Nicole POV
Excited na ako sa monthsary namin ni eydrol mamaya, akalain niyo yun nakasurvive kami ng isang buwan.
Parang kailan lang ang dami naming problema na iniisip omagash.
"Lilian get down here!! Sumabay ka sa amin mag breakfast!!" ay ang kuya kong magaling tinatawag pala ako.
nakita ko si mama pero hindi niya pa din ako kinakausap at pinapansin "Zhaoshang hao xiongdi!! (good morning kuya!!)" humarap naman ako kay mama at binati ko din "Zhaoshang hao māmā!! (good morning mama!!) "
Hanggang ngayon ganyan pa din siya at ayaw niya pa din kay eydrol.
pero ngumiti nalang ako kay mama at umupo sa tabi ni kuya, miss ko na yakap mo ma.
"jīantiān xīngqí jì? (What day is today?)" wala bang calendar ito si mama at nagtatanong kay kuya.
"Sān shí, māmā (30, mama)"
"kaya pala yang magaling mong kapatid nasa mood" bakit hindi ka masaya mama na masaya ako?.
" ma ayaw niyo pa din ba sa amin ma isang buwan na oh!"
Ikinagulat namin ni kuya na biglang binagsak ni mama ang tinidor na hawak niya.
galit siya means ayaw niya talaga ano pa nga ba magagawa ko ayoko manlaban sa sarili kong mama.
"wo bao le (I'm full) I lost my appetite" tumayo si mama ng masama ang tingin sa akin.
"manang gawan mo ako ng matcha tea pakidala sa kwarto ko at sa susunod wag na kayo magluto kung may kasabay kami!!" ganon mo na ba ako kaayaw ma? pati sa pagsabay natin kumain.
"Kendrick sa susunod na magtatawag ka ng kasabay patapusin mo muna ako kumain, nawawalan ako ng gana!!" ganyan ka na ba talaga sa akin ma.
Nagsimula na akong umiyak, nilapitan naman ako ni kuya "hey Lilian tama na!! Intindihin mo nalang si mama"
"Kuya kailangan ba ako lagi ang iintindi? paano naman ako kuya?"
"Shh sige na ayosin mo na sarili mo at pumasok ka na baka malate ka"
"Baozhong, zaijian" (take care of yourself, bye) kumaway nalang ako kay kuya.
===
nasa school ako pero ni isang mga kaibigan ko wala, baka may surprise sila sa akin.
OO TAMA BAKA NGA!!!...
*ting* sino kaya ito, Oh si eydrol!.
From: Babe
Boss mam sorry something came up, hindi muna tayo magceceleb. ng monthsary natin.Hindi ako nagreply, eydrol 1month oh hays.
pangalawang besses na ito, dalawang besses na kitang hinahayaan sa sinasabi mong biglaang problema.
Asan ba mga tropa ko? Oh ayon namataan ko din sila.
Palapit palang ako pero lumayo sila shammy at meymey sa akin. bakit pati kayo? una si mama tapos pati kayo?
Si frans hindi nagpapakita sa akin tapos si aldrie syempre nilalayuan ko kasi sabi ni eydrol sa akin na wag ko siyang malalapitan.
Bakit anlayo na ng loob nila sa akin? Tanging si eydrol nalang ang meron ako.
Hindi ko na mapigilang hindi maiyak, ansakit kasi kahit mga mismo kong tropa nilalayuan na ako at ayaw na sa akin.
Ano bang mali sa akin?..
*sob* *sob*
"Punasan mo nga yang luha mo" nagulat ako sa pagabot niya sa akin ng panyo niya.
Wag ngayon aldrie baka magalit sa akin si eydrol.
"I don't need that,stay away from me ayokong magalit si eydrol sa akin" tumawa siya ng malakas, baliw ba ito takas mental ata.
Biglang sumeryoso mukha niya, creepy? "Funny ha? kontrolado ka na nga niya talaga kaya hindi ako magtataka kung bakit hindi lumalapit sayo mga tropa mo kasi wala kang kwentang kaibigan" nasampal ko siya ng dalawang besses kaliwa't kanan syempre.
