[Vien]
After ng date namin ni Kai ay agad nya kong hinatid sa dorm. Naiinis nga ko sa sarili ko kasi nasa kalagitnaan kami ni Hueningkai ng date pero si Soobin pa din ang naiisip ko. Kung kumain na ba yon, baka kasi porket umalis lang ako e nagbabad nalang sa pagcecellphone yon na wag naman sana nyang gawin.
Pagkasarado ko ng gate ay pumasok agad ako sa dorm at nadatnan ko nga syang nagcecellphone. Pano kaya gagaling yan ng panay kakacellphone.
Tumingin lang sakin tong si Soobin at agad na binaling ulit ang atensyon nya sa pagcecellphone kaya lumapit ako dito para icheck kung nilalagnat pa ba sya, maswerte naman at di naman sya gaanong mainit na.
"Kumain ka na?"
Pagkatanong ko ay tumingin lang ito sakin at binalik na ulit ang atensyon nya sa pagcecellphone, ano bang problema netong Soobin na to.
"May lagnat ka lang, pero di ka naman bingi diba." Binaba neto yung cellphone nya at tumingin sakin.
"I can hear u, i'm not a deaf. Ayaw lang kitang pansinin."
Sabi ba naman neto ni Soobin bago kunin ulit ang cellphone nya at nagpipipindot na don.
Kinuha ko naman ang cellphone neto para pansinin nya ko ulit. Napatingin naman sya sa ginawa ko at clueless pa din kung bakit ko ginawa yon.
"Choi Soobin, anong iniinarte mo jan?" Pagkasabi ko non ay tumingin to sakin pero di ko mabasa kung galit ba sya or hinde or nanunura lang.
"Akala ko ba dito ka lang? May pa sabi sabi ka pa na ang swerte ako kasi andito ka na para may mag-alaga sakin."
Bahagya naman akong natahimik sa sagot ni Soobin. Oo nga, nagpromise ako na aalagaan ko sya pero anong ginawa ko. Nakipagdate lang ako at iniwan sya dito knowing na may sakit sya at mahihirapan sya gumalaw kung mag-isa lang sya.
Pano naman si Kai? Nagtatampo na nga sakin kanina kasi di ko manlang sinasagot mga tawag nya kaya inaya ko syang lumabas. Pano naman si Soobin na iniwan ko lang magisa nang may sakit?
OKAY GULONG GULO NA TALAGA SI AKO :)
"A-ano, sorry talaga. Nagtatampo kasi si Kai kasi di ko sinasagot tawag nya kanina.."
Paghingi ko naman ng tawad dito.
"Ako din, nagtatampo din ako."
Sagot neto nang di tumitingin sakin. Hala, di ko alam kung pano ako hihingi ng tawad sa kanyaaaaa.
"Soobin, sorry na. Di ko naman alam na--"
"Nevermind, matulog ka na. Baka napagod ka sa date nyo ni Kai."
Walang ganang sagot ni Soobin sakin bago mahiga sa higaan nya at humarap sa tabi nyang wall. No, di ko sya pwedeng patulugin ng magkaaway kami.
Inalog alog ko pa to para gisingin pero di naman nya ko pinapansin at pinagpatuloy lang nya ang pagtulog nya.
Napatingin naman ako dito to check if tulog na ba talaga sya. Waley ka nang pagasa girl, pikit na pikit na tong isang to.
Inayos ko nalang ang kumot netong nagulo ko sa pambubulabog sa kanya at tumayo na sa higaan nya.
Well, kasalanan mo talaga to Vien. Dapat di ka muna nakipagdate kay Kai, sinabihan ka na nga ni Kai na nextime nalang kayo magdate pero anong ginawa mo? Nakipagdate ka pa din. Tapos hinayaan mo lang magisa si Soobin dito? Samantalang ikaw nagpapakasaya ka makipagdate? Asan ang konsensya mo? May papromise ka pang nalalalaman di mo naman tinutupad. Alam mo namang pinaka ayaw ni Soobin yung di tumutupad sa pangako. Di ka pa talaga nadala noh.
BINABASA MO ANG
room mate | Soobin ✓
Fanfiction[COMPLETED] "ᴡᴀɢ ᴋᴀ ᴍᴀɢ-ᴀʟᴀʟᴀ ɪʜᴀ~ ʙᴀᴋʟᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪʏᴀɴɢ ᴋᴀʀᴏᴏᴍᴀᴛᴇ ᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ʜᴀʏᴀᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ʜɪʜɪ!" ___________ [TomorroxTogether series: #5] {short story} Highest Rank: #3 ✔COMPLETED | Choi soobin | Soobin x You