ng makita ko si Czayra at Arjhay na magkasabay na naglalakad na kapwa nakangiti pa.

Walang ano-ano na hinila ko si Karen at saka niyakap.

"Miss me?" Nakangising tanong nito na hindi ko pinansin.

Akin lamang hinintay na makadaan sa aming tabi ang dalawa at saka binitawan si Karen at inis na inis na kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya.

Nagtagis ang aking bagang sabay sabing, "Bwisit! Akin yun e!"

ARJHAY'S POV

Ngayon ay magkasama naming nililibot ni Czayra ang ilang parte ng university. Kapwa baguhan kasi kami. Ewan ko ba kay Tito kung bakit ako ang pinag guide gayong ngayon lang ako nakatungtong dito.

Pero napakaraming paliwanag ang sinabi ko kay Czayra para lang sumama siya sa akin at pagkatiwalaan niya ako. Mabuti na lang at nabago ko ang isip niya at pumayag sa inalok ko.

Nabago ko siguro ang kaniyang pasya ng sabihin 'kong hayaan niyang patunayan ko ang sarili ko na mabuti akong tao.

"Arjhay?" napalingon ako sa kaniya. "Hindi ba't sabi mo ay bago ka lang din dito?" I nod. "Bakit ikaw ang pinag guide sa'kin e pareho pala tayong baguhan dito?"

Napatawa na lang ako. "Ewan, siguro...hindi lang sila nagtitiwala sa iba."

"Ahh sa bagay...mabuti ng sa kamag-anak kesa sa iba. Mas madaling mapagkakatiwalaan." Sabi niya at tumango naman ako.

"Parang ganun na nga."

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang patuloy rin ang pag-uusap hanggang sa naalala ko yung unang pagtrato niya sa akin nang banggitin ko ang aking ngalan.

"Czayra maaari bang magtanong?" Nilingon niya ako at binigyan ng isang ngiti sabay tango na nagbibigay pahintulot. "Bakit noong sinabi ko sa iyo ang aking pangalan ay parang nabigla ka at natakot?" Taka 'kong tanong na ikinaiwas niya ng tingin.

"Takot kasi ako sa mga Alcarez." Nakatungo niyang sagot na ikinakunot ng aking noo.

"Bakit?"

Nilingon niya akong muli habang may namumuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

"Yung unang pinag guide kasi sa'kin, si Ivhan Alcarez. Muntikan niya na akong pagsamantalahan. Kaya natakot ako na baka ganun ka din."

Nabuo ang pagkagulat sa aking loob.

Oo alam ko playboy si Ivhan pero...hindi ko alam na ginagawa niya ang ganung bagay gaya ng sinabi ni Czayra.

Kaya pala ganun na lamang ang takot niya ng marinig niya ang aking pangalan.

"Arjhay, natatakot ako." Sabi niya na kitang-kita sa mga mata ang takot sabay patak ng luha.

Aking hinaplos ang kaniyang likod at siya'y pinatahan.

"'Wag kang mag-alala. Akong bahala sa'yo. Hindi ko hahayaang gawin ulit ni Ivhan yun sa'yo." Sabi ko na sana ay ikinagaan ng kaniyang loob.

Hindi man kita kaano-ano, poprotektahan kita sa pinsan ko dahil alam 'kong si Ivhan ang mali sa sitwasyong ito at kung magtangka man siyang muli sa'yo, hindi ako magdadalwang isip na siya'y kalabanin.

Pero bigla akong natigilan ng ako ay kaniyang niyakap. Nakaramdam ako ng kaba ngunit kalaunan ay agad ding nawala.

"Ngayon pa lang ay nararamdaman 'kong mabuting tao ka." Ako ay napangiti. "At mabuting kaibigan."

Kumalas siya sa yakap at kami'y nagkatinginan habang may ngiti sa aming mga labi.

"Makakaasa ka."

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon