CHAPTER 19

264 11 0
                                    

Pagkaalis ni Alexa papuntang banyo ay bigla na lang akong nilapitan ni Arjhay.

"Ivhan, pasensya ka na sa mga inasal ko sa'yo ha." Nahihiya niyang sabi na kakamot-kamot pa sa batok.

"Ayos lang, alagaan mo na lang si Czayra." Sabi ko na ikinangiti niya.

"Oo naman noh. Mahal ko yun e. Lahat gagawin ko mapasaya lang siya."

"Tama yan, 'wag mo siyang sasaktan ha." Nagparaya ako kaya  sana 'di ako magsisi.

"Yes naman. I will never hurt her."

Napangiti na lang ako tapos biglang nakita namin na naglalakad papalapit sa amin sina Gab at Gabby.

"Mga tol, maaari bang magtanong?" Tanong ni Gabby na kadarating lang kasama ang kaniyang kuya. Tumango naman kami. "Sino yung babaeng laging mong kasama Arjhay?"

"Si Czayra." Mabilis na sagot ni Arjhay.

"Siya yung laging kinukwento ko sa'yo  Gab." Pagsingit ko.

"Ahh...nasaan siya?" Tanong ni Gab na halata ang pag ka-curious sa tono.

"Umalis saglit e pero...pabalik na rin yun." Sagot ni Arjhay at tumango-tango naman si Gab. "Bakit?"

"Basta. Tawagan niyo na lang ako pagdumating siya ha." Sabi nito sabay kindat na ikinataka naming dalawa.

...

Nagsasaya ang lahat. Nag-iinuman, nagpaparty at nagsasayawan.

Ang lahat ay may kani-kaniyang pinagkakaabalahan gaya ko, ako kasama si Alexa na nakaupo sa hita ko.

Ramdam ko ang bawat malambing niyang paghalik sa aking pisngi. Dahan-dahan na para bang kaniyang ninanam-nam sa pagkasabik.

"Ivhan"

Bigla kaming nahinto ng marinig namin ang boses ni Arjhay.

Amin siyang nilingon tapos napakunot ang aking noo ng makita ko ang bakas ng pag-aalala sa mukha niya.

"Napansin niyo ba si Czayra?" Tanong nito habang lilinga-linga sa paligid.

"Hindi. Bakit?"

"Kanina pa kasing wala. Mula nung nagpaalam siya sa'kin na magc-cr, hindi na siya bumalik."

Nakaramdam ako ng pag-aalala.

Hindi kaya may nangyari ng masama sa kaniya?

CZAYRA'S POV

Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang madilim na kalangitan na ang tanging mga bituin lang ang nagbibigay liwanag. Hindi na rin masyado kita ang buwan, natatakpan na ito ng makapal na ulap.

"Kamusta ka na?"

Napalingon ako kay Gabriel nang siya ay magsalita. Naiilang na nginitian ko siya at saka sumagot.

"Maayos naman ako. Ikaw?"

"Same."

Lumipas ang ilang sandali at nabalot kami ng katahimikan. Ramdam na ramdam namin ang pagkailang sa isa't-isa.

Grabe...halos hindi ako makapagsalita.

Gusto 'kong umimik para naman hindi nakakailang pero pinapangunahan ako ng kaba at hiya. Hindi ko kaya.

"Czayra..." pagputol niya sa katahimikan. "Nakita na kita noon dito e pero inakala ko lang na  namamalikmata lang ako. Hindi ko kasi alam na dito ka na pala pumapasok."

Nahihiyang tumawa ako. "At hindi ko rin alam na dito ka pumapasok."

Napatawa rin siya. "Amm...bakit nga pala naisipan mong pumasok rito?"

"Para makalimot."

Napatingin siya sa akin. "Makalimot saan?"

"Sa nakaraan."

"Natin?"

Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling iyon sa malayo.

"Ang ganda ni Alexa noh?" Sabi ko.

"Mas maganda ka dun." Pagkontra niya na naging dahilan para muli akong mapatingin sa kaniya at mapatawa ng mahina.

"Kamusta lovelife mo?" Pag-iiba ko ng usapan at alam 'kong napansin niya yun pero mabuti na lang at sinakyan niya. Siguro napansin niya na hindi ako kumportable dun.

"Lovelife?" I nod. "Haha ano yun?"

Natahimik kaming muli hanggang sa napansin ko ang bracelet sa kaniyang kamay na nakaagaw sa aking pansin.

"Ganda ng bracelet mo." Manghang sabi ko. "Sa'n mo nabili?"

Itinaas niya ang kaniyang kamay na iyon saka ngumiti.

"Bigay 'to ni Alexa." Bigla akong natigilan. "I also keep this." Itinaas niya naman ang kabilang kamay niya at nakita ko roon ang binigay 'kong bracelet sa kaniya noon na matagal ng panahon ang nakalilipas.

Czayriel...

Napangiti ako ng makita ko roon ang salitang Czayriel. Ang pinagsamang pangalan namin. Sabi niya kasi dati kapag pinagsama raw ang pangalan ay magtatagal at sila hanggang dulo.

Hanggang ang ngiti ay napalitan ng tawa. Mga bata pa kasi kami nung binigay ko yun sa kaniya. Ang cheap tuloy haha. Can't remember kung kailan ko binigay yun. Maybe nine years old kami? Not sure.

"Keep mo pa yan?" He nod. "Dapat tinatapon mo na yan. Ang panget naman oh kumpara mo diyan sa binigay ni Alexa sa'yo na silver." Pagbibiro ko pa pero ako ay natahimik ng hindi siya natawa.

"Bakit ko itatapon e mahal ko ang nagbigay nito?"

---FLASHBACK---

"Gab! Gab!" Sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kaniya.

"Uy! Czayra, 'wag ka ngang tumakbo. Pa'no kung madapa ka? Masusugatan ka niyan e." Alalang sabi niya na ikinangisi ko.

"Yiehhh ayaw niya akong masaktan."

"Hay nako. Nang-aasar ka na naman e."

"Ayiehh! Aminin mo na kasi!"

"Na ano?"

"Na crush mo 'ko." Tinawanan niya ako. "Ano?"

"Haha oo na. Ms. Czayra Saleco, crush po kita."

Pumalirit ako sa saya. "Ayiehh hahaha kinikilig ako Gab!"

"Haha baka mapaihi ka niyan ha."

Hinampas ko siya sa braso tapos naalala ko yung ibibigay ko sa kaniya.

"Gab heto nga pala oh." Inabot ko sa kaniya ang bracelet na may pinagsamang pangalan namin. "May nakasulat diyan ha. 'Wag mong itatapon."

"Wow haha Czayriel. Ganda."

"'Wag mong itatapon ha."

"Opo sabi mo e."

"Haha opo ka diyan, pwede namang oo lang. Ginawa mo naman akong matanda e."

---END OF FLASHBACK---

Ramdam ko ang pagbalisbis ng luha sa aking pisngi.

"Gab bakit mo ako pinagpalit? Bakit mas pinili mo si Alexa gayong ako ang kasama mo sa lahat?"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magtanong. Kay tagal na panahon ko rin itong hinintay na masagot.

"Czayra--"

"Bakit sabi ni Alexa na nakipaghiwalay ka sa kaniya para balikan ako? Pero ano? Hindi ka bumalik." Bumalisbis muli ang luha ko. "Ang tagal 'kong hinintay sa pagbabalik mo, Gab. Halos limang taon akong naghintay at umasang babalik ka."

"Czayra hindi mo ako naiintindihan--"

"Ano pang hindi ko naiintindihan Gab?"

"Czayra pinalayo ako ng parents mo. Pilit nila akong itinataboy palayo sa'yo. Ayoko mang gawin pero...no choice ako. Dalawang pader ang pilit tayong pinaghihiwalay at sa gitna ng mga pader na yun ay naghihintay ang kamatayan."

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon