c h a p t e r 22

223 10 15
                                    

a/n:
hallo! sorry for the late update :)

________

[Vien]

6:00 a.m pa lang ay nagising na ko dahil sa maya't mayang pagtunog ng phone ko. Nang icheck ko yon ay si Kai pala yung natawag. May chat din sya na sabay daw kami ngayon papasok, susunduin daw nya ako. Ano kayang sasabihin nya? Magbabati na ba kami? Miss ko na sya.

Bumangon nako sa higaan ko at nadatnan ko si Soobin na nakaupo sa dining table at nagcecellphone. Ewan ko ba kung papansinin ko sya, nagrecall lahat ng sinabi  ko sa kanya.

Napatingin naman sakin to at ngumiti. I guess natatandaan nga nya yung sinabi ko kahapon, mga ngitian e halata mong mangaasar e.

"Ayaw mo magbreakfast? Uubusin ko to."

Dahil sa sinabing yon ni Soobin ay nabalik naman ako sa katinuan ko at bumaba na mula sa taas at sinaluhan sya kumain.

"Try mo nga yung inorder kong shoes para sayo, baka kasi di kasya ibabalik ko."  

Natigil naman ako sa pagkain at napatingin naman ako sa kanya na nakatingin sakin habang nakangiting kumakain. Seryoso? Binilan nya ko ng sapatos???


"For what? Di ko naman birthday."   

Shempre echos ko lang yan, nakakahiya naman kasi kung tatanggapin ko agad.

"Tinapon ko na yung sapatos mo na sira, i know u Vien. Gagawan mo pa ng paraan yon para di masuot yung bigay ko."  

Natatawang sabi nya. Ganon na ba nya ko kakabisado?

"T-thankyou.."   Yan nalang ang nasabi ko at kumain na ulit.

"Sabay tayo pumasok ngayon"    aya naman ni Soobin sakin, tsaka naman pumasok sa isip ko si Hueningkai. Sabay kaming papasok ngayon.

"Di pwede"   nagtaka namang tumingin sakin to.

"Bakit hindi?"   Tanong ni Soobin sakin.

"Sabay kami ni Kai, susunduin daw nya ko."  

Ilang segundo ay tumahimik kaming pareho.

"W-well, nagkabati na pala kayo.."  

Cold na pagkakasabi sakin neto ni Soobin,  na ikinalungkot ko naman. Ayan nanaman ako sa pag-aalala sa kanya. Para makaiwas sa awkward na yon ay tumayo nako at papasok na sana sa cr para maligo nang magsalita ulit to.

"I know it sounds rude, pero aantayin kita Vien."

Napatingin ako sa gawi nya bago pumasok sa cr, nakatalikod ito sakin habang kumakain. Wag mo naman ako pahirapan Soobin.

_____

Pagkalabas ko galing ng cr ay wala na si Soobin. Nauna na sigurong pumasok yon, mabuti naman.

Kinuha ko na yung bag ko at sinuot yung bagong sapatos na binigay ni Soobin sakin at lumabas na ng dorm. Naabutan ko naman si Hueningkai sa labas ng gate, nang makita ako nito ay ngumiti to bago kumaway sakin.

Paglapit ko dito ay agad akong binigyan ng yakap neto na ikinagulat ko. Niyakap ko nalang sya pabalik dahil namiss ko talaga sya.

"I miss you Vien. Sorry kung kailangan ko pa magtampo sa'yo."  

Pagpapaliwanag naman neto nang di napuputol yung pagyakap namin.

"I miss you too Kai, forget about it. Sorry den."   Tinanggal na nya yung pagkakayakap sakin at kinuha yung bag ko.

room mate | Soobin ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon