"Sorry Nav wala pa rin akong balita eh. Nagtanong-tanong na rin ako sa iba naming tropa pero wala rin silang alam."
"Ganoon ba? Sige salamat."
That's my last shot,
I'm tired.
Tama si Milan.
Hindi ko mahahanap ang taong nagtatago. He knows about my contact details, if he wants me not to worry, he'll hit me up but he didn't.
I just have to accept that he really left me.
I already did my part. I looked for him, my world revolved around him for almost a year. Maybe it's time for me to find myself again.
I need to continue living without him.
"Nav!"
"Oh?"
"Natanggap ako sa audition! Mag-apply ka na kasi!"
"Bukas."
"Talaga?!"
"Hmm."
Sinamahan nga ako ni Rioz sa audition at natuwa naman ako dahil nakita kong marami na siyang kakilala
"Hindi ka pa nag-aartista ang dami mo nang kilala."
"Pogi kasi ako."
"Whatever. Sige na, dito na ako."
"Galingan mo ah! Maghihintay ako rito."
"Dapat paglabas ko may gummy bears kang hawak ah!"
Wait.
Gummy bears...
Great. I got that from Niko, tuwing nasistress kasi siya or napipressure, parati siyang kumakain ng gummy bears para kumalma at makapag-isip
"Sige na, basta galingan mo! Kahit ilang pack pa bilhin ko."
Pumasok na nga ako sa room at doon naghintay tawagin ang pangalan ko.
Matapos ang ilang oras, natapos na rin sa wakas at paglabas ko, naabutan ko nga si Rioz na may dalang isang plastic na puro gummy bears ang laman.
"Request granted."
"Thank you!" Agad na akong kumain at inakbayan siya habang naglalakad kami.
Dumiretso na nga kami sa bahay pagtapos sa audition dahil nagluto raw si Mom para icelebrate ang first ever project ni Rioz.
"Ano nga palang role mo sa film?"
"Driver."
"Totoo?" Tanong ni Cadi
"Driver na tropa, gets?"
"Oh interesting." Komento pa ni Milan
"Gosh gusto ko na mapanood yan." Sabi ko naman kaya natawa sila
"Hindi pa nga buo iyong casts eh HAHAHAHAHA."
"Hinihintay pa kasi nila ako." Pagbibiro ko pero nagliwanag naman ang mga mukha nila
"Hala paano nga kung mapasama ka sa project na iyan? Astig iyon Ate!"
"Haha biro lang, hindi pa nga ako sigurado kung matatanggap ako eh."
"May background ka na naman sa pag-arte kaya okay lang yan." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Milan
"Saan?"
"Sa school, noong elementary at highschool kapag may roleplay na presentation HAHAHAHAHA."
"Haha crazy!" Napailing na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Curse of September
Teen Fiction"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...