After 4 months...
[Vien]
"Ano nakahiga ka nanaman?!?!"
Suway ko kay Soobin na kakatapos lang magtapon ng basura sa labas ay nahiga nanaman sa higaan nya at tinutok nanaman ang atensyon sa cellphone.
"Oh bakit?! Ako na naglinis ng buong dorm, namili ng pag-kain, naglinis ng banyo, nagtapon ng basura. Anong sinasabi kong hilata nanaman?!"
Reklamo naman ni Soobin na parang bata saken, tignan mo tong isang to.
"Oh baket? Ako na nga naghuhugas ng pinagkainan naten e. Kung ikaw kaya naghuhugas neto noh para magawa ko na yung project naten kay maam venus?!"
Inis na sabi ko dito. Tinitigan lang ako neto ni Soobin bago padabog na chinarge yung phone nya at lumapit sakin dito sa lababo at inagaw yung sponge.
"Oo na oo na, Sorry na babe kasi 'Panay ang cellphone ng babe mo kaya ikaw pa tuloy ang naghuhugas ng pinagkainan natin'"
Sabi naman neto ni Soobin kaya hinampas ko to sa braso nya dahil prankang pranka naman ang pagsosorry neto.
"Bwiset ka, edi bawiin mo na yung sinabi mo dati na di mo'ko paglilinisin ng dorm kung nagrereklamo ka jan!" Sagot ko naman dito.
"Mianhe~" Pagsosorry naman ni Soobin sakin bago ako ngitian at pinagpatuloy na ang paghuhugas ng plato habang ako ay inasikaso ang project namin sa history.
_____
3pm na ng hapon at heto kami ni Soobin, nakahilata sa higaan nya at abalang abala sa pagvivideo games na nakasanayan ko na din laruin. Makalipas ang ilang minuto ay may nagdoorbell na dorm namin, mukhang walang balak tumayo si Soobin kaya sinagi ko ng braso ko to dahil nga naglalaro kami.
"Ikaw na, ikaw malapit jan eh" sagot ni Soobin sakin pero kinalabit ko lang ulit sya gamit naman ng paa ko.
"Di pwede, eto na mananalo nako..." sagot ko sa kanya.
"Babe naman, rank game to. Intindihin mo naman ako." Pagmamakaawa ni Soobin sakin habang tutok pa din sa paglalaro.
"Ako din naman ah! Bilisan mo Soobin buksan mo na yung pinto at pag hindi may kalalagyan ka sakin---" Naputol naman yung sasabihin ko ng sumigaw ito.
"Ahhh!! Jinjaaaa!!! Natalo pa!" Sabi naman neto at pinagpapalo yung unan nya sa pader kaya naman nasabunutan ko to para tumigil.
"BUKSAN MO NA YON SOOBIN ANO BA!"
Reklamo ko sa kanya kaya naman kumalma na ito at padabog na pumunta sa pintuan para tignan kung sino yung nadoorbell.
"Sino ba ya--mei?"
Para naman akong naalarma sa sinabi ni Soobin kaya naman napataklob agad ako ng kumot nang madinig yung boses ni Mei.
"Uhm hello Soobin, can i ask you to go out? I really miss you na kasi."
Nagpapacute na rinig kong sabi ni Mei kaya naman para naman akong umuusok na sa inis dito. May pa i really miss you ang bruha.
"No, busy ako." Cold namang sagot ni Soobin sa kanya. Gumawa naman ako ng konting awang sa kumot na pinagtatakluban ko para makita ang ginagawa nila.
"Well, okay then. Dito nalang tayo sa dorm mo i have somethin for u! Hehe"
Nakita ko namang tinabig nya si Soobin at dere-deretsong pumasok sa loob ng dorm na nagdulot sakin ng kaba, nako bwiset ka Mei wag ka lang uupo dito bwiset.
BINABASA MO ANG
room mate | Soobin ✓
Fanfiction[COMPLETED] "ᴡᴀɢ ᴋᴀ ᴍᴀɢ-ᴀʟᴀʟᴀ ɪʜᴀ~ ʙᴀᴋʟᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪʏᴀɴɢ ᴋᴀʀᴏᴏᴍᴀᴛᴇ ᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ʜᴀʏᴀᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ʜɪʜɪ!" ___________ [TomorroxTogether series: #5] {short story} Highest Rank: #3 ✔COMPLETED | Choi soobin | Soobin x You