"Mauna ka nang maligo babe."
"Ikaw na muna, mag-aayos pa ako ng gamit eh."
"Sabay na lang tayo?"
"Niko!"
"Haha joke lang! Sige na ako na muna, pahinga ka na lang muna diyan." Iniwan niya na nga ako at pumasok na sa sarili niyang bathroom
Gabi na rin kami nakauwi ni Niko dahil sinulit talaga namin ang araw na 'to.
Nang mahanda ko ang damit ko, bumaba na muna ako para kumuha ng tubig pero nagulat ako nang may pumasok sa backdoor
"Navie?"
"Denver ikaw pala, kumain ka na?"
"Oo, teka anong ginagawa mo rito?"
"Kukuha ng tubig."
"Hindi hindi, ang ibig kong sabihin ay dito ka matutulog?" Tanong niya pa
"Hmm, 'di ka pa sanay?" Natatawa kong tanong sa kanya
"Huh? Natutulog ka na ba dito dati pa?"
"Oo, hindi ba sinabi ni Niko?"
"Loko iyon ah! Akala ko hinahatid ka niya pauwi, binabahay ka na pala ng pinsan kong iyon."
"Weird naman pakinggan ng binabahay."
"Ay sorry sorry! Ngayon lang kasi ako umuwi, kina Walter kasi ako natutulog ngayon dahil malapit sa kanila iyong girlfriend ko."
"Oh, nasabi nga ni Niko na nakita mo raw ang girlfriend mo."
"Yeah, actually kamukha mo nga siya eh."
"What?"
"Iyong girlfriend ko, may kaunting hawig sayo."
Inulit pa nga!
"Hoy Denver Vandrick! Pinagsasasabi mo diyan? Gusto mong putulan kita ng dila?" Sabay naman kaming napalingon ni Denver kay Niko na tinutuyo ang buhok gamit ang tuwalya
"Luh! Anong sinabi ko?"
"May hawig-hawig ka pang nalalaman diyan!"
"Eh totoo naman! Teka Nav, may kapatid ka ba o pinsan?"
"Mayroon, bakit?"
"Puwede ko bang malaman?"
"Cadi ang pangalan ng kapatid ko, Milan naman ang sa pinsan ko."
Kahit nagtataka, binigay ko pa rin ang pangalan nina Cadi at Milan dahil alam ko namang walang planong masama si Denver
"Ay hindi, Kariya pangalan ng girlfriend ko eh."
"Ano na nga pala ang nangyari?" Tanong na ni Niko sa pinsan habang pinupulupot ang braso sa baywang ko.
"Ewan ko sa kanya, ang labo!" Ginulo pa ni Denver ang buhok niya at nagwalk-out na
Napalingon naman ako kay Niko na tinatawanan ang pagiging problemado ng pinsan niya.
"Ang sama mo."
"Oh bakit?"
"Gulong-gulo na nga iyong tao pero pinagtatawanan mo lang."
"Haha iyon nga iyong nakakatawa eh."
"Ewan ko sayo, maliligo na ako." Umakyat na nga ako sa kuwarto niya at naligo na.
Habang nasa bathroom, hindi ko maiwasang maisip ang naging reaksyon ni Denver kanina nang malamang dito ako natutulog.
Naiintindihan ko naman pero tingin niya kaya hindi maganda ang pagsasama namin ni Niko?
BINABASA MO ANG
Curse of September
Teen Fiction"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...