[Vien]
Wala pa talaga akong balak bumangon pero sirang sira na talaga yung tulog dahil sa galabog mula sa taas. Baka merong naglilipat kaya ang ingay.
Mamaya pa naman kami magmomovie date ni Kai sa kanila, 10 a.m pa naman nya ko susunduin e 7 pa lang ng umaga.
Bumaba nako sa hinihigaan ko at tulog na tulog pa si Soobin. Bilib den ako dito, di manlang nagigising sa mga ingay.
Ginawa ko na ang mga gawain ko tuwing babangon ako at naisipan ko na magluto ng agahan namin. Habang nagluluto ako, di ko naman inaasahan na sobrang bango ng luto ko kaya napabangon si Soobin at tumayo sa gilid ko para tignan yung niluluto ko.
"Wow nagluluto ka pala?"
Pangaasar sakin neto. Palibhasa kasi saming dalawa sya lagi yung nagluluto ng pagkain namin. Wala daw syang tiwala sa luto ko, napakaanimal talaga.
Inihain ko na sa lamesa yon at nagsimula na kaming kumain ng tahimik.
"Hugasan mo tong pinagkainan natin ha."
Pagkasabi ko non ay nanlalaki naman ang mga mata netong tumingin sakin, aba nagulat pa sya?
"Bakit? Dapat kung sino nagluto, sya din maghuhugas ng pinagkainan--"
Di naman natuloy ni Soobin ang sasabihin nya ng ambaan ko ito na ipapalo ko sa ulo nya yung chopstick sa gamit ko.
"Di ako pwede magtagal. May date kami ni Kai."
Natahimik naman kami pareho, mejo naging awkward din. Bakit ko ba sinabi pa yon.
"Bakit mo ba sinagot yon?"
Nagiba naman ang aura ni Soobin at bigla itong naging seryoso, omg natatakot ako na ewan.
"Bakit naman hinde?" Grabe ang bobo ng sagot.
"Di kayo bagay"
Parang ewan na sagot sakin neto ni Soobin.
"Bakit? Masyado ba kong maganda para sa kanya?" Pagyayabang ko pero shempre joke lang yon. Napakapogi kaya ni Kai.
"Sakin ka bagay di sa kanya..."
Ilang sigundo din ang tinagal ng pagiging tahimik namin dahil sa sinabi nyang yon.
Tumingin ulit to sakin at tumawa bago magsalita.
"Joke lang oy umasa ka? Hahaha" Pangaasar naman nya.
"Oo"
Naging tahimik ulit kami, hmm tignan natin kung sino umasa jan.
"H-ha--"
"Charot. HAHAHA uy umasa sya."
Sinamaan naman ako ng tingin neto at binaling nalang ulit ang atensyon sa pagkain.
"Yieee hala si Soobin umasa hahahaha"
Sabi ko sabay lapit dito at tinulak yung noo nya pero di natuloy yon kasi hinawakan nya yung kamay ko habang nakatingin sa mga mata ko, Sobrang awkward.
Agad ko namang tinanggal yon. Natawa naman sya dahil siguro sa naging reaction ko.
"Kinilig ka ba?HAHAHA" sabay tawa ni Soobin.
So ginantihan lang nya ko.
Piningot ko sa tenga to kaya napatayo sya at nagsisisigaw.
"Aray Vien! Oo na panalo ka na!"
BINABASA MO ANG
room mate | Soobin ✓
Fanfiction[COMPLETED] "ᴡᴀɢ ᴋᴀ ᴍᴀɢ-ᴀʟᴀʟᴀ ɪʜᴀ~ ʙᴀᴋʟᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪʏᴀɴɢ ᴋᴀʀᴏᴏᴍᴀᴛᴇ ᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ʜᴀʏᴀᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ʜɪʜɪ!" ___________ [TomorroxTogether series: #5] {short story} Highest Rank: #3 ✔COMPLETED | Choi soobin | Soobin x You