"Ranae Alavien ang pangalan mo?" Gulat na tanong sa akin ni Rioz nang kaming tatlo na lang nina Arisse ang magkakasama
"Oo pero kakaunti lang ang may alam niyon."
"Sino-sino?"
"Pamilya ko at ang bestfriend ko sa Pilipinas, si Britanny."
"Eh paano nalaman ni Niko?" Tanong naman ni Ar.
"Hindi ko rin alam kaya nga nagulat ako nang tawagin niya ako sa buo kong pangalan."
"Teka, paanong naging Navie ang pangalan mo?"
"Palayaw ko lang ang Navie. Iyong NA ay galing sa raNAe tapos 'yong VIE naman ay sa alaVIEn."
"Astig!" Napailing na lang ako sa naging reaksyon nila at bumalik na sa pag-inom.
Hanggang ngayon kasi ay palaisipan sa akin kung paano nalaman ni Niko ang pangalan ko. Pinaimbestigahan niya ba ako?
"Nav, ano na ang gagawin mo ngayon?"
"What do you mean?"
"Mukhang tinamaan sayo si Niko, paano kung ligawan ka niya?"
"E'di manligaw siya, wala naman akong planong sagutin siya."
"Talaga ba? Mukhang trip mo rin si Niko eh. Hindi ka nga makapagsalita nang maayos kapag nandiyan siya! Muntik ka pang matumba nang makita mo siya." Ito na naman ang mapang-asar na Rioz!
"Nagulat lang ako kasi akala ko wala na siya rito!"
"Ha? Ano 'yon? HAHAHAHAHAHA!"
"Grr! Kainis ka!"
Nang mahalata niyang nagsisimula na akong mapikon, tinigilan niya na ang pang-aasar at si Ar naman ang pinuntirya.
Nanonood lang naman ako habang nag-aasaran sila dahil baka madamay pa ako kapag nakisali pa.
Panay din ang inom nila kaya tumigil na ako para may magbantay sa kanila kung sakali mang may malasing nang sobra.
At tama nga ako, pareho silang lasing!
"Let's go!" Hinila ko pa sila patayo pero parati rin kaming natutumba
Gosh! Babatukan ko talaga sila bukas!
"Hala Ar!"
"Bakit Ri?" Nagtataka ko naman silang nilingon at nakitang magkatabi na sila habang umaaktong nagbubulungan
"Nandito 'yong crush ko!"
"Sino? Nasaan?"
"Ayon oh!" Napataas naman ang kilay ko nang ituro niya ang direksyon ko.
Nasaan? Tumalikod ako para tignan kung may tao ba sa likod ko pero wala naman.
May nakikita ba siyang hindi ko nakikita?
"Tropa natin iyan eh!"
"Oo nga! Crush ko siya! Ang ganda ganda niya eh. Hi crush!"
Huh? Ako ba ang tinutukoy niya?
"Hoy Rioz Parker, umayos ka nga!" Sinampal ko pa siya nang mahina para mahimasmasan siya pero tumawa lang siya at hinuli pa ang kamay ko
"Rioz!" Hinila niya kasi ako dahilan para mapaupo ako sa hita niya
Gosh! Ano bang nangyayari?
"Crush ang ganda mo talaga!"
"Tumigil ka nga!"
"Ar, ang ganda ni Navie 'no?"
"Siyempre! Lahat ng kaibigan ko maganda 'no!" Nag-apir pa silang dalawa kaya napailing ako lalo
BINABASA MO ANG
Curse of September
Roman pour Adolescents"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...