"May something ba sa face ko?"
"Wala naman."
"Eh bakit kanina ka pa nakatitig sa akin?"
"Hindi ko lang mapigilan."
"Ewan ko sayo! Halika na nga rito."
"Haha mamaya."
"Anong mamaya? Kanina ka pa nakaupo diyan eh, sana sinabi mo na lang na sitting, hindi swimming!"
"Oh chill! Ito na nga oh, galit ka agad eh." Napatakip naman ako ng mukha nang bigla siyang nagdive papunta sa akin.
"Niko!"
"Ano?"
"Huwag mo akong yakapin."
"Bakit?"
"Kasi hindi puwede."
"Bakit hindi puwede?"
"Hindi puwede kasi hindi pa kita sinasagot."
"Ano naman?"
"Tss! Bitiw na."
"Nope!"
"Ang kulit mo."
"Sayo lang naman ako ganito."
"Tss."
"Hayaan mo na ako, Nav please?" Napaiwas naman ako nang tingin dahil nakakarupok ang tingin niya.
"Kapag talaga may nakakita sa atin dito, lagot ka sa akin."
"Ganda mo talaga 'no?"
"Change topic ka 'no?"
"Haha kasi naman ang dami mong iniisip eh, puwede bang sa akin mo lang ibaling iyang atensyon mo?"
Iyon na nga eh! Parati niyang naaagaw ang atensyon ko kaya pilit kong binabaling iyon sa iba para hindi lang siya ang nakasentro sa paningin ko.
"Fine."
Talaga ngang gusto niyang mapunta sa kanya ang atensyon ko dahil unti-unti niya na akong dinadala sa malalim na parte ng pool.
"Niko, hindi ako marunong lumangoy!"
"Nandito naman ako, kalma ka lang."
"Niko!"
"Shh, I'm here babe. Hindi naman kita bibitawan." Napakapit na nga ako sa leeg niya dahil hindi ko na maramdaman ang floor.
"Just look at me, Navie."
"Hmm."
Sinunod ko nga siya pero parang lalo akong kinabahan nang magtagpo ang tingin namin.
Mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil ngayon ko lang namalayan na sobrang lapit na pala namin sa isa't isa.
"Sa akin ba iyon o sayo?"
"A-Ang alin?"
"Nevermind, baka sa akin iyon haha." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang tinutukoy niya sa tanong niya eh.
"Nav, uso huminga."
"Alisin mo kasi iyang ulo mo sa leeg ko!"
BINABASA MO ANG
Curse of September
Teen Fiction"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...