c h a p t e r 21

191 12 0
                                    

[Vien]

Nasa loob na kami ng dorm ni Soobin. Di na namin pinagusapan yung sumunod sakin kanina. Wala akong idea kung bakit ako hoholdapin ng mga yon, alam kong maganda ko HAHAHAHA joke pero myghad di naman ako mayaman wala silang mahihita sakin mga gunggong ba sila.

"Tara, snack tayo. Kakain sana ako kanina sa labas then nakita kita. Ngayon nalang tayo kumain."  

Aya ni Soobin sakin. Oo nga pala hindi pa din ako kumakain simula kanina kaya pumayag nako.

Ligtas kaming nakalabas ng dorm. Ewan nasanay na ata kaming tumakas ng dorm ng di nahuhuli ng madam hehe.

Pumunta na kami ni Soobin kung saan lagi naming kinakainan na 24hrs convenience  store.

Naupo na kami sa lagi naming inuupuan at shempre libre nya ko aba sya nag-aya jan nananahimik ako eh.

"Sinabi mo ba kay Kai yung nangyari kanina?"   Tanong sakin ni Soobin habang kumakain.

"Oo, tinawagan ko nga sya non e. Pero binaba ko na nung nakita kita."   Naubo naman sya sa sinabi ko then kumain ulit. Anong nakakatawa don.

"Ano Vien bata ka na ulet?"  

Biglang sabi neto, inirapan ko lang to at pinagpatuloy ang pagkain. Ano bang pinagsasasabi netong Soobin na to.

Kinuha naman neto yung tissue sa harapan namin at pinunasan yung parte ng mukha ko kung san may dungis siguro bwiset namumula nako sa sobrang hiya.

Bakit ba sya ganto? Bumabalik nanaman yung feelings ko na nararamdaman sa kanya. Akala ko ba nakasanayan ko na kaibigan ko lang sya.

"S-salamat, dapat sinabi mo nalang na ako magpunas nakakahiya."   Naiilang kong sabi dito, ayan nanaman ako sa bwiset na ilang-ilang na yan.

"Ayoko nga."  

Sabi naman neto ni Soobin at kumain na ulit, inirapan ko nalang to at pinagpatuloy na ang pagkain.

____

"San ka ba kasi nagpunta kanina?" 

Tanong sakin ni Soobin hababg naglalakad kami pauwi ng dorm.

"Sa bahay ng tita ko. Kinuha ko lang yung allowance ko."  

Sagot ko dito, tumango naman sya bilang sagot.

Pagka minamalas ka talaga e walang pinipiling araw. Habang naglalakad kami ay napahinto ako nang matanggal yung swelas ng sapatos ko. Napasin naman ni Soobin yung paghinto ko sa lakad kaya napahinto din to at lumapit sakin.

"Bakit? May problema ba?"   Tanong nya. Sasabihin ko ba? For sure tatawanan lang ako neto.

"Natanggal kasi yung swelas ng sapatos ko."   Tinanggal ko yung sapatos ko at pknakita sa kanya. Tanggal talaga.

Gaya nga ng sabi ko e tumawa na nga to so Soobin na halos makita ko na yung lalamunan.

"Anong nakakatawa?"    Sabi ko dito.

"Haha nothing. Natawa lang ako kasi may pa sapatos ka pa e sa convenience store lang naman punta naten hahahaha" 

Tawa pa neto, nahinto naman sa pagtawa to nang akmang ibabato ko sa kanya yung sapatos ko.

Tinanggal ko na din yung isa kong sapatos at dinala yon pareho at nauna nang maglakad kay Soobin. Nadidinig ko namang tinatawag ako neto pero di ko na sya pinansin pa, bahala nga sya jan.

Hinarangan naman ako neto at lumuhod sa harap ko.

"Sakay."   Sabi naman neto ni Soobin sakin.

room mate | Soobin ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon