"Hi Tita!"
"Ano na naman ang kailangan mo?"
"Hehe hiramin ko muna si Navie, Tita! May lakad kasi kami ngayon eh."
Hiramin? Ano ako, gamit?
"Gagala na naman kayo?"
"Kakain lang po kami sa labas kasama si Arisse." Pagpapaalam niya pa kay Mommy habang hinihintay akong matapos mag-ayos ng bag.
"Anong oras kayo uuwi?" Nilingon na ako ni Mommy kaya lumapit na ako sa kanya para humalik sa pisngi
"Baka gabihin na kami Mom, nagyaya rin kasi si Arisse magclub ngayon."
"Hay nako! Mag-iingat kayo ah."
"Opo! Sorry Mom, babawi ako promise, we'll finish the series next time!"
"Oo na, sige na umalis na kayo at baka naghihintay na si Arisse sa inyo." Bumeso na rin si Rioz kay Mommy at hinayaan na nga kaming umalis.
Nanonood kasi kami ni Mom ng paborito niyang series, ito na ang naging bonding moment namin simula nang magkaayos kami.
Nakausap niya na rin naman sina Cadi at Milan kaso hindi sila nakasama sa amin kanina dahil may ganap sila ngayon sa school.
"Pormang-porma ka yata ngayon?"
"Siyempre, baka may magustuhan ako sa club mamaya eh. Parati dapat akong mukhang presentable para makaattract ako ng mga babae."
"Tss, hindi pa sapat sayo iyong mga babae mo sa school?"
"Navie, hindi ko naman papatulan iyong mga batang may gusto sa akin doon!"
"Hindi mo papatulan talaga? Nilalandi mo nga iyong parating nakasuot ng maiksing skirt eh!"
"Hoy hindi ah! Kapatid iyon ng teammate ko 'no!"
"Sus!"
"Sus sus ka diyan! Selos ka lang eh."
"Yuck! Ako? Never!"
"Never! Nye nye nye aminin mo na kasing crush mo ako."
"Kadiri ka talaga! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!"
"HAHAHAHAHA pikon!" Inirapan ko na lang siya dahilan para mas lalo niya akong pagtawanan.
Nakakainis talaga 'to!
"Oh? Kunot na naman ang noo mo, Nav." Natatawang salubong pa sa akin ni Arisse habang abala sa cellphone niya.
Sino na naman kaya ang katext ng babaeng 'to? Hindi na naubusan ng kausap eh.
"Ikaw naman kasi Ri, huwag mo bwisitin parati 'tong kaibigan natin! Sige ka, baka bumalik iyan sa Pilipinas."
"Iyan, babalik sa Pilipinas? Malabo na yata Ar!"
"Bakit naman? Ilang buwan na lang, gagraduate na tayo, ibig sabihin puwede na siyang bumalik doon."
"Wala naman na siyang babalikan doon eh." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
"Can you clarify that, Rioz?" Masungit na tanong ko
"Nakamove-on ka na naman kay Reeve, bakit ka pa uuwi ng Pilipinas?"
"Sino naman nagsabing nakamove-on na ako?"
"Ako, kasasabi ko lang di ba?"
"Rioz!"
"Uso kasi sumagot nang maayos Ri!" Inakbayan pa ako ni Arisse na parang pinapakalma ako.
Nang makaupo kami sa table namin, umorder na muna kami ng pagkain dahil lahat kami ay nakaramdam na ng gutom.
BINABASA MO ANG
Curse of September
Teen Fiction"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...