Chapter 36

1 0 0
                                    

"Nav! Umiyak ka ba?"

"Nahilam lang ako sa tubig-alat."

"Eh? Teka, nagkita ba kayo ni Niko kanina? Sinundan ka niya ah?"

Oo, nag-iyakan pa nga eh.

"Hmm. Uh Milan, puwede bang iwan mo muna ako? Gusto ko munang mapag-isa."

"Huh? Hmm okay, basta bumaba ka na rin agad ah! Hindi ka pa kumakain eh." Kahit nag-aalangan siya, sinunod niya pa rin ako at lumabas na nga

Habang nasa shower, doon ko lalong binuhos ang emosyon na kanina ko pa gustong ilabas habang kaharap si Niko

Tila bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Sobrang naninikip ang dibdib ko dahil hindi ko maiwasang maalala kung ano ang mga pinagdaanan ko

Kung tutuusin nga, mas marami pa riyang mas matindi ang pinagdaanan kumpara sa akin pero hindi ko alam kung bakit ganito na lang talaga kasakit ang ginawa ni Niko

Siguro dahil binigay ko sa kanya ang lahat lahat? Iyong oras, tiwala, pagmamahal at ang buong sarili ko

Hindi ko pa rin kasi siguro matanggap na parang wala lang sa kanya iyong mga pinagsamahan namin, pakiramdam ko para akong pinagsawaang gamit na tapos nang pakinabangan kaya tinapon na lang basta-bata

Para akong alagang aso na inabandona sa kalye at pilit na hinahanap ang taong tinuring kong isa sa mga pinakamahalagang tao sa buhay ko pero wala, kahit maghintay ako noon, wala naman talagang babalik

At may gana pa siyang sabihin na bumalik pa rin naman siya ngayon?

Bakit hindi noon? Bakit ngayon siya bumalik kung kailan hindi ko na kailangan ang presensya niya?

"Nav? Nav? Ayos ka lang ba? Nakatulog ka na ba riyan sa banyo? Mahigit isang oras ka na riyan ah?" Pagkatok pa ni Milan

"I-I'm almost done!"

"You're crying aren't you?"

How did she know?

"I'm not."

"Sa akin ka pa talaga nagdeny ah? Halata naman sa boses mong malat na! Kapag hindi ka pa lumabas diyan, bubuksan ko na 'tong pinto gamit ang susi."

"I'll go out in a minute."

"Maghihintay ako rito."

Tumayo na nga ako mula sa pagkakababad sa bathtub at nagpunas na dahil baka nga pasukin na ako rito ni Milan kapag nagtagal pa ako

Paglabas ko, nakataas agad ang isang kilay ng aking pinsan at sinusundan ang bawat galaw ko.

"Anong nangyari?"

"Wala."

"Wala ka riyan! Tignan mo nga iyang mata mo, magang-maga na naman tapos iyong boses mo malat na malat!"

"Please Milan, I need silence."

"Tsk! Silence silence, bigyan kaya kita nang pangmatagalan na katahimikan?!"

"I'm just emotionally drained. Magkukwento rin ako kapag ready na ako, okay?"

"Siguraduhin mo lang! Halika nga rito, alam kong kailangan mo ng isang mahigpit na yakap ngayon." Hinila nga niya ako at niyakap kaya tumulo na naman ang luha ko

I really am lucky to have a comforting family.

"Thank you."

"O tama na ang drama ha! Bumaba ka na dahil wala pang laman iyang tiyan mo, ipapahanda ko na ang pagkain mo."

"Susunod na ako." Kiniss niya pa ako sa gilid ng ulo ko at pinisil ang aking ilong bago siya tuluyang umalis

Kahit talaga bungangera iyon, hindi pa rin maitatanggi na sweet siya pagdating sa amin ni Cadi.

Curse of SeptemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon