c h a p t e r 19

190 12 0
                                    

[Vien]

Pauwi na kami ng dorm na parang walang pagamin na ginawa si Soobin. He keeps on telling me na wag akong maawkward, iisipin daw nya na gusto ko sya pag nahahalata nyang naiilang ako sa kanya kaya naman umakto lang ako na parang normal kahit ang totoo ay malaki ang impact ng pagamin sakin ni Soobin na yon.

"Hoy pakopya."   Sabi naman neto ni Soobin habang naglalaro sa cellphone nya.

"Saan?"

"Sa math, diba nagquiz kanina"   sagot naman ni Soobin. Oo nga pala, may quiz nga pala kami sa math. Nakalimutan ko agad yon, bwiset kasi tong si Soobin may pa ilikeyou i like you pa kasi kanina sa park eh!

"A-ah yun ba, edi mangopya ka."

Sagot ko dito tsaka nagreview muna ng konte para bukas.

______

Natapos ako sa ginagawa ko at napatingin kay Soobin, na kasalukuyang nakatingin sakin pero agad na umiwas ito at binaling ulit ang atensyon sa pagccellphone.

Di ko nalang pinansin to at umakyat na sa higaan ko para matulog.

______

"Gigising ka ba o gigising ka."  

Para naman akong binuhusan ng tubig nang madinig ko yung boses ni Soobin. Sa sobrang tangkad nya e kahit simpleng nakatayo lang sya sa baba e kitang kita nya ko kaya naman naitulak ko ang mukha neto.

"Bwiset ka kelan pa kita naging alarm clock."  

Napabangon nako at bumaba na sa higaan ko nang maamoy ko ang niluluto ni Soobin.

"Maligo ka kaya muna"  

Suway naman sakin ni Soobin habang kumakain kami pareho sa lamesa ng niluto nya.

"Mamaya na, kita mong kumakain ako diba."   Sabi ko tsaka inirapan to at bumalik sa pagkain.

Nang matapos ako ay naligo na ko at nagbihis, ako nalang ang iniintay kasi nung ginising nya ko e nakauniform na sya non. Maaga talaga sya laging gumigising kesa saakin.

Lumabas na kami nang dorm nang matanaw ko si Hueningkai na nakatayo sa labas ng gate pero nakatalikod yon sa dorm namin kaya dali dali ko namang tinulak sa likod ng puno si Soobin, nagtataka naman sya kung baket.

"Eh basta, baka makita ka nanaman ni Kai."

Mahinang bulong ko dito habang pareho kaming nakatago sa puno.

"Ano naman? Sabihin mo nalang dumaan ako ulit sa dorm 'mo'" 

Sabi naman neto ni Soobin at akmang lalabas na nang bigilan ko ulit to.

"Nooo, what if makahalata na sya? Please na Soobinieee"  sabi ko dito pero natawa lang ito at tatayo na ulit nang pigilan ko ulit sya.

"Papakopyahin kita sa math."  Deretsong sabi ko dito.

"Fine. Madali ako kausap."

Ngumiti naman ako dito bilang thankyou, basta kopya umooo talaga sya agad.

Inayos ko na ang sarili bago lumapit kay Kai.

"Hi ganda" 

Sabi naman neto at tsaka inipit sa buhok ko yung maliit na ribbon na color red. Luh, di naman ako nagcclip ng mga ganto.

"Yes, tama nga si mom. Bagay nga sayo yan."  Nakangiting sabi ni Kai sakin habang hinahagod yung buhok ko. Ngumiti lang ako ng tipid dito.

"Sus, nambola pa. Tara na nga."  

room mate | Soobin ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon