"Merry Christmas Navie!"
"Reeve! Oh my gosh, anong ginagawa mo rito?"
Mabilis ko naman siyang hinila palayo sa restaurant na kinakainan namin ngayon ng pamilya ko.
"Sinabi sa akin ni Milan na nag-CR ka raw kaya sumunod ako at hinintay ka sa labas."
"Did she tell you that we'll eat here too?"
"I asked her where I can meet you to give you my gift and she said that this is the only chance I have."
"But it's dangerous! Paano kung nakita ka ni Mom or nina Tita? Gosh!"
"Don't worry, I made sure they didn't."
Napabuntong hininga na lang ako at niyakap na siya nang mahigpit.
It's been months since we last talked personally because Milan adviced us to be more careful.
Puro tawag at text lang kami at nagagawa lang namin iyon kapag nasa school kasi binabalik ko na ang phone ng pinsan ko kapag pauwi na kami.
"Merry Christmas, Reeve."
"Here's my gift."
"What's this?"
"Ops! Mamaya mo na buksan."
"Okay. By the way, sorry wala akong gift ah."
"Ikaw lang, sapat na."
"No, I bought one but it's in the house. Hindi ko naman alam na makikita kita ngayon eh."
"Bigay mo na lang sa akin kapag nagkita tayo ulit." Nakangiting sabi niya pa habang inaayos ang buhok kong nagugulo dahil sa hangin.
"I will." Hinalikan niya na nga ako sa noo at muling niyakap.
"Miss mo ako?" Nanunukso kong tanong
"Sobra."
"Talaga?"
"Oo, Nav. Kung nakakalusaw lang ang tingin, siguro wala na iyong picture na binigay mo sa akin dahil parati ko iyong pinagmamasdan."
"Aww."
"Ako ba, namiss mo?"
"Of course! Wala na ngang amoy 'yong hoodie mo eh, nasinghot ko na yata lahat."
"Kaunting tiis na lang naman di ba?" Tanong niya pa kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya habang magkayakap pa rin.
"Sana..."
"Sorry kung kailangan mong pagtiyagaan ang ganitong set-up ah. You don't deserve this, I'm really sorry."
"Hey hey, don't say that. Kung ito lang ang paraan para matanggap tayo ng mommy mo, kakayanin ko pang magtiis, okay?"
"Pero mukhang napapagod ka na."
"Mapapagod ako pero hindi ako susuko. Hinding-hindi kita iiwan kaya sana ay ganoon ka rin."
"I won't leave you."
"Iyan lang ang gusto kong marinig. Basta't magkasama tayong dalawa, makakayanan natin lahat ng problemang darating."
BINABASA MO ANG
Curse of September
Teen Fiction"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...