"Salamat naman naabutan din kita Nav!"
"Huh?"
"Ilang araw na kitang hinihintay eh kaso parating late ka na umuuwi."
"Sorry, busy sa trabaho eh."
"It's okay! By the way nakapagdecide ka na ba? Please say yes!"
"Milan, si Cadi na lang kasi ang isama mo."
"Ayaw niya eh."
"Eh bakit ako?"
"Mas papayagan ako kapag ikaw ang kasama ko. Atsaka ayaw mo ba niyon, makakapagpahinga ka saglit?"
"Iyon na nga Milan, wala akong vacant ngayon."
"2 days lang naman eh."
"Tsk! Tatanong ko si Ate Priva kung may bakante ako pero kung wala, sorry na agad."
"Sige sige! Tanungin mo ah!"
"Yeah. I'll update you later."
Umalis na nga ako sa bahay at sumakay na sa sasakyan para makarating na agad sa set. Nandoon na kaya si Rioz?
"Kuya Kaloy, si Ate Priva po?"
"Nauna na po siya Ma'am, may daraanan pa raw po kasi siya kanina eh."
"Ganoon po ba? Sige po salamat."
Sinalubong nga agad ako ni Ate Priv nang makarating na kami at sinamahan na ako sa tent ko.
"Ate, may free day ba ako this week or next week?"
"Bukas may photoshoot ka lang sa umaga tapos wala ka nang schedule hanggang kinabukasan."
"Really?"
"Oo, bakit?"
"Pupunta ako ng Batangas bukas, namimilit na naman si Milan eh."
"Ilang araw iyon?"
"Dalawa pero magpapalate na lang ako."
"Sige, hindi na ako tatanggap kung sakali mang may magbook ng sched sayo."
"Thank you Ate!"
"Wala iyon! O siya sige na magbihis ka na dahil ikaw na ang sunod kay Belle."
To: Milan
Bukas free ako, kaso may shoot pa ako sa umaga kaya malilate ako nang kaunti.From: Milan
Yay! Okay na iyon, kaysa wala talaga. Oh my gosh magpapack na ako ng gamit ko. Thank you so much Nav! Love you so much!To: Milan
Yeah yeah, love you too.Muli pa nga siyang reply sa huling text ko pero hindi ko na tinignan dahil inaayusan na ako para sa scene mamaya
"Nav! It's your turn."
"Susunod na ako roon."
Lumabas na nga ako at nagtanong kung may instructions pa sila bago ako sumalang.
"Just mind your blocking and practice your punches while the camera's not rolling."
"Okay."
"Navie."
"Yes Direk? May idadagdag ka pa ba?"
"Uhm, may nakasulat kasi sa script na hahalikan mo si Rioz, puwede bang ifake iyon?"
"Why are you asking me? You're the director."
"Huh?"
"Tss, kausapin mo iyang kaibigan mo Brandon mukhang nawawala na sa sarili." Narinig ko pa ang pang-aasar ni Brandon kay Niko pero hindi ko na sila nilingon pa dahil sinalubong na ako ni Rioz
BINABASA MO ANG
Curse of September
Teen Fiction"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...