c h a p t e r 10

313 20 17
                                    

[Vien]



Para naman kaming mga bato dito sa kinauupuan namin at wala talagang kumikibo saming dalawa, inshort. Ang awkward.


Mabuti nalang talaga at nabilis na nagring ang bell hudyat na tapos na ang unang subject namin kaya mabilis kaming tumayo ni soobin at kunwaring nakaharap sa dingding habang nakataas ang mga kamay.


Lumabas na yung prof namin at napatigil pa sa harap namin to kaya yumuko lang ako, ayoko kasing makipag eyetoeye sa kanya ><



"ms vien, ayoko na sanang maulit pa ang pagiging late mo. Choi soobin, sa tinagal tagal mo na dito firstime ka lang nalate. Wag na sanang maulit."  



Sabi ng prof namin bago ngumiti at tuluyan nang umalis sa harapan namin.



Grabeeee ang bait nya, akala ko talaga papagalitan nya kame.




Pagkaalis nya ay di maiwasang magkatinginan kami, sa wakas at nakita ko na ang next teacher namin kaya naputol yung eye contact na yon.



Pumasok na kami sa classroom habang ang mga babaitang to sa room e kung makatingin sakin, kulang nalang tanggalin na yung anit ko sa galit. Sure naman akong nagseselos tong mga to dahil kasabay ko si soobin.



Kung alam nyo lang na bakla tong crush nyo hay




Bago ako maupo ay para naman akong malulusaw sa tingin ni kai, ano nanamang inaano neto.



"Problema mo?"   Bulong ko sa kanya, pabulong lang dahil nasstart na magdiscuss yung prof namin.



"Hmm, nothing."   Nakangiting sabi neto at sa wakas naman iniiwas na nya ang tingin nya sakin.




"Weh, don't tell me may dumi ako sa mukha"   sabi ko sa kanya.




"Wala, nagagandahan lang talaga ko sayo"  


Sabi naman neto kaya napatingin ako ng deretso sa kanya tsaka sya mahinang tumawa.



"Bakit ganyan ka makatingin? Haha" pangiinis pa neto.




"Che, wag ka maingay nagtutu--"



"Ms vien, tutal di ka makapafocus sa lesson ko at panay lang chismisan nyo ni hueningkai. Kindly get my attendance book sa table ko"  



Sabi naman ng prof namin, sabayan pa ng mahinang tawanan ng mga kaklase ko, pasimple namang tumingin si soobin samin pero umiwas din habang si yeonjun ay di matigil sa pagtawa.




"O-okay po"   nauutal utal pa ko ng lagay na yan, dahan dahan naman akong tumayo at lumabas ng room.








Bwiset talaga! Pahamak si kai, ayoko pa naman maglakad sa school na to nang nagiisa.






Para mapabilis ay mas binilisan ko pa ang lakad ko patungo sa faculty.






"Hi vien"   napahinto naman ako sa paglalakad nang marinig yung pamilyar na boses na yon.







Tama nga ko, paglingon ko ay si mei yung tumawag sakin. Ano kayang plano neto? Magsosorry ba sya?



Lumapit naman ako. This time, magisa lang sya.



"Kamusta? May iooffer sana ako sayo"  


Nakangiti namang sabi sakin neto pero alam ko namang pekeng peke yung ngiti nyang yon.



room mate | Soobin ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon