Special chapter para sa inyo! Lalo na sa mga nabitin, sobrang sori hehe anyway i hope u like my litol special chap :))
after 8 months...
[Vien]
Walong buwan na din ang nakalilipas simula ng umuwi si Hueningkai pabalik dito. At sa loob ng 8 months na yon ay maraming nangyari.
Nagkabalikan kami.
Basta! Pag-uwi nya dito nagkabalikan kami, at nangyari yon dahil sa tulong ni mama. Alam nyo naman itong si mama ay gustong-gusto nakong magasawa. Hello?! 29 years old palang ako, matanda na ba akong tignan para sa kanya?!
Ganito kasi yung kaganapang naganap nang umuwi si Hueningkai dito.
Flashback
"Eh basta! Si Hueningkai daw sya, kilala mo ba anak?"
Halos mahulog naman ako sa higaan ko nang madinig ang sinabing yon ni mama. Si Hueningkai? Nagbalik sya?
Paano naman nya nalaman kung saan ako nakatira e halos di ko naman pinagkukwentuhan yon ng talambuhay ko. Aish!
"W-wait lang kamo ma! P-pababa na'ko."
Dali-dali naman akong naligo, nagbihis at nagblower ng buhok ko para hindi mahalatang naligo ako at baka surahin pa nya ko. Pero sobrang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko ngayon, piling ko may mangyayari talaga ngayong umuwi siya.
Palabas nako ng pintuan ng kwarto ko pero huminto ako saglit para huminga. Oo, para huminga. Ang totoo nyan di ko alam ang gagawin ko kapag nakaharap ko na ulet sya.
Lumabas nako at dahan-dahang bumaba ng hagdan. Likod pa lang nya, alam kong sya na talaga. Nakaupo sya dito sa salla at nakatalikod sa gawi ko dahil kausap nya ang mama ko. Yung kabog ng dibdib ko kanina ay dumoble sa sobrang lakas.
"Oh iho, ayan na pala si Vien. Maiwan ko muna kayo" Pagkasabing pagkasabi non ni mama ay dali namang lumingon si Hueningkai sa kinatatayuan ko at halos malaglag ako dito sa hagdan kaya napakapit ako ng mahigpit.
Sorry ha, pero ba't ang gwapo nya ngayon?! Yung kapogian nya dati nung highschool days namin e nadagdagan ngayon. Ganoon pa din ang itsura nya pero yung ayos nya talaga ngayon ay iba. Malamang Vien ganon talaga matatanda na kayo at tanggapin mo na yon. kaya naman nangatog ng bongga yung tuhod ko T^T
Nakatingin ito sakin mula sa paa ko hangang sa makarating sa mata ko at nagtama ang mga mata namin. Binigyan nya ko ng ngiti at ganon din ako.
"Huy Vien ano ba, mukha kang tanga jan. Lapitan mo na at kanina ka pa hinihintay nyan!"
Nabalik naman ako sa reyalidad nang bumulong saakin si mama, kanina pa pala ako nakatulala kay Hueningkai.
Naglakad nako papunta sa pwesto nya at naupo sa katapat nyang sofa. Mejo naiilang ako at hangang ngayon ay hindi napuputol ang tingin nya sakin.
Hindi ko alam kung sino unang magsasalita samin. Nagpapakiramdaman pa kame kung sino ang unang mangangamusta.
"I-it's been a while, Vien."
Sa loob ng mahabang taon. Ngayon ko lang ulit narinig ang boses nya na walang pinagbago. Ang tanging nagbago lang sa kanya ay yung pananamit nya. Grabe!
"A-ah haha, oo nga" para kong tangang sagot sa kanya.
"Ang ganda mo pa din."
Halos lumuwa ang mata ko sa gulat sa sinabi nya. Ano daw?! Teka sa tagal ng panahon ngayon lang ulet may nag-sabi sakin ng maganda ako!
BINABASA MO ANG
room mate | Soobin ✓
Fanfiction[COMPLETED] "ᴡᴀɢ ᴋᴀ ᴍᴀɢ-ᴀʟᴀʟᴀ ɪʜᴀ~ ʙᴀᴋʟᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪʏᴀɴɢ ᴋᴀʀᴏᴏᴍᴀᴛᴇ ᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ʜᴀʏᴀᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ʜɪʜɪ!" ___________ [TomorroxTogether series: #5] {short story} Highest Rank: #3 ✔COMPLETED | Choi soobin | Soobin x You