c h a p t e r 12

257 18 14
                                    

[Vien]

"Gigising ka ba o gigising ka?"   Bigla naman akong nabuhayan nang madinig ko ang boses ni Soobin.

Bumangon nako sa hinihigaan ko at nakita ko nga sya na nakauniform na wow naman ang aga nya ngayon ha. Wag naman na sana sya sumabay samin ni Kai noh.

"Handa na ang breakfast, bagal mo gumising"   sabi naman neto at naupo na sa dining table.

Di ko na pinansin ito at dumiretso na sa cr para maligo, buti nalang at maaga pa kaya walang chance na malate kami ngayon.

Paglabas ko naman ay nakita ko si Soobin na nagcecellphone at di pa din sinisimulan kumain. Inaasahan ko na paglabas ko e paalis na sya. Gusto nya ba talaga sumabay samin?

"Bakit di ka pa kumain?"   Sabi ko at naupo sa harapan nya at sinimulan na kumain.

"Ang panget naman kung magisa lang akong kumakain dito kaya inantay na kita"  

Hay nako talaga panget talaga ng mga desisyon neto sa bohai.

Natapos naman na kami kumain at ang kulit nya talaga, balak nya talagang sumabay samin ni Kai sa pagpasok.

Paglabas namin ay naabutan nga namin si Kai na nakangiting nakatingin sakin pero nawala yon nang makita nya sigurong nasa likod ko si Soobin.

"Hi Kai"   bati ko sa kanya.

"Hello, ano namang ginagawa mo dito sa dorm ni Vien?"   Takang tanong ni Kai.

Patay.

Napatingin naman ako kay Soobin, inuusisa ko kung ilalaglag nya ba ako. Please wag naman.

"Hmm, nakicr lang ako."   OKAY SALAMAT SOOBIN.

"Kung ganon, pwede ka nang umalis." 

Sagot naman ni Kai sa kanya pero parang walang narinig tong si Soobin.

"Di ba nasabi sayo ni Vien? Na sabay kami ngayon?"   Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Soobin, ano bang pinagsasasabi nya?

"Di rin nya ba nasabi sayo na AKO ang kasabay nyang pumasok ngayon?"   Sagot sa kanya ni Kai.

Grabeng tensyon na ang mga tinginan nila kaya para maiba yon ay pumagitna nako sa kanila, baka magsuntukan pa to e talaga namang napakaganda ko diba?

"Tama na nga yan, Edi sabay sabay tayong tatlo. Tara na?" 

Hinawakan ko naman sa wrist si Kai at nauna nang maglakad, habang nakasunod si Soobin sa likod namin.

"Sorry Vien"   mahinang sabi naman ni Kai sakin.

"For what?"

"For my attitude, i just can't help it. Nagseselos ako, sorry."   Sabi naman nya.

"Okay lang, di mo kailangang magselos. Malapit na kaibigan ko lang si Soobin."

Napangiti naman sya sa sinabi ko. Argh! Grabe ang pogi talagaaa

"Can i have this?"  Tinanggal naman nya yung bag ko at sya ang nagdala non.

"Huy, okay lang. Di naman ganon kabigat yang bag ko."   Suway ko sa kanya.

"Sus di daw, e parang andito na nga lahat ng libro sa library eh. Ayokong nangangalay ka okay?"  

Sabi naman ni Kai kaya naman yung mukha ko sasabog nanaman sa sobrang kilig.

"Naging kaibigan ko din si Vien, pero di ko ginawa yan."  

Out of nowhere namang salita ni Soobin sa likuran namin, magsasalita pa sana si Kai nang hawakan ko sa braso ito para pakalmahin kaya nginitian nalang ako nito at nagpatuloy sa paglalakad.



room mate | Soobin ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon