2 months ago...
[Vien]
"Sige, maliligo lang ako."
Naglakad nako patungo sa cr para maligo. Halos 3 araw narin ang nakalilipas simula ng maging tahimik si Soobin. Yung tipong laging malalim yung iniisip nya, natanong ko na minsan to kung may problema ba sya pero hindi naman sya sumasagot. Baka naman siguro pagod lang sya ng mga nakaraang araw, baka nga. Bigla naman nya akong niyaya mag date ngayon, gusto daw nya ko makasama. Di ba kame magkasama sa dorm? Naguguluhan na din ako sa Soobin na to eh pero shempre excited ako kasi ngayon lang ulit kami makakagala hehe.
Pagtapos na pagtapos ko ay sumunod na sya maligo. Napatingin naman ako sa orasan at 8 palang ng umaga, anong trip naman neto ni Soobin para yayain ako ng date ng ganitong oras? Hay..
______
Nakahanda na kami pareho para sa date namin. Palabas na ko ng pinto nang hawakan nya ang wrist ko at hinatak palapit sa kanya para yakapin, okay mejo kinikilig nanaman ako. Mejo lang naman.
"Sulitin natin tong araw na'to ha, i love you."
Deretsong sabi ni Soobin sakin, agad ko namang naramdaman ang paginit ng pisngi ko na ikinatawa nya.
"Haha ang tagal na natin pero kinililig ka pa din saken ah, napaghahalataang patay na patay ka sakin eh." Pangaasar naman neto na ikinakulo ng dugo ko.
"Wow sino kaya yung unang nagtapat sakin jan, diba ikaw yon?"
Pagkasabi ko non ay nagulat naman ako sa biglaang paghalik neto sa pisngi ko, para san yon?!
"Tara na nga! Baka madami nang tao sa amusement park kaya bilisan naten."
Ngumiti naman si Soobin sakin bago hawakan ang kamay ko at naglakad na palabas at mag-abang ng taxi papunta sa pupuntahan namin.
___Nang makarating kami dito ay mapalad kami dahil kakaunti lang ang tao. Di na kami nagpatagal pa at pumila na kami sa rides na balak naming sakyan ni Soobin. Vikings ang una naming sasakyan, excited na excited naman tong si Soobin habang pasakay na kami habang ako e di nanaman mamalay ang takot. Takot ako sumakay sa ganto, feeling ko kasi talaga may oras na pwede akong mahulog. Alam naman ni Soobin yon dahil nung mag-kaibigan palang kami ay nasakay na din kami dito at ang ending non ay sya lang ang nagenjoy.
Nagsimula nang umandar ang sinasakyan namin. Nagiingay na ang mga tao na kasabay namin dito pati si Soobin, halata mong enjoy na enjoy sya ngayon samantalang ako. Hindi umiimik.
Nahalata naman nya yon kaya naman panay na ang tawa saken neto. See? Sya lang naman nageenjoy pag nagdedate kame dito!
"Takot ka pa din? Andito naman ako, okay?"
For the first time, nag-alala den sya sakin. Hinawakan neto ang kamay ko upang mabawasan ang takot na nararamdaman ko.
"Tumingin ka lang sa taas, wag ka kasing tumingin sa iba."
Sabi ni Soobin sakin kaya ginawa ko yon at di pa din ako makapaniwala, ngayon ko lang naenjoy ang pagsakay dito. Nawala mejo yung takot ko dahil sa langit at di ko na namalayan na tapos na pala.
Bumaba na kami don ni Soobin at nag-isip pa sya kung san kami pwedeng sumakay. Ano kayang nakain ng isang to? Ngayon ko lang sya nakitang ganito kasaya sa date namin ah, tapos simula kanina hindi pa nya binibitawan ang kamay ko. Naglalambing ata hahaha
BINABASA MO ANG
room mate | Soobin ✓
Fanfiction[COMPLETED] "ᴡᴀɢ ᴋᴀ ᴍᴀɢ-ᴀʟᴀʟᴀ ɪʜᴀ~ ʙᴀᴋʟᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪʏᴀɴɢ ᴋᴀʀᴏᴏᴍᴀᴛᴇ ᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ʜᴀʏᴀᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ʜɪʜɪ!" ___________ [TomorroxTogether series: #5] {short story} Highest Rank: #3 ✔COMPLETED | Choi soobin | Soobin x You