"Wala kang alam aldrie!! wag mong masabi sabi sa akin yan, hindi mo pa ako lubos na kilala!! may reason kung bakit sila lumalayo sa akin at papatunayan ko sayo na may kwenta ako!! you're just piece of trash" halos maubusan ako ng hininga sa bilis kong magsalita sa kanya.
"Oo nga pala wala pa akong alam sayo at hindi na kita kilala ay mali hindi ka na pala namin kilala" pinagsasabi nito? lalo lang akong naiinis.
"what do you think is the reason that they are ignoring you?"
"Pinaprank lang ako ng mga yon wag kang g@go diyan!!!" Tumawa nanaman siya sa harap ko.
So pinapakita niya sa akin na takas mental talaga siya.
"damn nicole ofc wala kang kwentang kaibigan hindi ka nila lalayuan kung ang reason nila ay mababaw" naninigas mga kamay ko sa kanya pero ang sakit ng mga sinabi niya.
"do you get it nicole? They hate you dahil puro ka eydrol kung ayaw mo maniwala, ask them para malinawagan ka"
"Tumigil ka na!!!"
Bumulong siya sa akin "hindi naging maganda ang simula niyo ni eydrol, lalo lang gugulo ang lahat lalo lang may aayaw sayong mga malalapit sa buhay mo!!" umalis siya ng nakanganga ako.
ikaw nagpapagulo aldrie dahil sa mga sinabi mo ngayon napanghihinaan ako ng loob.
Parang ayoko malaman lahat takot ako masaktan pero wala akong paki kapag may nasasaktan ako.
===
Natapos na lahat ng subject at lunch na, gusto ko makausap sila shammy at meymey.
lumapit ako sa kanila, pero balak nanaman nila umalis kaya pinigilan ko sila.
umiyak na ako kasi sobrang nanghihina na ako, bumalik ako sa pagkalambot kaya tinatawag akong mahina dati.
"B-bakit niyo ako nilalayuan kausapin niyo naman ako!! Pati ba naman kayo ayaw niyo sa akin?"
"why don't you ask yourself? That why we stay away from you" galit na sabi sa akin ni meymey.
Si shammy hindi nagsasalita tahimik lang siyang nakatingin sa akin.
"Tell me!! dahil nahihirapan na ako"
"Wow coming from you? san part ka ba nahihirapan, ang alam namin ang saya mo ha? ang alam namin kinalimutan mo kami simula ng mag boyfriend ka" tama nga si aldrie ngayon naliwanagan na ako.
"Bakit hindi mo ba naalala na ikaw mismo ang lumayo sa amin? na ikaw pa mismo ang nagpalayo sa amin? sumobra ka sa part na yun nicole" wala akong paki kung makita ng lahat akong umiiyak.
Basta ang alam ko masakit pa ito sa break up ang magaway ang mag tropa.
"Hindi mo ba pansin pag kasama mo si eydrol hindi kami kumikibo ni shammy dahil kapag andyan siya hangin nalang kami para sa iyo, asan mga sinasabi mo sa amin nicole? ano labas sa ilong lahat ng iyon, bilang tropa mo kami tiniis ka namin sa pagtataboy mo pero hindi na namin kinaya nicole"
Kinuha na nila mga gamit nila at paalis na.
"Let's go shammy, she don't need us dun siya sa pinagmamalaki niyang hindi siya masasaktan" habang lumalakad sila palayo sa akin.
Napaluhod naman ako sa kakaiyak, hindi ko na alam nangyayari.
Ang alam ko lang nagmahal ako tapos nawala lahat ng mahal ko.
saya naman ata ng araw ngayon, grabi anlupit ng mundo sa akin.
YOU ARE READING
Love the Way you Lie
RomanceWhat will you do if you're love is full of LIES? Would you still believe in the world of LOVE that full of LIES? Angel Nicole Wu, grew up rich so she has a bitchy side...her father left them for another family so she is afraid to love because she...