[Vien]
"Alis lang ako"
Sabi ko kay Soobin habang inaayos yung shoulder bag ko, pupunta lang ako kila tita. Kakamustahin ko lang yung pinsan ko na galing ospital.
"San ka naman pupunta?" Tanong ni Soobin sakin habang kumakain.
"Kila tita, kamustahin ko lang yung pinsan kong galing ospital kaya dito ka lang."
Sabi ko kay Soobin habang nagsisintas ng sapatos ko.
"After ko kumain pupunta din ako kila Yeonjun hyung" sagot nya habang kumakain kaya tumango nalang ako.
"Sige alis nako."
"Ingat i love youuu~" Nakangiting sabi ng bebe ko saken ><
Lumapit muna ako kay Soobin at kiniss sya sa cheeks bago lumabas ng dorm at nagtungo na sa bahay ni tita.
[Soobin]
Nag-intay muna ako ng halos 10mins bago tawagan ang dad ko. Oo, pupunta ako kay dad ngayon at dinahilan ko lang kay Vien na kila Yeonjun hyung ako pupunta. Ayoko man makipag meet kay dad pero sinabihan nya ko na eto na yung last na kakausapin nya ko. Gusto ko nang manahimik kami ni Vien at ayoko nang makigulo pa si dad samin lalo na't masaya na si Vien dahil kampante na syang magiging masaya ang relasyon namin. Ganon din ako, kaya gusto ko nang alisin sa landas naming dalawa ni Vien si dad na walang ginawa kundi guluhin ang buhay ko. Kaya pumayag akong makipag kita sa kanya ngayon.
"Papunta nako."
Tipid kong sabi kay dad sa phone nang sagutin nya ang tawag ko at di ko na inantay ang sasabihin nya at binaba agad yon.
Nagbihis ako ng pormal na damit bago tumingin sa salamin at ayusin ang buhok ko.
"Gwapo mo talaga.."
Totoo naman, bakit ba ang gwapo ko? Kaya patay na patay sakin si Vien eh.
Pumara na ko ng taxi at tinuro ang address ng company building namin. Andon daw si dad, wag ko lang talaga makakasalubong yung kabet nya sa mismong kumpanya namin na parehong pinalago ni mom at dad. Pero imposibleng di ko sya makita don dahil sigurado akong malaki na ang shares non sa company namin.
Lumipas ang halos 30 mins at nakadating nako sa kumpanya namin. Pagtapak ko pa lang don ay agad akong binati ng mga staff namin don at yung iba ay gulat na gulat na makita ako don dahil halos 3 taon din akong di nagpakita dito. Di ko na sila pinagpapapansin at sumakay agad ng elevator papunta sa opisina ni dad.
Di nako kumatok at nadatnan ko si dad at yung kabet nya na nag-uusap. Nang makita naman ako ng kabit ni dad ay nginitian ako neto pero di ko pinansin yon at pumasok agad sa loob at tumayo sa harap ng lamesa ni dad.
"Iwan mo muna kami saglit."
Kalmadong sabi ng dad ko sa kabit nya bago lumabas ng opisina at naiwan kami pareho dito sa loob. Binuksan naman ni dad yung laptop nya bago tumingin sakin.
"Maupo ka--"
"What do you want?"
Derekta kong sabi dito, ayoko nang magtagal dito. Gusto ko nang matapos tong ugnayan namin.
"Can you atleast have a seat?" Sagot ni dad sakin.
"Di rin ako magtatagal, ano bang gusto mo dad?" Mejo irita kong sabi, naiinis ako. Paligoy ligoy pa sya bat ayaw nya pakong deretsuhin kung anong pakay nya?
"Well kung yan ang gusto mo, sige. Pakasalan mo si Lian."
Natawa naman ako sa sinabi ni dad, so di ba nya ko titigilan tungkol kay Lian.
BINABASA MO ANG
room mate | Soobin ✓
Fanfic[COMPLETED] "ᴡᴀɢ ᴋᴀ ᴍᴀɢ-ᴀʟᴀʟᴀ ɪʜᴀ~ ʙᴀᴋʟᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪʏᴀɴɢ ᴋᴀʀᴏᴏᴍᴀᴛᴇ ᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ʜᴀʏᴀᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ʜɪʜɪ!" ___________ [TomorroxTogether series: #5] {short story} Highest Rank: #3 ✔COMPLETED | Choi soobin | Soobin x You