"Ate hindi nga puwede! Kami ang malalagot kay Mom kapag nalaman niyang hinayaan ka naming makipagkita sa boyfriend mo."
"Cadi saglit lang naman eh. Ilang linggo na kaming hindi nagkakausap, baka isipin niyang iniiwasan ko siya."
"Ate, hindi talaga puwede. Close ni Mommy ang mga prof natin at kapag may nakakita sa inyo ni Reeve na magkasama, lagot talaga tayo."
Paano ko ba mapapapayag 'tong si Cadi? Hindi ko naman siya puwedeng takasan dahil nang ginawa ko iyon nang isang beses, hindi niya ako pinansin nang dalawang linggo.
"My class is over bitches! Wait, what's with the frown, Nav?"
"Cadi won't let me meet up with Reeve."
"Oh."
"Milan help me." Sigurado kong tutulungan niya ako dahil alam niya ang pakiramdam nang hindi makausap ang boyfriend.
"Nasaan ba ngayon si Reeve?"
"May practice yata sila ngayon eh."
"Then let's go to the court!"
"Milan! Bawal nga!"
"Huwag kang KJ diyan, Cadi. Wala namang makakaalam na magkikita sila ngayon."
"But—"
"Save it, you know how stubborn I am so, my ears are closed for objections."
"Milan!"
"Shh!" Hinila na nga ako ng pinsan ko at pumunta na kami sa court para puntahan si Reeve.
Nang makarating kami doon, natanaw ko agad siyang nakaupo sa bench habang hawak ang cellphone niya.
"Eroa, si Navie!" Narinig kong sigaw ng captain nila sa kanya
Mabilis namang nag-angat ng tingin si Reeve at tumakbo na palapit sa akin. Sinalubong niya ako ng yakap kaya ramdam na ramdam ko ang pagkamiss niya sa akin.
"What happened, Nav?"
"Mom found out about us."
"Anong sabi niya?"
"She wants me to break up with you."
"No! Please, don't."
"I won't, don't worry. I plan to keep you for a long time, Reeve."
"That's a relief."
"By the way, I'm grounded that's why I can't reach out to you. It took me a while before I approach you because Mom threatened me."
"Threatened you?"
"Yes, that if I contact you in any way, she'll transfer me to a different school."
"Eh paano kapag nalaman niyang nakipagkita ka sa akin ngayon? Ayokong malayo ka sa akin. Kaya kong tiisin na hindi mo ako kinakausap basta alam kong nandito ka lang, at nakikita kita."
"Hindi niya 'to malalaman."
"Sigurado ka?"
"Hmm, wala naman masyadong tao kaya walang puwedeng magsumbong sa kanya."
"How about your sister and your cousin?" Mahinang bulong niya pa at sinulyapan ang dalawa kong kasama
"Hindi nila ako ilalaglag."
"Okay." Natahimik naman kaming dalawa at tila nagpapakiramdaman pa pero nabigla ako nang halikan niya ako sa labi
"Natakot ako, Navie." Bulong niya nang yakapin niya na ako.
"Susubukan kong hindi ka masaktan, Reeve."
"Akala ko nagbago na ang isip mo eh, akala ko ayaw mo na sa akin."
BINABASA MO ANG
Curse of September
Teen Fiction"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...