[Vien]
Kinuha ko yung notebook ni Kai at tinago sa bag yon. As if naman makakapagreview pa ko sa kabila ng pagtatampo ni Kai sakin. Nag-iisip ako kung anong magiging ganap naming dalawa sa room.
"Sorry, di ako nakapagtago agad."
Dinig kong paghingi ng tawad ni Soobin sakin bago maupo sa katapat kong upuan sa dinig table, heto ako. Di pa din makatulog at kulang nalang bumaha na dito sa buong dorm dahil sa kakaiyak ko.
"Wag ka na nga umiyak, di bagay sayo magmaktol." Sabi neto ni Soobin pero di ko pinansin to at iniisip ko pa din si Kai.
"Pano na yun, tuluyan nang nagalit si Kai sakin" sabi ko habang tuloy pa din sa pag-iyak.
"Don't mind him, kung mahal ka nya talaga. Di nya hahayaang umiyak ka, ayan tignan mo. Kahit sa text manlang wala kang matanggap diba?"
Sabi naman netong si Soobin, lalo tuloy akong naiyak.
"Kasalanan ko talaga to eh, dapat una palang sinabi ko nang magkaroommate tayo" sabi ko at naghahagulgol nanaman.
"Wag mo na ngang isipin yon, matulog ka na. Namamaga na yung mata mo" sabi naman ni Soobin.
"Pano ako matutulog ng ganyaaaan! Galit na si Kai sakin!" Parang bata ko namang pagmamaktol, bahala na! Si Soobin lang naman nakakakita.
Papatayin na sana ni Soobin ang ilaw nang lumapit sakin ito, tumingin lang ako dito kay Soobin na nakatingin lang din sakin. Lumuhod sa harapan ko to para di ako mahirapan syang makita.
"Natatandaan mo yung sinabi ko last night sa park? Pag sinaktan ka nung Hueningkai na yon, may kalalagyan talaga sakin yan. U know me Vien."
Natahimik naman sya nang hampasin ko sa braso to.
"Parang tanga naman, eto na nga titigil na eh."
Sabi ko naman dito at tumayo na at tinapon sa basurahan yung mga basura kong tissue.
"Go to ur bed, ako na magpapatay ng ilaw. Now rest."
Kaya naman gaya nga ng sabi nya ay natulog nako. Mabilis akong nakatulog dahil siguro sa kakaiyak ko.
_____
"GOODMORNING VIEN" laking gulat ko naman sa biglaang pagising ni Soobin sakin kaya naman naibato ko agad dito yung unan ko.
"Walangya ka Soobin. Di ako papayag ka ikaw papatay sakin bwiset ka."
Sabi ko naman habang bumababa sa higaan ko.
As usual, breakfast is ready nanaman pag nauuna talagang gumising si Soobin. Biglang pumasok sa isipan ko si Kai kaya naman halos magkandadapa dapa pa ako sa pagkuha ng phone ko para icheck kung may text si Kai sakin.
Hueningie ♡
active 4 mins ago...:Can't pick you up now, hahatid ako ni dad. Ingat.
;ganon ba? Okay lang ingat ka din :)
"Oww may nagtatampo kasi di ihahatid HAHAHAHA"
Napatingin naman ako kay Soobin na napakalakas manginis. Agad ko naman kinotongan to para magtigil.
"Tigil tigilan mo nga ko Soobin"
Sabi ko dito at dumiretso na sa banyo para maligo at makapaghanda for school.
____
BINABASA MO ANG
room mate | Soobin ✓
Fanfiction[COMPLETED] "ᴡᴀɢ ᴋᴀ ᴍᴀɢ-ᴀʟᴀʟᴀ ɪʜᴀ~ ʙᴀᴋʟᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪʏᴀɴɢ ᴋᴀʀᴏᴏᴍᴀᴛᴇ ᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ʜᴀʏᴀᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ʜɪʜɪ!" ___________ [TomorroxTogether series: #5] {short story} Highest Rank: #3 ✔COMPLETED | Choi soobin | Soobin x You