[Vien]
As usual. Pag-gising ko ay lagi nang may nakahandang almusal sa lamesa, grabe piling ko tuloy prinsesa nako na pag-gising ay kakain nalang hihi.
"Hoy ganda, tara na dito."
Bwiset talaga tong Soobin na to, umagang umaga ayan nanaman sya sa walang ka effort effort na pagpapakilig sakin pero ang lakas ng tama saken nang mga yon.
Gaya ng sabi nya ay bumaba na ko sa higaan ko. Dumiretso agad ako ng cr para maligo at makapagbihis para after namin kumain ay deretso school na kami. Paglabas ko ay dumiretso agad ako sa lamesa para saluhan syang mag-almusal.
"Kelan mo kaya ako pagsisilbihan, yung ikaw naman yung maghahanda ng breakfast." Pagpaparinig naman ni Soobin sakin kaya napatingin ako dito habang sya ay umiwas ng tingin.
"May sinabi ba kong ipaghanda mo ko ng almusal? Wag ka mag-alala. Kahapon pa lang naman kita sinagot kaya abangan mo sa susunod na araw, ako na mageeffort."
Namula naman ang mukha neto, so kinilig sya don sa sinabi ko? Hahaha.
"No, it's a joke. Hayaan mo'kong pagsilbihan ka okay?"
Nakangiti namang sabi ni Soobin sakin bago guluhin yung buhok ko, di nako kinilig sa part na yan dahil gawain na nya talaga yan.
Nandito nako sa labas ng dorm habang si Soobin ay inaantay ko na ilock yung dorm namin. Nga pala, eto yung unang araw na papasok ako ng school na wala si Kai. Nakakalungkot lang na wala na kong kadaldalan tuwing boring yung history namin. Wala nang magjojoke sakin tuwing inaantok ako kahit corny. Hays, kamusta na kaya yung Kai na yon? I still love him pa naman. Pero siguro as a friend nalang dahil mas nangingibabaw yung pag-mamahal ko kay Soobin. Grabe, miss ko lang talaga yung Hueningkai na'yon.
Habang naglalakas kami ni Soobin ay hinablot neto yung bag ko at sya nag dala. Sus kelan pa dinala neto ang bag ko. Ngayon lang nangyari yan.
"Akin na'yan. Ano akala mo sakin mapagsamantalang jowa?" Sabi ko dito kay Soobin habang inaagaw ko yung bag ko sa kanya pero nilalayo lang nya yun sakin.
"Ah so pag si Kai nagdala okay lang? Ang sakit Vien." Pagiinarte neto ni Soobin habang nakakapit sa dibdib nya.
"Tsk. Sige ginusto mo yan e. Pag yan di mo dinala araw-araw wag moko kakausapin."
Pagbabanta ko dito pero joke lang naman yon shempre.
"Sus, edi sige." Sabi naman neto ni Soobin. Tinawanan ko lang to at pinagpatuloy na ang paglalakad namin nang magsalita ulit sya.
"By the way, i have a surprise for u." Sabi nya bago ako akbayan.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Alam mo ba yung 'surprise'?"
Pamimilosopo naman ni Soobin sakin kaya mahina kong tinulak to palayo. At naglakad na papasok sa school. Pag-pasok na pag-pasok naman namin ni Soobin sa school na yon e di na talaga maiiwasan na pagtinginan nanaman ako. I'm sure nagtataka yang mga yan kung bakit magkasama kami ni Soobin e ang alam nila ay si Kai ang boyfriend ko pero bahala na sila. Di nalang namin pinansin yon ni Soobin at dumiretso agad sa classroom namin.
Naabutan namin si Yeonjun na tahimik na nakaupo sa upuan nila ni Soobin. Nang matingin sakin to e bigla nalang tumawa ng tumawa. Panigurado akong susurahin nanaman ako netong Yeonjun na to, pambihira kung di ka lang talaga pinsan ni Soobin e matagal nang sira mukha sakin neto.
Tahimik namana kong naupo sa upuan ko sa likuran nila. Maya maya naman ay naupo si Soobin sa dating inuupuan ni Kai, gusto ata makipagdaldalan saken.
BINABASA MO ANG
room mate | Soobin ✓
Fanfiction[COMPLETED] "ᴡᴀɢ ᴋᴀ ᴍᴀɢ-ᴀʟᴀʟᴀ ɪʜᴀ~ ʙᴀᴋʟᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪʏᴀɴɢ ᴋᴀʀᴏᴏᴍᴀᴛᴇ ᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ʜᴀʏᴀᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ʜɪʜɪ!" ___________ [TomorroxTogether series: #5] {short story} Highest Rank: #3 ✔COMPLETED | Choi soobin | Soobin x You