- P R E S E N T -
"Sweet!" Napalingon agad ako nang marinig ko ang boses na iyon
"You're late!"
"Grabe naman sweet! 2 minutes lang oh!" Pinakita pa niya sa akin ang relo niya kaya napailing na lang ako
"Girl! Nabalitaan mo ba na nag-iba raw ang direktor natin?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Belle
Yeah, katrabaho ko ulit ngayon si Belle. Ang kaso lang, kontrabida siya kaya panay na ang panlalambing niya sa akin ngayon.
"Sino na?"
"Mamaya raw ipakikilala eh."
"Ok—"
"Sweet! Pansinin mo naman ako!"
"Hoy Rioz tigilan mo ako ah, mapapasama ka talaga sa akin ngayon."
"Harsh naman ng jowa ko." Napairap na lang ako at hinarap na ulit si Belle pero natatawa na siya sa amin ni Rioz kaya tumayo na siya at umalis
"Ano na naman bang nakain mo at ang hyper mo ngayon?"
"Maganda lang gising ko."
"Tss! Nagtext na naman sayo babae mo 'no?"
"Haha hulaan mo!"
"Ewan ko sayo! Baliw ka na." Iniwan ko na nga siya sa tent at lumabas na para kausapin ang ibang staff
Nakasanayan ko na ang chikahin ang mga staff bago magsimula ang shooting dahil nakaclose ko na sila.
Ilang taon na rin naman ako sa industriya at sa mga panahon na iyon, natupad ko na ang pangarap ko.
Nakagawa na ako ng sarili kong pangalan sa larangan ng pag-arte.
"Nav, si Milan tumatawag."
Ano na naman kaya ang kailangan ng pinsan kong 'to?
"What's up?"
(Hehe Nav?)
"Hehe hehe ka riyan, ano na namang gusto mong hilingin? Kung magpapasama ka para makita ang boyfriend mo, matic na hindi na ang sagot ko."
(Hala paano mo nalaman?)
"Iyon lang naman ang dahilan para tumawag ka eh."
(Galing mo talaga! So can you come with me? Please please! I really wanna see my boyfriend, Nav. Almost 3 months na kaming hindi nagkikita.)
"Bakit kasi hindi mo na lang ipaalam kay Mom? Maiintindihan naman niya eh."
(Yeah nga but I'm pretty sure he won't like my man for me because of his job.)
"Wala namang mali sa trabaho niya ah? He's a club owner, that's a decent job."
(Wait! How did you know he's a club owner?)
Oh shit.
"Uh I have to go Milan, they're calling me na! Bye!"
BINABASA MO ANG
Curse of September
Teen Fiction"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...