Chapter 17

10 10 0
                                    

Third person POV


"Boss nakita na po namin ang sinasabi niyong babae"

"Sige ang gusto kong gawin niyo sa kanya, sundan niyo muna siya pagnahalata na kayo pagtripa niyo!!"

"Boss hindi ba puwedeng tikman, ang ganda ng mg balat niya eh"

"G*go wag niyo munang gagaliwin yan tsaka na kapag kinidnap natin, bangasan niyo lang bahala na kayo kung pipilayan niyo"

"Boss sayang naman ang ganda niya kung babangasan namin at pipilayan"

"Mamili ka ano mas sayang ang babaeng yan o ung pera na ibibigay ko sainyo ha!!"

"Boss yes boss gagawin namin ang gusto mo"

"Ok madali pala kayo kausap sige kayo na bahala"

Hindi ko akalain na ang ganda pala ng inuutos sa amin ni boss.

"Pare ano sabi ng boss mo gagaliwin ba natin?"

"Bangasan lang daw tsaka pilayan sabi ni boss hindi pa daw puwedeng galawin" ung mukha nila halatang nanghinayang hahaha.


Sinusundan lang namin itong anghel na ito, at ayon napansin niya na agad kami ambilis naman.

"Ah wag kayong lalapit!! Sino ba kayo ha!!"


"Manahimik ka ang tapang mo, sige na bangasan niyo na at pilayan" sumugod na ang nga kasama ko sa kanya.

Kaso g*go anlakas ng babaeng ito ang tapang niya makipag suntukan mala action star.

Lumapit ako sa kanya at sinampal ko siya"Ang tapang mong babae ka!!" halos matumba siya sa pagkakasampal ko.

Sinipa niya ako kaya ang kapalit sinuntok ko siya sa mukha niya.


Dinuraan niya ako ng dugo "*pwe* yun lang ba kaya mo? ang hina mo naman masyado"

Ahh ganon sinusubukan niya ako.

"Mga bata asan na ang kahoy na ipangpipilay dito, akin na!!"

"May huli ka pa bang sasabihin bago ka mamatay?"

"Mamatay ka din naman pagkatapos nitong gagawin mo sa akin" kinalibutan ako sa sinabi ng babaeng ito.


"ARRRGGGHHH!!"

pupukpokin ko sana uli siya ng may sumuntok sa akin ng napakalakas.

===

Aldrie POV


Sinuntok ko ang mga lalaking nanakit may duwende.

Tangna bakit nila ginawa ito anong nagawang masama ni duwende.

Bigla silang nagtakbuhan.

sht si duwende wala ng malay at dumudugo na ang ilong niya puro bangas na din ang mga mukha niya.

Duwende bakit ganto ang pahirap na ginawa nila sayo? Duwende nababading ako ngayon pag nakikita ko puro sugat mukha mo.

Dumilat kaunti ang mata niya "A-aldrie s-sa bahay mo nalang a-ako dalhin" bakit ayaw niya sa hospital.

Sus ano ka superhero? Nakakainisna duwende ito hindi ko siya maintindihan kailangan sa bahay talaga.

===


inilapag ko muna siya sa sofa at hinihintay ko siya magising.

"Manang luto ka nga po ng puwedeng makain ni duwende"

"Oh anak andyan ka pala holy shit what happen to her?"

"Dad napagtripan siya, mayabang kasi itong duwende na ito"

"Duwende? The girl that you kwento to me?" shit bakit kasi dito pa gusto ni duwende.

Patay na ako ngayon baka madulas si dad.

"Dad wag ka maingay wala siyang alam ok? Kaya wag kang magtangkang magkwento dad ha" ngayon palang kinakabahan na ako kay dad.

Ilang oras na ang nakakalipas at tulog pa din ang duwende.

Nagulat ako ng biglang dumilat ang mata niya "Hoy nurse aldrie gamutin mo na ako now na!!" siraulong babae anlakas sumigaw parang walang masakit sa kanya.

Apakayabang talaga ng babaeng ito maliit lang naman.

"Wait lang po master kukunin ko lang po ang first aid kit na gagamitin natin" sumenyas na siya ng go sa akin.

"Master ito na po gagamutin ko na"

"Ouch!! be careful If you don't want to die" nakakatakot talaga magsalita ang babaeng ito.

nilapag ko sa table ang mga kakainin niya "Oh eto kumain ka na, ubusin mo para makauwi ka na agad at baka hinahanap ka na sainyo"


Oh bat parang nagiinarte siya hindi niya ba gusto ung mga nakahain.

"Sa tingin mo makakakain ako kung ganto kasakit katawan ko sa pakikipaglaban" ang yabang talaga ng lumalabas sa bunganga.

"Oh anong gagawin ko? Susubuan kita?"

"Ano pa nga ba, dalian mo pakainin mo ako ayoko ng mabagal" napakahangin talaga kung hindi ito babae nasuntok ko na ito.


Taena kinikilig ako habang sinusubuan ko siya, para kaming magasawa hahaha.

Nakita ko si dad na palapit sa pwesto namin ni duwende, dad wag ngayon pls.

Sumesenyas ako ng alis muna dad.


Patay nakalapit na si dad "Iha pagnatapos ka diyan magpalit ka na din ng mga damit andon sa guest room, puntahan mo nalang" ngumiti si duwende kay dad.

"Thank you po sir" wow galang pakitang tao.

"call me Tito Rich tutal dad naman ako ni aldrie, nga pala iha pagkatapos mo magbihis bumaba ka kaagad para makain ung binake kong cake at magkwekwentuhan tayo" kumindat pa sa akin ang magaling kong dad.

Dad anong binabalak mo ha.

"Ahh s-sige po tito rich,thank you po" galang ng paguugali ngayon.

Sinamaan niya lang ako ng tingin tsaka umalis na para magbihis.


Love the Way you LieWhere stories live. Discover now