c h a p t e r 3

449 30 2
                                    

[Vien]




Naubo naman ako sa sinabi nya na minsan may gusto sya sa lalake?!






Pero mukha talagang walang bahid ng kagay-an tong si soobin, argh!! Naguguluhan ako!





"Ayos ka lang? Kuha kita ng tubig"  





Nagmadali naman syang tumayo at kumuha ng tubig para ipainom sakin.






Pagkatapos ng kain at usapan namin ay nagprisinta ako na ako nang maghuhugas ng pinagkainan namin, pumayag naman sya.





Habang naghuhugas ako ng pinagkainan ay di ko maiwasang mapamasid kay soobin na panay ang walis tapos ayos ng paligid namin, grabe nung unang pasok ko di mo aakalaing lalake may ari ng kwarto na to dahil sa sobrang linis.





Nang matapos sya ay nakita ko namang pumasok sya sa cr, baka magpapalit.





Natapos naman ako maghugas ng pinagkainan namin at naupo muna sa beanbag dito, wala kasing sofa dito kasi maliit lang sya. Yung tipong pagpasok mo e andito na ang double deck, dining table, tapos kitchen tapos ang pinaka may kwarto lang dito ay yung cr, gets?







Lumabas naman na sya ng cr at nakapyjamas pa sya, wow.






Pagkalabas nga nya ay ako naman nagpalit ng damit ko pantulog.






Pagkatapos ko ay naabutan ko naman syang nagccellphone sa higaan nya.






"Ah vien, pwede ko ba patayin na yung ilaw?"  





Magalang naman nyang sabi habang ako ilang na ilang na nakahiga na dito sa taas.






"O-oo naman haha" nauutal ko pang sabi.






"S-sige"





Pagtayo nya ay kitang kita ko sya dito mula sa taas dahil ang tangkad nya kaya nagkumot naman agad ako dahil nakakahiyaaa.






Pinatay na nya yung ilaw at bumalik na sa hinihigaan nya.






Nakikita ko namang nagccellphone pa din sya kahit pa tay na yung ilaw dahil tanging ilaw nalang ng phone nya yung nagsilbing ilaw dito sa paligid.





Pinikit ko naman yung mata ko at pinilit na matulog.












Pero pagkaminamalas ka nga naman at di nakikisama yung sarili mo sa gusto mo.






Sinindi ko naman ng cellphone ko para tignan kung anong oras na at 1am na pala di pa din ako natutulog.





Madilim naman ang buong paligid dahil siguro tulog na si soobin dahil wala nang ilaw sa baba ng hinihigaan ko.






Naisipan ko naman uminom ng tubig at baka sakali ay makatulog nako.






Dahan dahan akong bumaba sa maliit na hagdan dito sa gilid para hindi makagawa ng ingay dahilan para sya magising.






Safe naman na nakatapak ako sa sahig na di ko manlang nadinig na gumalaw sya, safeee.






Maglalakad na ko sa kusina ng dahan dahan dahil napakadilim nang may mabangga akong tao kaya nabuhal ako. Jusmiyo may akyat bahaaaay!







room mate | Soobin ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon