[Vien]
"Don't u remember? Sinagot mo na kaya ako kahapon."
Dahil sa sinabi nyang yon e napahampas naman ako sa lamesa namin sa gulat. Kasi wala na talaga akong maalala kung anong sunod na nangyari, huli ko lang talaga na naalala ay pinayagan kong manligaw si Soobin sakin. Ano namang pinagsasasabi netong sinagot ko na daw sya?
"Haha grabe wala ka talagang maalala sa pinagagagawa mo kagabi." Umiling lang ako bilang sagot.
"I guess...wala ka talagang maalala."
Sabi naman neto at patayo na si Soobin sa kinauupuan nya ng pigilan ko to.
"T-tell me more...ano bang kahihiyan pinag-gagagawa ko kagabi?
Natawa una sya bago maupo ulit sa inuupuan nya kanina bago magsimulang magkwento.
"Yung naaalala mo diba yung pinayagan mo ko na ligawan ka. Tapos ayon bigla kang nanahimik kaya kami lang ni Yeonjun hyung ang nagdadaldalan. Nagulat nalang kami kasi biglang nauntog yung ulo mo sa lamesa dahil nakatulog ka na pala so tinulungan ako ni Yeonjun na iuwi ka. Inakyat pa kita sa higaan mo tapos akala ko makakatulog nako ng mahimbing, hindi pala. Bumaba ka then tumabi ka sakin. Ako na sana yung matutulog sa taas pero pilit ka ng pilit ng gusto mo ng katabi kaya nagstay lang ako dito. Tapos nang-away ka na, sabi mo wag na ko manligaw sayo kasi pareho naman tayo ng feelings para sa isa't isa edi pumayag ako tsaka bakit naman hinde. Tapos ayon nakatulog ka na, pinilit ko umakyat sa higaan mo baka kung ano pa magawa ko sayo e since i'm still drunk that time--"
Di ko na pinatuloy yung pagkukwento ni Soobin dahil mukha di ko magugustuhan ang kasunod non, bwiset talaga. Ni isa wala talaga akong maalala.
"Bwiset ka! Napakabilis naman ata at tayo na agad!"
Reklamo ko, habang si Soobin ay tawa lang ng tawa sa reaksyon ko.
"Walang bawian, i love you." Seryosong sabi neto sakin kaya yung puso ko e di nanaman mamalay sa pagtibok.
"Hay buti pa si Kai nageeffort na manligaw, kamusta naman kaya tong Soobin na to."
Sabi ko dito kaya naman cold na tumingin sakin to, luh nagjojoke lang naman ako.
"Ibahin mo'ko sa kanya, sya nang-iwan ako di ko hahayaan mangyari yon."
Seryosong sabi ni Soobin habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.
"I don't wanna waste some time, matagal ko ng iniintay to. Tsaka nauna ako sa kanya."
Dugtong pa ni Soobin.
"I want to spend more time with u. Di naman ibig sabihin na tayo na agad e di ka na mahalaga saken."
Tuloy tuloy lang nyang sabi bago hawakan ang kamay ko.
"I love you..." bigla ko nalang sabi sa kanya ng hawakan nya ang mga kamay ko. Ang saya sa pakiramdam na sabihin kay Soobin ang mga salitang yon. Pagkasabi ko non sa kanya ay ngumiti ito na halata mong sobrang saya nya nang marinig ang mga salitang yon sakin.
"I love you more, Vien." Sabi ni Soobin at bigla nalang ako niyakap neto. Niyakap ko naman to pabalik.
Pagkatapos akong pakawalan ni Soobin sa mga yakap nya ay hinawakan neto ang kamay ko.
"Let's go? I'm so hungry, wala namang makain dito sa dorm. Pero kung tinatamad ka lumabas, pwede din namang ikaw--YAAAAH!!"
Piningot ko tong si Soobin ng sobrang lakas yung tipong matatanggal na yung tenga nya dahil sa inis ko.
BINABASA MO ANG
room mate | Soobin ✓
Fanfiction[COMPLETED] "ᴡᴀɢ ᴋᴀ ᴍᴀɢ-ᴀʟᴀʟᴀ ɪʜᴀ~ ʙᴀᴋʟᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪʏᴀɴɢ ᴋᴀʀᴏᴏᴍᴀᴛᴇ ᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ʜᴀʏᴀᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ʜɪʜɪ!" ___________ [TomorroxTogether series: #5] {short story} Highest Rank: #3 ✔COMPLETED | Choi soobin | Soobin x You