Chapter 16

0 0 0
                                    

"Gusto mo bang samahan pa kita sa loob?"

"Huwag na, paniguradong nandiyan pa si Mommy."

"Alright then, I'll just wait here."

"I will be quick." Tumango lang siya at hinayaan na akong pumasok mag-isa sa bahay.

At tama nga ako, nandito pa si Mom. Nakita naman niya agad ako kaya lumapit na ako para yakapin siya.

"Where have you been? Hindi ka na naman umuwi? Ilang buwan ka nang inuumaga sa pag-uwi ah?"

"Sleepover po."

"Saan?"

"Uh sa—"

"Good morning everyone!" Sabay naman kaming napatingin ni Mom kay Rioz na kararating lang

Ang aga niya namang nangapit-bahay? Pero mabuti na rin na nandito siya para masalo niya ako kay Mom.

"Rioz kayo ang magkasama parati nitong si Navie, alam mo ba kung saan siya nagsisleepover?"

"Sleepover? Ah yes Tita! Kina Arisse."

"Kasama ka ba?"

"Minsan lang ako sumama Tita Cash, ayoko namang makasira sa girl talk nila."

"Ah ganoon ba?"

"Opo! Ay Tita wait lang ah, may itatanong lang ako kay Nav."

"Sige sige, sa garden lang ako."

Hinila naman ako ni Rioz pataas at namaywang pa sa harapan ko.

"Si Niko nasa labas."

"Oo, aalis kami eh."

"Saan kayo pupunta?"

"Hiking!"

"Uuwi ka ba mamaya?"

"Hindi ko pa sigurado eh. Back me up first, please?"

"Hay nako ka talaga! Malilintikan tayo nito eh."

"Dali na, ngayon lang naman."

"Ngayon lang naman, ilang beses mo nang sinabi iyan hoy!"

"Hehe please?"

"Oo na! Kapag talaga ako napahamak dito ah, lagot ka sa akin." Pagbabanta niya pa pero hindi naman ako nagpatinag.

"Thank you Ri! You are the best!"

"Talaga! O siya bilisan mo na dahil baka makita pa ni Tita ang sasakyan ng jowa mo."

"Hindi ko pa nga jowa!"

"Advance ako mag-isip eh bakit ba?"

"Tss! Sa baba ka na, aliwin mo muna si Mom."

"Ano ako, clown?"

"Oo, katawa-tawa ka kasi eh."

"Kung isumbong kaya kita kay Tita ngayon?"

"Joke lang kasi! Ito naman hindi mabiro." Nginisian niya pa ako kaya inirapan ko na lang siya at nagtungo na nga sa kuwarto.

Naabutan ko namang tulog pa si Milan at Cadi kaya tahimik akong kumuha ng gamit. Nagpalit na rin ako ng damit na kumportable.

"Hmm Ate?"

"Cadi, sorry did I wake you up?"

"Where are you going?" Takang tanong niya pa habang nakatingin sa bag ko.

"Date, maghike kami."

"Ah, with Niko?"

"Hmm."

"Alright! Take care, Ate. Protection ah!"

Curse of SeptemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon