Chapter 18

8 10 0
                                    

Nicole POV


Ang bait ng papa ni hotdog anlayo ng ugali ni hotdog.

Siguro ampon lang si hotdog, ambait kasi ng papa niya syempre pati mama niya.

Kaya napapaisip ako san napulot si hotdog eh.

Bumaba na ako dahil sumunod ako sa sinabi ni tito, mabait ako kasi deserve ni tito rich ang pag galang.

"Oh iha andyan ka na pala, take a sit" umupo ako sa tabi ni aldrie para anytime na may masabi siya sa dad niya abt sa kasamaan ko.

Puputulin ko daliri ng mga paa nya hahahah subukan niya lang.

"Iha hindi ka pa ba hinahanap sainyo? asan ang papa mo ang mama mo?" bigla akong nalungkot di ko alam kung bakit.

"Ahh hindi po kami ok na mama ko po, at yung papa ko iniwan po kami at ung kuya ko busy po sa trabaho hehe kaya wala pong naghahanap sa akin"

"Sorry to hear that iha, pero puwede mo akong maging tatay ok? payag naman ako at si aldrie, right aldrie my son?" ngumiti ng malapad si hotdog at tumango halatang ayaw hahahaha.

"Hindi ok lang po tsaka baka isumpa po ako ni aldrie kapag may kaagaw po sa pagiging tatay niyo po hehehe thank you po ang bait niyo" biglang may luhang pumatak sa mga mata ko.

"Iha tara nga dito at yayakapin kita" niyakap ako ng dad ni aldrie.

Wala ako masabi, ngayon lang ako nakaramdam ng yakap ng isang mapagmahal na tatay.

Kahit hindi ko siya tatay ramdam ko pagmamahal niya kay aldrie nararamdaman kong mabuti siyang ama.

"Sorry po napaiyak ako, nainggit lang po kasi ako at masaya po ako"

"Mabuti naman iha, pagkatapos nito mag ayos ka na at umuwi ka na sainyo baka lalo kang mapagalitan ng mama mo" tumango ako kay tito rich at tsaka siya umalis.

"Mangaagaw ng tatay" problema ng hotdog na ito.

I just rolled my eyes to him.

*ringgg!!* oh buhay pa pala siya at napatawag pa talaga.

"Nicole ok ka lang ba? sinabi sa akin ni ja na andyan ka mamaya kukunin kita diyan"

"Wag na papahatid nalang ako kay aldrie maya maya, bantayan mo nalang lolo mo" binabaan ko na siya.

Hindi ko kayang kausapin si eydrol ngayon, kasi kailangan ko siya pero wala siya sa tabi ko.

Hindi ko ramdam na boyfriend ko siya.

"Paboyfriend boyfriend pa ayan tuloy hindi maalagaan ng sariling boyfriend" soo ano naman sa kanya edi sa kanya nalang si eydrol.

Laki ng problema nitong hotdog na ito, kanina pa ito eh.

"Wanna die huh?!!" Sinakal sakal ko siya hahahah.

Tumakbong lumapit si manang sa amin "Sir Evans nasa labas po si sir eydrol hinahanap po kayo" shete naman bakit pumunta pa yon dito.

Ambilis niya naman nakarating.

Sumesenyas ako kay hotdog na wag hayaan mo.

Pero bwusit pinapasok niya pa din si eydrol.

Tumakbo siya palapit sa akin "ok kalang ba? Wala na bang masakit sayo? tarantado mga gumawa niyan sayo!!" hindi ko siya pinapansin at lumapit ako kay hotdog.

"Aldrie pakihatid ako, gusto ko na magpahinga" umiiling iling si hotdog sa akin, nakakainis talaga pinagkakaisahan ata ako.

"Nicole ako na maghahatid sayo hindi mo na kailangang istorbohin si ja" nagsimula na ako lumakad palabas ng bahay.

Bago niya ako habulin sumigaw muna siya kay hotdog "Bro thank you sa pag alaga kay nicole ha, sige bye bro habulin ko lang"

Nicole wag maging marupok grrr.

"Nicole pansinin mo naman ako oh!! Sorry na please"

"EYDROL HINDI AKO MAGAGANITO KUNG SINUNDO MO AKO!! NAIINTINDIHAN KO NAMAN YANG PAGBANTAY MO SA LOLO MO EH PERO EYDROL KAHIT KAUNTING TIME LANG!!!" humugot pa ako ng mga ilang hangin feeling ko nag rap ako sa harap niya.

"EYDROL GIRLFRIEND MO NA AKO!! IPAPAALALA KO LANG SAYO BAKA NAKAKALIMUTAN MO!!" at sa sobrang hina ko nagsimula na akong umiyak.

Tinalikuran ko nalang siya para maglakad na pauwi.

I felt someone is hugging me from my back.

"Sorry nicole!! sorry!!" Hinarap niya ako sa kanya.

Shit umiiyak siya? bakit nanlalambot ako bakit hindi ako magalit talaga sa kanya?

masasabi ko ngang marupok ako "sorry nicole wala akong nagawa nung kinakailangan mo ako"

"Ung sorry mo ba magagamot ng mga natamo ko?" hindi ko na mapigilan sarili ko.

"Eydrol hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganto tayo, dalawang araw palang eydrol"

"Eydrol mahal kita, ang unfair mo naman!! nageexpect ako ng sobra eydrol" naglakad uli ako palayo sa kanya.

nahablot niya agad ang kamay ko "Bitawan mo ako!! baka makalimutan kita na boyfriend ko" sumunod naman siya at binitawan niya na ako.

Habang palayo ako sa kanya sabay tulo naman ng nga luha, alam kong sa umpisa hindi laging masaya may problema din na mangyayari.

fuck umuulan ang lupit talaga ng mundo sa akin hahaha katawa.

hindi ko namalayan na napaupo nalang ako sa sobrang panghihina, ang oa ko talaga magmahal kulang nalang pakamatay ako.

Pumikit muna ako saglit "Nicole ihahatid na kita" sabay hablot sa akin at sinakay na ako sa kotse niya.

Bakit sa tuwing pipikit ako dumadating ka? sino ka ba talaga aldrie? bakit ang bait bait mo sa akin kahit ansama ko sayo.

===

Tahimik lang at walang umiimik sa aming dalawa ng mahatid niya ako sa bahay.

Tinignan niya lang ako at lumabas siya para pagbuksan ako ng pinto at pinayongan niya na ako papunta sa gate namin.

Nag doorbell na din siya sa bahay namin at iniwan niya na ako.

Umalis siya ng walang paalam at hindi pa din nagsasalita, anong nangyayari sayo hotdog bakit nagkakaganyan ka.

Pumasok na ako sa loob "what happened to you? bakit basang basa ka!!"

"I'm so tired, I need to rest" umalis ako sa harap ni kuya at dali daling umakyat sa kwarto ko.

ayoko magpakita ng ganito kay mama baka lalong magalit, baka kung ano isipin.

Eydrol sorry kung nagaganito kita mahal kasi kita kaya minsan nababaliw ako nawawala ako sa control.

Magiging ok din ang lahat pag alam mo na ako ang girlfriend mo pag alam mong kailangan kita.

Love the Way you LieWhere stories live. Discover now