[Vien]
"Cheese tteokbokki lang pala katapat mo."
Dahil naman sa sinabi ni soobin na yon ay mahina kong sinipa to sa paahan, di ko sya mapapalo kasi busy akong kumakain ^^
Pagkakita nya sakin kanina ay nagaya sya sa malapit na convenience store dito kaya kasaluluyan kaming lumalamon--i mean kumakain. Magiinarte sana ako dahil magkaaway kami pero natigilan ako kasi libre nya daw, wow.
Inirapan ko nalang ito at pinagpatuloy ang pagkain ko, grabeee lagi ata kaming magkakasundo neto kung palagi nya lang akong ililibre >3<
Tapos na syang kumain kaya nakatingin nalang sya sakin habang kumakain, naparami kasi ang order ko dahil libre naman nya hahaha
Maya maya ay may pumasok na lalake sa convenience store, matangkad. In short pogi.
Napalingon naman si soobin at matagal syang nakatingin sa lalaking yon, omg don't tell me type nya yon??
Di naman nagtagal ay tumingin na ulit to sakin, agad ko naman nang tinapos tong kinakain ko para makauwi na kami agad bago pa pagpantasyahan ni soobin yung lalakeng yon.
"Bakit nagmadali ka bigla kanina kumain? Diba enjoy na enjoy ka pa nga sa libre ko?"
Sabi ni soobin habang naglalakad kami pauwi.
"W-wala, mejo gabi na din kasi. Tsaka hoy ikaw ha. Type mo yung lalake sa convenience store kanina noh?!"
Pagtatanong ko sa kanya kaya napahinto naman sya sa paglalakad at tumawa, weird.
"Ah yun ba? Haha, mejo lang naman" sabi neto habang nakatingin nang deretso sakin.
See? Napakalandi nya talagaaa, magaling din pipili ng gwapo.
"SABI NA EH! Pag nalaman ng mga fangirls mo na bakla ka panigurado turn off yung mga yon"
"Kaya nga wag mo na ipagkalat na gay ako. Tayo-tayo lang nakakaalam nyan" mejo pabiro nyang sabi.
"Sabihin ng mga fans mo, ang gwapo pa naman tapos bakla--"
"Gwapo ako?"
Napahinto naman ako sa paglalakad nang biglang tumayo sa harapan ko to, may nasabi ba akong mali?
"H-ha? Ah o-oo naman, sa paningin ng fangirls mo"
bwiset vien bakit ka ba pinagpapawisan?
"Eh sa paningin mo?"
Mga 10 seconds kaming naistatwa sa kinatatayuan namin habang sya naghihintay pa din ng sagot ko.
"S-shempre hinde! Di naman ako baliw gaya ng mga babae sa school" hinampas ko sa braso to at nauna nang maglakad.
"Huy vien! Wait lang naman!" Sabi neto at sinabayan na nga ko maglakad.
Dahan dahan naming binubuksan yung gate dahil 9:00 na nang gabi at isa sa mga rule dito sa dorm ay dapat 8:30 ng gabi ay wala nang lalabas.
BINABASA MO ANG
room mate | Soobin ✓
Fanfiction[COMPLETED] "ᴡᴀɢ ᴋᴀ ᴍᴀɢ-ᴀʟᴀʟᴀ ɪʜᴀ~ ʙᴀᴋʟᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪʏᴀɴɢ ᴋᴀʀᴏᴏᴍᴀᴛᴇ ᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ʜᴀʏᴀᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ʜɪʜɪ!" ___________ [TomorroxTogether series: #5] {short story} Highest Rank: #3 ✔COMPLETED | Choi soobin | Soobin x You