Chapter 20

9 10 0
                                    

Nicole POV


Saturday


hayss ang bigat pa din ng pakiramdam ko ngayon parang magkakasakit ako sa pagpapaulan ko.

Makababa nga para magpaggawa ng matcha tea para machill naman ako.

bakit ang ingay? Parang may nagaaway "papasukin niyo po ako gusto ko lang po makita si nicole parang awa mo na po" anong ginagawa niya dito.

Lumapit si kuya sa kanya at hinawakan siya sa kuwelyo "matapos ng nangyari sa kanya kahapon magpapakita ka dito? ni hindi mo nga siya nahatid kaya siya basang basa sa ulan kahapon!!" nagulat siya sa nasabi ni kuya hindi niya kasi alam.

Sinuntok na siya ni kuya dali dali akong lumapit at inilayo sa kanya si eydrol, hinarangan ko si kuya palapit kay eydrol.

"UMALIS KA DIYAN!! WAG MO IPAGTANGGOL YAN!!" sorry kuya hindi ko masusunod yang sinasabi mo.

"Kuya alam kong nasaktan niya ako pero hindi tamang saktan mo siya, mahal ko siya kuya kaya masakit na sinasaktan mo siya sa harap ko"

Biglang huminahon na si kuya.

"Kuya ako na bahala sa kanya, hindi mo siya kailangang suntukin" hinatak ko na si eydrol palabas.

hinatak ko lang siya hanggang sa mapadpad kami sa park "Nicole sorry" this time lumuhod siya sa harap ko at umiiyak.

pinagtitinginan na kami ng mga tao shemay naman oh.

"Nicole sorry, i love you" sinabi niya bang i love you? ung matagal ko ng hinihintay na sabihin niya ngayon ay nabanggit niya na.

Sa sobrang karupukan ko ay ngumiti ako sa kanya at pinatayo ko na siya.

Oh diba ang bilis lang ng pagbati ganon kasi pag marupok ang babae hahahah.

"I Love you too eydrol, pero please wag uli tayo maging ganon, walang away o kahit ano" iww toxic na kasi pag ganon.

"Yess boss mam masusunod po, lagi din tayo sanang nagkakaintindihan sa lahat ng bagay" niyakap ko siya ng mahigpit namiss ko siya eh hahaha.

"Uhmm boss mam puwede bang lumayo ka kay aldrie" sus parang bata magselos pero ang cute.

"Uyy si babe... are you jealous?" inaasar asar ko pa siya habang tinutusok sa tagiliran

"Pag sinabi ko bang nagseselos ako lalayuan mo siya?"

"Hibang ka na ba babe? kita mong kaibigan ko yung hotdog na iyon eh" nag pout siya sa harap ko kainis ang cute naman.

Kahinaan ko talaga itong si eydrol baka nga pag nawala ito mawalan ako ng pagasa mabuhay, cheesy.

"Hays sige na nga babe lalayuan ko na si aldrie hindi ko man alam kung ano reason mo pero susunod ako kasi dapat intindihin natin ang isa't isa" kiniss niya nalang ang forehead ko at ngumiti.

naglalakad kaming dalawa ng may nakabangga sa akin na pangit na lalaki.

"Uy miss sungit ikaw pala yan!!" Bumaling siya kay eydrol at gulat na gulat ang peg "KUYA??? Bakit magkasama kayo? Ikaw ba ang sinasabi niyan na boyfriend?"

Kuya?? Kapatid sila? Kaya pala unang kita ko dito sa aso na ito parang si eydrol un pala magkapatid sila bakit hindi ko naisip yon.

magsasalita na sana ako ng sumabat si eydrol "ah hindi magkaibigan lang kami ni nicole, aalis na kami" ansakit hindi niya ako mapakilala sa kapatid niya.

Love the Way you LieWhere stories live. Discover now