Chapter 8

3 1 0
                                    

"Hala Nav! Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?"

Napaupo na lang ako habang nakatitig sa phone na hawak ko.
 
Kanina ko pa pinipigilang hindi maiyak dahil ayoko nang mas pahirapan pa si Reeve. Ayokong malaman niya na nasasaktan ako dahil alam kong masasaktan din siya.

"I broke up with him."

"Huh? Bakit? Akala ko ba mahal mo?"

"If he stays committed with me, he can't fully enjoy his life, and I don't want that for him. He deserves to be happy, he deserve to explore and be with others."

"Eh paano ka naman? Kaya mo bang maging masaya kung sakali mang makahanap siya ng iba?"

I don't know...

But if that'll make Reeve happy, then I will endure the pain and accept it.

Ako naman ang nakipaghiwalay eh, anong karapatan ko para magreklamo?

"Bago ko siya kausapin, pinapractice ko na ang sasabihin ko. Gusto kong sabihin sa kanya na sana ay manatili at maghintay pa siya sa akin."

"Kung iyon ang iniisip mo, bakit nauwi kayo sa hiwalayan? Ang labo ah!"

"Kasi habang kausap ko siya, biglang pumasok sa isip ko na hindi ko kayang ipagkait sa kanya ang kalayaan niya na hindi niya makukuha habang kami pa."

"Sumang-ayon naman siya?"

"Ayaw niya noong una pero pumayag din naman nang sinabi kong puwede naman kaming magkabalikan kung mahal pa namin ang isa't isa kapag nagkita kami ulit."

Napatango naman si Rioz habang kumukuha ng tubig para sa akin. Pinunasan niya rin ang luha sa pisngi ko dahil kanina pa ako umiiyak.

I shouldn't be crying!

Maayos naman ang naging breakup namin ni Reeve, maganda naman ang naging usapan namin.

"Tahan na baka abutan ka pa ni Tita Cash, pauwi na rin iyon."

"Sa kuwarto muna ako."

"Sige, ako na ang bahala kina Milan at Cadi."

"Salamat."

"Wala iyon, magpahinga ka ah!" Tumango na lang ako at tahimik na ngang pumunta sa kuwarto naming tatlo nina Cadi.

Sana ay wala akong pagsisihan sa naging desisyon kong ito. Para din naman sa kanya 'to, lahat ng mga ginagawa ko ngayon ay para din sa kalagayan niya.

Reeve, I really hope you'll be happy even without me.

Kahit hindi na ako, kahit ikaw na lang.

"Ate?"

"Hey, why are you here? You should be studying."

"Masama raw ang pakiramdam mo sabi ni Rioz."

"I'll be fine, Cadi." Mukha namang hindi siya kumbinsido dahil lumapit pa siya sa akin at tinabihan ako sa kama ko.

"You cried."

"I...I..."

"You can tell me anything, Ate."

"Nalulungkot lang ako dahil nauwi rin kami ni Reeve sa hiwalayan. Kung sana ay hindi tayo umalis, sana kami pa rin."

"Masasanay ka rin na wala siya."

Curse of SeptemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon