[Vien]
Pagkagaling namin ng bahay nila Soobin ay sinoli muna namin yung car ni Yeonjun sa kanila. Firstime ko lang nakita ang bahay nila at walang pinagkaiba kila Soobin, so nasa lahi talaga nila ang pagiging mayaman? Di ako makarelate TT
Sumakay na kami ni taxi papunta don sa convenience store na lagi naming kinakainan sa tuwing tatakas kami ng dorm. Nang makarating kami don ay naupo agad kami sa lagi naming spot, sa gilid ng bintana. Iilan lang ang pumapasok sa store, nakakahiya kasi pinagtitinginan kami siguro dahil sa Mamahalin naming porma na akala mo ay may aatendan na prom HAHAHAHA
Di nalang namin pinansin yon at umorder nalang ng all time favorite namin netong si Soobin ay tteokboki samahan ng icecream.
Nang dumating yung order, agad namin kinain yon. Gaya ng dati, walang usap-usap pang kumakain. Galit galit ganorn.
"Kwento mo naman sakin napagusapan nyo ng dad mo."
Pagkasabi ko kay Soobin non ay ilang segundo syang napatigil sa pagkain at tumingin sakin.
"Y-yun ba? Wala lang yon, napagusapan lang namin yung bagong asawa ni dad. K-kaya nainis ako. Ngayon na nga lang nya ko nakita yun pa pag-uusapan namin."
Kwento naman sakin neto at tinuloy na ang pagkain.
"Hangang ngayon ba, hindi mo pa din tanggap yung step mom mo?" Tanong ko dito kay Soobin.
"Kahit kelan di ko matatanggap lahat ng pagkakasala ng dad ko."
Seryoso at mejo galit namang sagot neto. Tumango nalang ako dito at tinuloy na ang pagkain.
_____
Nang matapos kaming dalawa ni Soobin sa pagkain ay napagplanuhan na naming umuwi dahil mejo gabi na din.
Paglabas naman namin ng convenience store, saktong sakto naman ang biglang buhos ng ulan. Wala pang ilang segundo ay nagmukhang basang sisiw na kami ni Soobin. Napaka wrong timing naman!
Pagka minamalas ka nga naman at wala nang dumadaang sasakyan. Wala naman kaming choice kundi ang maglakad na dahil mukhang walang pag-asa na tumila pa yung ulan.
Tahimik lang kaming naglalakad ni Soobin habang naliligo sa ulan. Wala kasing sleeves to kaya di ko naman maiwasan na lamigin. Yan kaartehan mo Vien.
Nahalata naman ni Soobin yung panginginig ko kaya hinawakan neto ang wrist ko para pigilan sa paglalakad.
"Ano ba? Bilisan mo maglakad nilalamig nako--"
Natigil naman ako sa pagsasalita nang tanggalin nya sa harapan ko ang coat nya at nilagay sa magkabilang balikat ko.
"Baka bumigay ka na jan sa lamig, ayos ba?"
Di ko naman maiwasang mapalunok dahil sa bwiset na wet look na yan. Bumagay pa yung white tshirt nya sa kanya. Bago pa man nyang mahalata na pinagpapantasyahan ko na sya ay tumalikod nako dito at naglakad.
"Hoy wait lang!" Hinabol naman ako neto hangang sa nagkasabay na ulit kame sa paglalakad.
Naging mabagal na ulit ang paglalakad namin, nauuna akong maglakad sa kanya habang sya ay nasa likuran ko lang. Sumisipol pa habang naglalakad.
Di nya siguro sinasadya pero naramdaman ko namang may tubig na tumalsik sa mga binti ko kaya tumigil ako para tignan kung putik yon. Di naman ako nagkamali.
Napatingin naman ako kay Soobin na nagpeace sign sakin, kaya di ko na pinansin to at naglakad na ulit pero sa pangalawang beses ay natalsikan nanaman yung binti ko kaya lumingon agad ako dito na tumatawa.
BINABASA MO ANG
room mate | Soobin ✓
Fanfic[COMPLETED] "ᴡᴀɢ ᴋᴀ ᴍᴀɢ-ᴀʟᴀʟᴀ ɪʜᴀ~ ʙᴀᴋʟᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪʏᴀɴɢ ᴋᴀʀᴏᴏᴍᴀᴛᴇ ᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ʜᴀʏᴀᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ʜɪʜɪ!" ___________ [TomorroxTogether series: #5] {short story} Highest Rank: #3 ✔COMPLETED | Choi soobin | Soobin x You