Nicole POV
Gusto ko maintindihan ni mama na mahal ko si eydrol at mahal din ako ni eydrol.
Alam kong hindi siya naniniwala sa mga ganito, kailangan kong gumawa ng paraan.
"Ma can I talk to you, qing(please)?" lalakasan ko loob ko para sayo eydrol.
"bùshì (No) I have a lot to do so let's talk later " ma tama na kakaganyan ma.
"Ma kahit ngayon lang bigyan mo naman ako ng time mo, I do not know you anymore"
"Nicole don't talk to me like that I'm still your mother!!"
"Oo mama kita, pero hindi ko alam kung nagiging mabuting ina ka ba sa amin" alam kong kanina pa ako gusto sampalin ni mama, pero nagpipigil siya.
Kasi hindi niya ugaling pagbuhatan kami ng kamay kahit galit na galit na siya.
"you know nothing!!, so you have no right to say that!! niluwal lang kita!!"
pinipigilan na ako ni kuya "Lilian tumigil ka na!!"
"Ginaganyan mo si mama dahil lang ayaw niya sa lalaking iyon?"
"Hindi sa ganon, ang gusto ko lang naman is matanggap ni mama si eydrol pati ung relasyon namin"
"Para sabihin ko sayo isang araw palang kayo!!nagsisimula palang kayo!!! Hindi mo agad masasabi na mahal niyo ang isa't isa" hindi ko na namalayang umiiyak na ako.
lumuhod na ako sa harap ni mama, alam kong nababaliw na ako pero ito ang way para pumayag si mama.
Lahat gagawin ko dahil mahal ko si eydrol, kahit ang hirap para sa akin lalo na at magulang ko nakakalaban ko.
"Ma please!! tanggapin niyo po si eydrol at ang relasyon namin" hinawakan ko na ang kamay ni mama at umiyak na ako ng umiyak sa harap niya.
Wala akong paki kung mukha kawawa ako, matagal na akong kawawa kaya sanay na ako.
"Hao de (ok)" biglaang gumaan ang loob ko sa sinabi ni mama.
"Pero wag mo akong aasahan na lalapitan kita at kakausapin kapag naiwan ka niya, dahil ngayon palang sinasabi ko na" bakit ang lupit ng mundo sa akin?.
Bakit? ganito dahil ba ang sama kong tao?.
Inalis na ni mama pagkahawak ko sa kamay niya at umalis na sa harap ko.
"Lilian ganyan ka ba talaga para sa lalaking yon?" Oo kuya sorry.
Hinawakan ni kuya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha sa mata ko.
"Stop crying!! honestly kahit ako hindi payag sa lalaking iyon, iba pakiramdam ko sa kanya pero andito ako ok? puwede mo akong sabihin... pahinga ka na" niyakap ko nalang si kuya para kahit papaano makaramdam ako ng kakampi.
kailangan ko ng makakausap ngayon, pero sino eh anong oras na gabi na.
*ringgg!!*
Boy hotdog? Hays tamang tama pagtawag niya kailangan ko talaga ng makakausap.
"Hoy duwende andito ako sa lake pumunta ka dito dalian mo!!" parang bata pangit.
"S-sandali..." binabaan niya na ako ang galing talaga ng kumag grrr.
Makapagdrive na nga ng mabilis baka mamatay na iyong timang na iyon kakahintay.
===
Nakarating na ako pero wala siya? tangna napagtripa ata ako ng isang hotdog.
Dahil sa inis ko sumigaw ako "ACCCHHHHKKK!! NAKAKAINIS NA BUHAY ITO!!!" Tutal ako lang naman andito kaya naglabas na ako ng sama.
"HAYAAN NIYO NAMAN AKO MAGING MASAYA KAHIT NGAYON LANG " hindi ko namalayan na bumagsak na ang mga tuhod ko sa damo dahil sa kakaiyak ko.
dapat malakas pa din ako kahit hinang hina ako.
Humihikbi lang ako "oh ano tapos ka na ba sumigaw nalabas mo na ba lahat?" pa-paano niya nalaman?.
sino ka ba talaga sa buhay ko aldrie ang alam ko kaibigan lang tayo pero bakit ganyan ka?.
"Sige wag ka matakot na umiyak, hindi nakakabawas ng pagkacool yan kaya tumigil ka muna sa pagmamatapang mo ngayon" pinagsasabi nito para namang down na down ako sa kanya.
"How did you know? baka hindi lang kita kaibigan ha baka stalker kita!!"
"Nakiramdam lang naman ako duwende, sabihin mo sakin lahat makikinig lang ako"
"Kami na kase ni eydrol kanina lang tapos sa sobrang saya ko gusto ko na siya agad ipakilala kay mama" hindi ko na mapigilang umiiyak sa harap niya.
Magaan naman loobko dito sa mokong na ito.
"Tapos hindi ni mama tanggap si eydrol ayaw ni mama sa relasyon naming dalawa, hindi ganon ang inaasahan ko akala ko masaya si mama dahil masaya uli ako ung buhay ko pero nagbago siya nabigla ako sa kanya kanina"
"Ang sakit dahil sa mismong mama ko maririnig yun na sa araw na kalag kailangan ko siya pagnasaktan ako no eydrol wala siya un ang kapalit ng pagtanggap niya sa amin, hindi ko alam kung bakit ayaw ni mama kay eydrol wala namang mali eh"
"Hindi lang kasi nakikita ng mama mo na mahal ka talaga ni eydrol"
"Paano mo nasasabi yan sa sarili mong tropa? Paano aldrie? hindi ko kayo maintindihan kung bakit ganyan nakikita niyo kay eydrol!!! nakikita kong mahal niya ako iba ang nakikita ko sa kanya at totoo ung nararamdaman niya sa akin"
"Osige wag ka namang ganyan ka oa, dapat nga matuwa ka nalang kasi kayo na ni pareng eydrol. naguumpisa pa nga lang kayo pero yang pagiinarte mo parang hiwalay na kayo!!" aba loko ito ah baka makapatay ako ngayon.
"Mga babae talaga ang aarte!! parang yan lang iniyakan mo na halos mawalan ka ng hininga?" Sumusobra na ito ah nakakainis.
"Ano bang alam mo sa pagmamahal? wala ka pa ngang nagustuhan sa pagkakaalam ko" wala akong pake kung nakakaoffend man.
"OO WALA AKONG ALAM SA PAGMAMAHAL NA YAN KASI YUNG TAONG GUSTO KO HINDI AKO KAYANG MAHALIN!! oo nga eh tapos kahit nasasaktan ako ng doble hindi ako nagiinarte, hindi ako nagpapakamartyr" so may nagugustuhan pala siya ngayon.
Nako kung sino man yun pagpakamatay nalang baka kasi mahirapan siya kay hotdog.
"So sinasabi mo ang oa ko ganun ba?"
"Honestly yess duwende"
"Duwende umpisa palang kayo wag kang masyadong ganyan,ang pangit tignan lalo na at babae ka, hindi lang tinanggap ng mama mo si eydrol mag gaganyan ka?" minsan lang ako magmahal bakit parang mali ako?.
"Bahala ka nga sa buhay mo!! Ayoko sainyong lahat!!" nagwalk out na ako dahil mas gusto ko makapagisa.
Hindi ko na alam ginagawa ko basta kaya kong gawin dahil mahal ko siya.
(Mandarin ung mga ibang word, konti lang natutunan ko pero gusto ko sila ilagay dito. SHERKELENG)
YOU ARE READING
Love the Way you Lie
RomanceWhat will you do if you're love is full of LIES? Would you still believe in the world of LOVE that full of LIES? Angel Nicole Wu, grew up rich so she has a bitchy side...her father left them for another family so she is afraid to love because she...