[Vien]
Nagising naman ako dahil pakiramdam ko ay napakahaba ng tulog ko. Ang komportable pa sa pakiramdam ng pagising ko. Habang naalimpungatan ako ay halos mapatalon ako sa higaan ng marealize ko na wala pala ako sa dorm namin.
Hala! Don't tell me andito pa den ako sa kwarto ni Kai, pero yun nga. Andito nga ko.
Magisa lang ako sa higaan na to. Inilibot ko ang paningin ko kung saan natutulog si Hueningkai. Nagpunta ako don sa sofa at don ko nga sya natagpuan, nakakahiya. Yung may ari ng kwarto sa sofa natulog.
Nagising naman si Kai at biglaang napabangon nang makita ako.
"Goodmorning love, di na kita ginising pa kagabi kaya dito nalang kita pinatulog."
Sabi neto habang nagkakamot ng mata nya.
"Ah hehe, sorry ah. Halata namang di ka komportable jan sa pagkakahiga mo sa sofa"
Paghihingi ko nang tawad pero natawa lang to at hinawakan ang kamay ko.
"It's okay, hatid na kita sa dorm mo para makapagprepare ka na for school. 4am pa lang naman"
Tumango naman ako sa sinabi nya at inayos na ang sarili ko bago kami lumabas ng kwarto nya.
Nakita namin yung dad nya na nagkakape sa salla. Kinabahan tuloy ako baka kung anong isispin ng dad nya at bakit andon ako sa kwarto nya pero nginitian lang ako neto.
"Dad hatid ko lang po si Vien." Magalang na pagpapaalam ni Kai sa dad nya.
"Go ahead" Nakangiting sabi ng dad nya bago kami lumabas ng bahay nila.
Habang nagddrive si Kai, panay lang kwento sakin neto na nung nagising sya e ako naman daw yung tulog then ayon na nga hinayaan na nya kong matulog sa higaan nya at sya sa sofa para di ako magisip ng masama, Nakakahiya talaga. Napakahaba naman ng tulog ko grabe ganon ba ko kapagod.
"See you later, di kita masusundo sorry may dadaanan pa kasi kami ni dad sa office nya bago ako dumiretso sa school" pagpapaalam naman ni Kai sakin.
"No,it's okay. Sige na ingat ka." Nginitian naman ako neto bago paandarin ng kotse paalis ng dorm namin.
Pumasok nako ng dorm at naabutan ko namang nakaupo si Soobin sa higaan nya at masama ang tingin sakin. Oo nga pala, sabi nga pala nya ililibre nya ko kaso dun ako nakatulog kila Hueningkai.
"Pinainom ka ba ng pampaantok ng Kai na yon kaya naman di ka nakauwi?"
Seryosong tanong naman ni Soobin sakin.
"Hindi ah, tsaka sadyang nakatulog talaga ko. Di na nya ko inistorbo pa kaya don na ko tuluyang nakatulog. Ano bang pinagsasasabi mo jan."
Sagot ko sa tanong neto.
"So sinasabi mo saken, sa isang higaan lang kayo natulog?" Seryosong tanong pa din nya sakin, na ikinagulat ko naman.
Lumapit ako dito at ginatukan, lakas naman ng reklamo nya dahil sa ginawa ko.
"Sira. Nakakahiya na nga sa tao kasi don sya natulog sa sofa habang ako ang sarap ng tulog ko sa higaan nya tapos pagiisipan mo pa ng masama."
Napairap lang naman to, okay nababakla nanaman tong si Soobin.
Tinuro turo naman ako neto bago magsalita.
"Don't u dare to do it again, susunduin talaga kita don." Pagbabanta naman ni Soobin sakin.
"At baket? Magulang ba kita?" Reklamo ko.
"Hinde, pero boyfriend mo'ko."
Nanahimik nanaman kami ng mga ilang sigundo at sobrang lapit nya sakin na nagdulot ng kaba sakin.
BINABASA MO ANG
room mate | Soobin ✓
Fanfiction[COMPLETED] "ᴡᴀɢ ᴋᴀ ᴍᴀɢ-ᴀʟᴀʟᴀ ɪʜᴀ~ ʙᴀᴋʟᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪʏᴀɴɢ ᴋᴀʀᴏᴏᴍᴀᴛᴇ ᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ʜᴀʏᴀᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ʜɪʜɪ!" ___________ [TomorroxTogether series: #5] {short story} Highest Rank: #3 ✔COMPLETED | Choi soobin | Soobin x You