IVHAN'S POV
Ngayon ay dali-dali akong naglalakad patungo sa Conference Room. Bigla kasi akong ipinatawag kaya hindi ko na natuloy pa ang balak ko kay Czayra kanina.
Sayang shet! Yun na yun e, tsk tsk.
Mabilis na binuksan ko ang pinto at nagmamadaling pumasok pero bigla akong natigilan nang makitang si Icy lang ang tao dito.
Akin siyang binati ngunit seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Tapos biglang binigyan niya ako ng masamang tingin na aking ipinagtaka.
"Bakit?" Naguguluhan 'kong tanong.
"Ano na namang kabalastugan ang ginawa mo?" Tanong nito habang ganun pa rin ang tingin sa akin.
"Bakit? Ano bang ginawa ko?"
"Ivhan pinagbantay ka ni Dad sa babaeng yun. Pinagbantay ka para i-guide mo at hindi para gahasain mo!" Sigaw niya na umalingawngaw sa buong silid.
"Icy, isa lang naman e. Tsaka hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang ganda ng katawan niya grabe! Naglalaway ako." Paliwanag ko pero mukhang hindi siya nakumbinsi.
"Alam mo...Ivhan, mabuti na lang at ako ang naabutan nilang tao dito dahil kung nagkataong si Dad ang napagsumbungan nila ay tiyak na talsik ka sa labas ng unibersidad na 'to. Alam mo namang hindi alam ni Dad ang ganiyang pangyayari dito diba?" Bumaba ang kaniyang boses kasabay ng paglamlam ng kaniyang mukha. "So please...mag-ingat ka naman. Tsaka 'wag na 'wag mong gagalawin ang babaeng yun. Mahalaga siyang tao na dapat irespeto ng gaya mo." Pagtutuloy niya sa sabay walang ano-ano na umalis at ako'y iniwan mag-isa dito.
Naiwan naman akong lutang habang inaalala ang mga sinabi niya.
Sino ka bang babae ka at pinoprotektahan ka ng mga De Alva?
CHARLYN'S POV
"Czayra tahan na, tahan na." Nang-aamo 'kong sabi habang hinahaplos-haplos ang kaniyang likod.
Grabe, bigla akong naawa sa kaniya ng akin siyang datnan dito sa dorm niya.
Dinala ko siya dito para makalimot pero bakit ganito?
Mabuti na lamang at naiwan ko dito ang isa 'kong maleta dahil kung hindi, baka natuluyan na siya nung walanghiyang lalaki na yun.
Bigla niya akong niyakap habang patuloy ang pag-iyak.
"Tahan na..."
Humigpit ang yakap niya. "Gusto ko ng umuwi Cha-Cha." Sabi nito sa gitna ng kaniyang mga hikbi. "Ayoko na dito." Pagtutuloy niya na ikinabigat ng dibdib ko pero pilit 'kong nilabanan dahil ako lang ang masasandalan niya.
"'Wag kang mag-alala, ako ang bahala sa'yo. Hindi kita pababayaan." Tapang-tapangan na sabi ko na sana ay ikinagaan kahit papaano ng kaniyang loob.
Gusto ko mang tulungan kang makalabas dito pero...nakapasok na tayo e. Hindi na tayo puwedeng lumabas.
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 2: It's You
RandomIvhan Alcarez is a playboy. He play along with the girls he met. Pinaglalaruan niya ang mga babaeng matipuhan niya. Gagawin niya ang lahat, makuha lang ang gusto niya dahil ayon sa kaniya, isa siyang Alcarez at walang makakapigil sa kaniya. He can d...