"Anong isusuot ko?"
"Saan ba kasi ang punta mo?"
"I don't know! Just choose what suits me! How about this one?" Pinakita ko pa ang red dress na hindi ko pa nagagamit"Yeah, it looks good."
"Pero paano kung sa amusement park kami pumunta? No, no, no, hindi 'to puwede."
"Gosh Navie! Just wear jeans and shirt!"
"It's too plain, Milan!"
"Ay ewan ko sayo! Diyan ka na nga, may lakad pa ako eh."
"Help me first!"
"Lahat naman ng sinasuggest ko, hindi okay sayo eh!"
"Last na, promise! I'll wear whatever you give me."
"Siguraduhin mo lang."
"Yup!"
Hinayaan ko na nga siyang pumili sa damitan ko at nang matapos siya, binigay niya na sa akin iyon.
"Try it."
Ang ganda!
Kumportable lang siya at mukhang maayos pa rin. It looks classy! Okay, I like this.
"Oh ano?"
"Thank you!"
"May date ka 'no?"
"W-What?"
"Okay, I'll take that as a yes." Nginitian niya pa ako kaya lalong nag-init ang pisngi ko.
Hindi na lang ako sumagot dahil totoo naman ang sinabi niya.
"Ay nga pala bago ko makaimutan, sabi ni Rioz salamat daw sa pag-aalaga sa kanila kagabi."
"Bakit mo pinauwi?"
"Uuwi na raw siya eh! Bakit ko pipigilan?"
"Babatukan ko pa iyon eh! Pinahirapan kaya nila ako kagabi."
"Bukas mo na lang gantihan, magkikita naman kayo."
"Tss!"
Habang pababa naman kami ng hagdan, napatigil ako nang matanaw ang isang pamilyar na likod.
It can't be him, right?
"May bisita ka, Nav?" Baling sa akin ni Milan na mabilis ko namang ikinailing.
"N-No."
"Oh ayan na pala si Navie eh! Nav, kanina ka pa hinihintay nitong si Niko." Lalo akong naestatwa nang mapansin na ako ni Tita Glacy
"No pala ah! So may date ka nga?" Tumango na lang ako sa tanong ni Milan at tuluyan na ngang nagpahila pababa.
Tinulak na ako ni Milan palapit kina Tita habang siya naman ay dumiretso na sa pinto dahil may pupuntahan pa siya.
Next time ko na lang siya ipakikilala kay Niko. Wala namang namamagitan sa amin kaya bakit kailangan ko pa siyang ikuwento sa pamilya ko?
"Maiwan ko na kayo ha, kailangan ko pang pumunta sa shop."
"Sige po, Tita."
Pag-alis ni Tita, hinarap ko na si Niko na nakapamulsa pang nakatitig sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?"
"May date tayo di ba?"
"Oo nga."
"Then that's the answer to your question, I'm here to pick you up."
"Bakit? I mean, you can just text me the address."
"Nah, that's not how it works for me."
"Tss! Paano mo nga pala nalaman kung saan ako nakatira?"
BINABASA MO ANG
Curse of September
Teen Fiction"Pain," it will always be attached to the word "Love" because when you feel this emotion, you can't stop yourself from all the expectations which can also disappoint you in the process. However, some people still achieve happiness despite getting h...