[Vien]
"Sige na ms vien, introduce yourself na" nakangiti namang sabi ng maganda kong teacher.
"A-ah, i-i'm vien. F-from daegu hehe" di ko maiwasang mautal dahil nadidistract pa den ako sa ngiti ni soobin na yon.
"Okay, ms vien. You can sit there"
Nakangiti namang tinuro ni maam ang upuan sa bandang likod nila soobin at yeonjun, may dalawang upuan don na walang nakaupo kay dumiretso na ako don.
Nakayuko naman akong naupo sa likuran nila dahil di ko kinakaya ang mga tingin ng mga kaklase ko dito sakin><
Mukhang di magiging maganda ang schoolyear ko huhu
Nagsimula na ngang magturo ang prof namin, pagharap ng tc namin sa board ay lumingon naman si soobin sakin at may nilapag na papel sa lamesa ko.
"Hi classmate ^3^"
Psh, di ako makapagfocus dahil kay soobin. Nilukot ko nalang yon at pinocus na ang sarili ko sa lakikinig.
Natapos ang klase at nagsimula na ang breaktime namin, wala akong balak lumabas dahil nahihiya akong lumabas. Wala naman akong kakilala dito maliban kila soobin pero ang awkward namana kung sa kanila ako sasabay.
"Yah, vien tara?" Nakangiti namang aya sakin ni soobin habang ang pinsan nyang si yeonjun ay abala sa pagcecellphone na nakatayo sa likuran nya.
"Pwede ba? N-nakakahiya kasi makisa--"
"Oo naman, alam ko namang wala kang kakilala maliban samin. Diba?" Well, tama naman sya. Tsaka gutom na din talaga ko.
"O-okay" ngumiti ako dito bago ligpitin ang mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa at lumabas na kaming tatlo para magtungo ng canteen.
"Hay, dito ka din pala nag-aaral. Bakit di mo nabanggit sakin?" Tanong ni soobin habang naglalakad kami patungong canteen.
"Ah yun ba? Eh di mo naman tinatanong" natawa naman sya sa sagot ko.
Habang naglalakad kaming tatlo papuntang canteen ay kanina ko pa napapansin ang ibang estudyante dito na tinitignan ako mula ulo hangang paa sabay tingin kila soobin. Gosh don't tell me sikat tong si soobin dito??
"Treat ko" masayang sabi ni soobin at pumila na, tinignan ko sya hangang sa makarating sa orderan. Pansin ko din na sinusundan sya ng tingin ng mga kababaihan dito sa loob ng canteen.
Napatingin naman ako kay yeonjun na nakaupo sa harapan ko na abalang abala sa cellphone nya.
Napatingin naman to sa gawi ko at nilibot ang paningin nya sa nakapaligid samin at sa wakas napansin nya din na kulang nalang patayin nako ng mga students dito sa mga tingin nila.
"Is there any problem?" Mejo cold pero malakas na sabi ni yeonjun na nagdulot ng katahimikan at chismisan sa loob ng canteen.
Agad namang iniwas ng mga students yung tingin nila samin.
Okay nahuhulaan ko na, etong magpinsan na to sure ako kinakatakutan to dito sa school. At the same time, pinagkakaguluhan ng mga babae. Kaya nasa risk ang buhay ko.
Bakit ba di ko naisip na sikat tong si soobin sa school at sumama pa talaga ko ha, kaya pala ganon nalang kung tignan ako ng mga studyante ditooo
BINABASA MO ANG
room mate | Soobin ✓
Fanfikce[COMPLETED] "ᴡᴀɢ ᴋᴀ ᴍᴀɢ-ᴀʟᴀʟᴀ ɪʜᴀ~ ʙᴀᴋʟᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪʏᴀɴɢ ᴋᴀʀᴏᴏᴍᴀᴛᴇ ᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ʜᴀʏᴀᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ʜɪʜɪ!" ___________ [TomorroxTogether series: #5] {short story} Highest Rank: #3 ✔COMPLETED | Choi soobin | Soobin x You